CASIO SINIBAK SA PAOCC

SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Pinoy sa sinalakay na POGO hub sa Bagac, Bataan. Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na ipaliwanag ang kanyang ginawa. May isa kasing video na makikita si Casio na sinampal ang isang POGO worker sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31. Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum at…

Read More

FORCE EVAC PINAKAKASA SA MGA TATAMAAN NG BAGYONG MARCE

IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibidwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce. “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-force evacuation sa mga lugar na hindi maaabot ng ating mga pwersa,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. “Normally ang ating kapulisan at ang armed forces ay nagbibigay ng saklolo. Ang hindi po maaabot ay pinag-eevacuate na…

Read More

HERMANO PULE BINIGYANG-PUGAY NG QUEZONIANS

KASAMA ni Quezon Gov. Helen Tan na nagbigay-pugay kay Hermano Pule sina Col. Johnson Jemar D. Aseron PA, (MNSA), Acting Deputy Commander SOLCOM, AFP at PNP Quezon Provincial Director Col Ruben B. Laquesta. GINUNITA nitong Lunes, Nov. 4, ang ika-183 anibersaryo ng kamatayan ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang “Hermano Pule” sa Isabang, Tayabas City. Sa kabila ng maulang panahon, pinangunahan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang seremonya kasama sina Tayabas City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, mga Punong Tanggapan sa pangunguna ni P.A Manny Butardo, mga kawani ng…

Read More

MARCOS JR. IWAS SA USAPING DROGA

TUMANGGING magbigay ng kanyang komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa naging pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs. Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa naging rebelasyon ni Duterte sa isinagawang pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa…

Read More

Marcos nasukol, napaamin BILYONG FLOOD CONTROL WA EPEK

(CHRISTIAN DALE) MISTULANG nasukol at napaamin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nawalan ng silbi ang mga ipinagmalaki niyang flood control projects sa nagdaang Bagyong Kristine. Sa isang ambush interview sa Laurel, Batangas nitong Lunes, tinukoy ni Pangulong Marcos ang flood control projects ng bansa ay ”overwhelmed” sa pagbuhos ng malakas na ulan. Aniya ang naturang malawakang pagbaha ay hindi nangyari noon. ‘Hindi talaga kaya dahil sa buong kasaysayan ng Pilipinas wala pang ganito, ngayon lang natin haharapin ito. Kaya dapat maunawaan talaga ng tao, hindi lamang ‘yung budget kung…

Read More

Sa pagsisimula ng COC filing PWERSA NG PNP, AFP SA BARMM DINAGDAGAN

OPISYAL na pinasimulan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ang filing ng certificates of candidacy (COCs) para sa kauna-unahang parliamentary elections para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tatagal hanggang Nobyembre 9, 2024. Ito ay sa likod ng banta na may mga nagbabalak na maghain ng panukala sa Kongreso para ipatigil ito. Ayon kay Comelec chair George Erwin Garcia, nagtungo siya sa Cotabato para ipakita na hindi nagpapaapekto ang Komisyon sa mga maaaring i-file na panukalang batas ng pagpapaliban ng Bangsamoro parliamentary election dahil hangga’t wala aniyang…

Read More

Good news sa mga adik? TOKHANG AT DRUG LIST IPAGBABAWAL NA

IPAGBABAWAL na sa mga pulis ang pagtokhang at pagkakaroon ng tinatawag na drug list sa mga taong nalululong sa ilegal na droga kapag naging batas ang isang panukala na inihain kahapon sa Kamara. Sa House Bill (HB) 11004 na tatawaging “Kian Bill”, na iniakda ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña, isinusulong nito na ang pagkakaroon ng makataong solusyon sa problema sa ilegal na droga. Ang nasabing panukala ay isinunod sa pangalan ng 17-anyos na si Kian delos Santos na pinatay ng tatlong pulis sa Caloocan City noong 2017 na kalaunan…

Read More

REP. NOGRALES: MAS MARAMING TRABAHO PARA SA PILIPINO

(JOEL O. AMONGO) BINIGYANG-DIIN ng chair ng House of Representatives labor and employment committee noong Huwebes ang pangangailangan ng bansa na maging handa sa paglikha ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. “A business-ready climate will attract both the foreign and local private sector to set up shop in the country, thus generating jobs for our people and spurring the economy,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. “Both the national and local government should prioritize addressing issues that hamper the ease of doing business, dagdag pa ni Nograles. Ang…

Read More

MANILENYO HINIMOK PAIRALIN RESPONSIBLE PARENTHOOD

NANAWAGAN ngayon ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pagpapairal ng responsible parenthood kaugnay sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’. “Bilang ina ng Lungsod, ako ay nananawagan sa lahat ng mga magulang at sa mga nagpaplanong maging magulang, na sa bawat maligayang sandali ng inyong pakikipagniig, nawa’y maisip ninyo nang mabuti ang katuwang na responsibilidad sa mga magiging bunga ng inyong pagmamahalan.” Panawagan ito ni Manila Mayor Honey Lacuna sa pagiging responsableng magulang matapos pangunahan ng lungsod ang pagdiriwang ng National Children’s Month. “Ang pagmamalasakit ng inyong pamahalaan ay lagi…

Read More