NAGPAHAYAG ng kani-kanyang pangamba ang ilang senador sa pagpayag ni Pangulong Bongbong Marcos na ibaba ang taripa o buwis sa imported na bigas sa labinlimang porsyento mula sa dating tatlumpu’t limang porsyento. Para sa chairperson ng Senate committee on agriculture na si Senator Cynthia Villar, hindi na magkakaroon ng sapat na pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF dahil sa pagbaba ng taripa. Malaking tulong sana anya ang makukuhang pondo para sa ayuda sa mga magsasaka na mayroong dalawang ektarya pababa na lupaing sinasaka. Inilabas naman ni Senator…
Read MoreCategory: BBM
INTERNAL PNP LEGAL OFFICE PINAPOPORMA
IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng anoman at sinomang police officer. Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.” “We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na…
Read MoreALLOWANCE SA PUBLIC TEACHERS PIRMADO NA
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances. Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang sa gayon ay magawa ng mga guro na mag-pokus sa kanilang mahalagang papel sa edukasyon at mas maliit na out-of-pocket expenses. Itinakda ng bagong batas ang initial teaching allowance na P5,000 kada guro para sa School Year (SY)…
Read MorePRES. MARCOS INTERESADO SA WASTE-TO-ENERGY PROJECTS
NAGPAHAYAG ng interes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa waste-to-energy projects. Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa harap ng malalaking negosyante sa Brunei na bahagi ng major players ng energy sector, ipinaabot nito ang intensyon na gumamit ang Pilipinas ng pinakabagong state-of-the-art technology para sa transition mula sa paggamit ng fossil fuels patungo sa renewables. “There’s a great deal of interest in that (waste to energy). But right now, it is not at the very macro level. It’s very much at the micro level. Yeah, it’s basically local governments…
Read MoreBIYAHE NI PBBM SA BRUNEI, SINGAPORE TAGUMPAY
PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na byahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Brunei at Singapore kung saan ipinarating nito sa mundo na bukas ang Pilipinas para sa pagnenegosyo at ang paninindigan nito sa West Philippine Sea (WPS). Kasama si Speaker Romualdez sa mga pagpupulong na dinaluhan ni Pangulong Marcos sa Bandar Seri Begawan kung saan nilagdaan ang mga kasunduan na lalong magpapatibay sa relasyon ng Brunei at Pilipinas. Kabilang sa mga kasunduan ang tatlong memorandum of understanding sa turismo, kapwa pagkilala sa Standards of…
Read MorePBBM NASA SINGAPORE PARA SA ASIA SUMMIT
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, Miyerkoles ng hapon, Mayo 29, para dumalo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), dumating ang Pangulo sa Singapore ng alas-4:52 ng hapon. Ang Pangulo ay nagmula sa kanyang two-day state visit sa Brunei Darussalam kung saan sinelyuhan ang kasunduan sa iba’t ibang larangan gaya ng maritime cooperation, turismo, seafaring, at agrikultura at nakipagpulong sa business leaders ng Sultanate. Sinabi ng Pangulo sa isang panayam sa Brunei, na ang kanyang keynote address…
Read MoreMARCOS JR. ITINANGGING ‘MAY KAMAY’ SA ZUBIRI OUSTER
ITINANGGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya ang may pakana at nasa likod ng pagpapatalsik kay Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President. Nabanggit kasi ni Zubiri na mayroong ‘outside forces’ ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang Senate President, sabay sabing nawala sa kanya ang nasabing posisyon dahil nabigo siyang sumunod sa instructions ng “the powers that be.” Nang hingan ng komento ang Pangulo sa bagay na ito, sinabi niya na hindi siya sigurado kung ano at sino ang nais tukuyin ng senador. “I guess if…
Read MoreMARCOS JR. ‘NAKURYENTE’ SA YOLANDA REHAB
MISTULANG nakuryente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ituwid ng dating Housing chief ang kanyang mga impormasyon hinggil sa rehabilitasyon sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda. Matatandaang sinabi ni Marcos Jr. na wala namang ginawa ang mga nagdaang administrasyon pagdating sa ‘rehabilitation measures’ para sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda. Sinabi ni Marcos na ang rehabilitasyon ay nagsimula 2 taon pa lang ang nakalipas, at wala namang ginawa ang mga administrasyon ng namayapang si Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Even up to now, it’s…
Read MoreEDDIE GARCIA LAW PIRMADO NA NI PBBM
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11996 o “Eddie Garcia Law” noong Mayo 24, naglalayong bigyang proteksyon at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng Pelikula at Telebisyon. Ang nasabing batas ay nag-ugat mula sa namayapang aktor na si Eddie Garcia. Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay dapat protektado ng kanilang employers o principal sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan. Nakapaloob din sa batas ang implementasyon ng work hours, sahod at iba pang “wage-related benefits, social security…
Read More