HINIHINGING SUBSIDIYA NG PHILHEALTH BINAWASAN NG SENADO

INIREKOMENDA ng Senate Committee on Finance na tapyasan ng P5.7 billion ang panukalang subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa susunod na taon. Sa report na isinumite ni Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Finance Committee para sa panukalang 2025 national budget, ibinaba nila sa P68.7 billion ang alokasyon sa Philhealth. Mula ito sa P74.4 billion na original proposal ng Malakanyang na sinang-ayunan ng Kamara. Gayunman, daraan pa sa plenary debates ang rekomendasyon ng kumite kaya’t may posibilidad na ito ay madagdagan o tuluyang mabawasan.…

Read More

COMELEC BIGONG ITAGUYOD BATAS SA PARTY-LIST SYSTEM – – SOCIALISTA

TINULIGSA ng mga miyembro ng grupong Socialista ang Comelec dahil sa kawalan anila ng kakayahan na itaguyod nang tuwiran ang batas ng party-list system, na kakatawan sa marginalized at underrepresented sector sa Kongreso. Ito ay dahil lumilitaw na mayorya sa 156 party-lists na inaprubahang lumahok sa susunod na halalan ay nahahanay sa political dynasties at mayayamang negosyante. Nagsagawa ng kilos protesta ang may 50 kasapi ng Kilusan ng Manggagawang Socialista (SOCIALISTA) Inc. at nagpiket sila sa harapan ng tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila nitong Miyerkoles. Lubhang simpleng pamantayan at…

Read More

3 DAGUPAN CITY COUNCILORS SINUSPINDE NG MALACAÑANG

MATAPOS kasuhan noong Pebrero ng grave coercion, grave oral defamation ang tatlong city councilors ng Dagupan City dahil sa naganap na gulo sa sesyon na nag-viral sa social media ay pormal nang sinuspinde ng Malacañang sina Alipio Serafin Fernandez, Redford Erfe Mejia at Victoria Czarinna Lim Acosta. Ayon kay Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, Atty. Anna Liza Logan, ng Office of the President, nakitaan ng sapat na katibayan ang tatlo upang patawan ng 60 days suspension na inilabas noong Oktubre 30, 2024 dahil sa panggugulo sa Sangguniang Panlungsod o…

Read More

‘ONE MORE CHANCE’ SA 7 OVP OFFICIALS

BINIGYAN ng isa pang pagkakataon ang pitong opisyales sa Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa umano’y mismanagement sa confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte. Sa ikaapat na pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, inirekomenda ni Abang Lingkod Joseph Stephen Paduano na muling padalhan ng imbitasyon ang mga tauhan ni Duterte bilang pagsunod sa 3-day rule o kailangang matanggap ng mga resource persons ang invitation tatlong araw bago ang pagdinig.…

Read More

PALUSOT NI BBM SA PAGBAHA ‘DI KATANGGAP-TANGGAP

(BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ng isang dating mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ginagamit nitong palusot ang climate change para pagtakpan ang kanilang pagpapabaya kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Kristine. Naniniwala si dating Bayan Muna party-list rep. Neri na nauubusan na ng dahilan si Marcos kaya ginagamit na nito ang climate change dahil bukod sa nagpabaya ang kanyang administrasyon ay hindi agad nasaklolohan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng pagbaha. “The administration cannot simply hide behind climate change rhetoric while our people suffer from…

Read More

PROTOCOL PLATE NUMBER 7 SA NAG-VIRAL NA SUV, PEKE

PEKE ang protocol plate nunber 7 na nakakabit sa nag-viral na SUV makaraang pumasok sa Edsa bus lane, nitong Linggo. Ito, ayon kay Senate President Chiz Escudero ang kinumpirma ng Land Transportation Office sa kanya. Una na ring nagpahayag ng pagdududa si Escudero sa pagiging lehitimo ng protocol plate dahil mayroon itong iba pang markings tulad ng taon o petsa. Ang iniisyu anyang protocol plate sa mga senador ay walang ibang markings. Iginiit naman ni Escudero na hindi dapat magtapos dito ang isyu dahil kailangang matukoy ng LTO kung sino…

Read More

MANDATORY ROTC DAGDAG BAGAHE SA ESTUDYANTE

HINDI na umano magkakaroon ng ‘makabayang’ pag-iisip ang mga kabataang estudyante kapag tuluyang naging batas ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang urgent bill. Ang nasabing panukala ay pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong December 2019 at kasalukuyang pending sa Senado subalit dahil sa sertipikasyon ni Marcos, magiging priority bill na ito sa Mataas na Kapulungan. Tulad ng inaasahan, hindi nagustuhan ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagsertipika ni Marcos bilang urgent bill dahil dagdag na bagahe umano ito…

Read More

KASO NG DENGUE, LEPTOSPIROSIS SA NCR, TUMAAS

NADAGDAGAN ang naitalang mga kaso ng dengue at leptospirosis sa National Capital Region (NCR). Ito ang pinaka-latest na datos ng Department of Health (DOH) – NCR na inihayag sa ginanap na “Kapihan sa Media”. Nabatid na naabot na umano ng nasabing rehiyon ang alert threshold pagdating sa kaso ng dengue. Sinabi ng DOH-NCR, mas mataas ng 53% ang naitalang kaso kumpara sa nagdaang 5 taon na walang outbreak average, kung saan 24,232 ang dengue cases sa Metro Manila mula January 1 hanggang October 26, 2024, at 66 ang naitalang nasawi.…

Read More

LACUNA ADMIN HINAKOT 2024 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS

MULING humakot ng mga parangal ang administrasyon ni Mayor Honey Lacuna sa highly-prestigious 2024 Urban Governance Exemplar Awards dahil sa all-out at consistent nitong mga hakbang sa pagbibigay ng pinakamatinding proteksyon at serbisyo sa mga bata ng Maynila. Ang tatlong karangalan ay tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa ika-22 taong selebrasyon ng National Children’s Month na ginawa sa City Hall. Tinanggap ni Lacuna ang tatlong parangal kasama sina Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso at Manila Council for the Protection of Children Vice Chairperson Councilor Roma Robles,…

Read More