MAHIGIT labinlimang porsyento (15%) lamang ng mga kumuha ng Civil Service Examination (CSE) ang pumasa, ayon sa Civil Service Commission (CSC). Sa inilabas na anunsyo ng komisyon kahapon, 50,096 sa kabuuang 302,028 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT) na isinagawa noong Agosto 10, 2025 sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa datos ng CSC, 45,730 o 15.14% ang pumasa sa Professional Level, habang 4,366 lamang sa 29,647 examinees ang pumasa sa Subprofessional Level. “We congratulate all passers of the August 2025 examinations.…
Read MoreCategory: BALITA
P695-B ‘PORK’ PASOK PA RIN SA 2026 BUDGET
DAAN-DAANG bilyong piso umano ng pork barrel ang nakasiksik pa rin sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ayon sa Makabayan bloc. Dahil dito, bumoto ng “no” sa House Bill 4058 o 2026 General Appropriations Bill ang tatlong kongresista mula sa grupo — sina Act Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Co, at Gabriela Rep. Sarah Elago. “This is not reform. This is the consolidation of a corrupt system that enriches the political elite while millions of Filipinos lack classrooms, hospitals, decent housing,…
Read MorePUBLIKO INABISUHAN SA PAGKALAT NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS
NAGBABALA ang Muntinlupa City Health Office (CHO) sa publiko hinggil sa influenza-like illness (ILI), isa sa mga pangunahing dahilan ng pagsuspinde ng klase ngayong Oktubre 13 at 14 sa National Capital Region (NCR). Ayon sa World Health Organization (WHO), ang ILI ay isang acute respiratory illness na may lagnat na higit o katumbas ng 38°C at ubo, na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw. Sa inilabas na advisory, ipinaliwanag ng Muntinlupa CHO na madaling kumalat ang ILI mula sa tao patungo sa tao sa pamamagitan ng hangin (ubo o…
Read MoreLIBRE NA LIBING SA MAHIHIRAP
LIBRE na ang libing ng mahihirap na Pilipino matapos awtomatikong maging batas ang “Free Funeral Services Act” o Republic Act No. 12309, kahit walang pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kinumpirma ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nag-“lapse into law” ang nasabing panukala noong Setyembre 28, 2025, ibig sabihin ay naging ganap na batas kahit hindi nilagdaan ng Pangulo. Sa ilalim ng RA 12309, obligado na ang gobyerno na magbigay ng libreng serbisyong libing sa mga pamilyang itinuturing na “in crisis situation” — kabilang ang mga mahihirap,…
Read MoreMAGSASAKANG RIDER UTAS SA NAKASALPUKANG TRUCK
QUEZON – Namatay ang isang 50-anyos na magsasaka matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang truck sa Maharlika Highway, Barangay Poblacion, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan bandang alas-11:55 ng gabi noong Linggo, Oktubre 12. Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Emman”, residente ng Barangay Masin Norte, Candelaria. Ayon sa ulat, minamaneho nito ang isang TMX motorcycle nang makasalpukan ang isang wing van truck na minamaneho naman ng isang nagngangalang “Herson”, 33-anyos, residente ng Tanauan City, Batangas. Batay sa imbestigasyon, nasa gitna ng pag-overtake ang truck sa isa pang…
Read MoreDAVAO ORIENTAL ZERO CRIME PAGKARAAN NG LINDOL
INIHAYAG ni PCol. Esmeraldo Osia Jr., hepe ng Community Affairs Division ng PNP-Directorate for Police Community Relations, naitala ang “zero crime rate” sa Davao Oriental matapos ang lindol. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Osia na nanatiling maganda ang law enforcement operations ng Philippine National Police sa Davao Oriental. Aniya, walang nangyaring “looting incidents” o walang nanamantala sa sitwasyon sa kabila ng nangyaring malakas na lindol. Upang manatili ang kaayusan at pagtulong sa mga nangangailangan ay nag-deploy ng mahigit sa 2,000 na pulis sa Davao Oriental. Bukod…
Read MoreSinaway na utangin ang pang-tuition ng apo SENIOR PATAY SA BUGBOG AT PALO NI MISTER
BATANGAS – Patay isang 62-anyos na ginang makaraang bugbugin at paluin ng kahoy ng kanyang mister na kinagalitan nito nang tangkaing utangin ang perang pang-tuition ng kanilang apo sa bayan ng Laurel. Kinilala ang biktima sa pangalang “Zenaida”, 62-anyos, residente ng Barangay San Gabriel. Nasugatan din ang 13-anyos na binatilyong apo na si “Rich”, Grade 7 student, na tinangkang tulungan ang kanyang lola. Batay sa imbestigasyon ng Laurel Municipal Police Station, nangyari ang insidente noong Linggo ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya. Ayon sa ulat, tinawag umano ng…
Read More2-STOREY NA BAHAY NILAMON NG APOY
CAVITE – Tinitingnan ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang ginamit na rechargeable light sa pagkasunog ng isang two-storey na bahay sa Dasmariñas City noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat, dakong ala-1:12 ng madaling araw nang nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy sa Block A-12, Excess Lot, Brgy. San Luis II, Dasmariñas City. Ayon sa may-ari ng bahay na si alyas “Raymundo”, naalimpungatan sila ng kanyang anak sa pagkakatulog nang makitang nilalamon ng apoy ang kanilang bahay ngunit mabilis naman silang nakalabas…
Read More‘FAKE NEWS’ SA STOCK MARKET SUMISIRA SA TIWALA NG MAMUMUHUNAN – GOITIA
HINDI umano “inosenteng pagkakamali” ang kumalat na maling balita tungkol sa umano’y ₱1.7 trilyon na nawala sa Philippine Stock Market dahil sa isyu ng korapsyon, ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ilang makabayang organisasyon. “Ito ay sinadyang panlilinlang na sumisira sa tiwala ng mga mamumuhunan at nagpapahina sa moral ng sambayanang Pilipino,” pahayag ni Goitia. Pinuri niya ang mabilis na pagtugon ni Special Assistant to the President Frederick Go, na agad pinasinungalingan ang balitang ₱1.7 trilyon at tinawag itong fake news. “Ayon mismo sa Philippine Stock Exchange,…
Read More