HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kongreso na ipasa ang panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL), na magbibigay pahintulot sa National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas at patatagin ang presyo. Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na sa oras na payagan ang NFA na mag-angkat ng bigas, makatutulong ito hindi lamang sa mga magsasaka kundi sa pangkalahatang publiko lalo na sa mga consumer, dahil mapatatatag nito ang presyo ng bigas sa merkado. Ang pag-amyenda sa RTL, ayon sa Pangulo ay isa lamang sa mga…
Read MoreCategory: BBM
135,000 TAGA-TAWI-TAWI NAKINABANG SA P700-M TULONG NG SERBISYO FAIR
MATAGUMPAY na nakapaghatid ng tulong ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa may 135,000 residente ng Tawi-Tawi. Umabot naman sa 95 kongresista ang nagpakita ng suporta sa programa at dumalo sa paglulunsad ng dalawang araw na BPSF na nagsimula noong Mayo 23. Ang BPSF sa Tawi-Tawi ang kauna-unahang Serbisyo caravan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na siya namang ika-18 lugar na pinuntahan ng programa. “Natutuwa kami at naabot ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R.…
Read MoreEJK INVESTIGATION NG KAMARA MAY BASBAS NG BBM ADMIN
SUPORTADO ng administrasyong Marcos Jr. ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dalawang taon pagkatapos bumaba sa kapangyarihan si Duterte, sinimulan ng House committee on human rights ang imbestigasyon na dinaluhan ng mga kaanak ng mga biktima ng EJK o pinatay ng mga riding in tandem, human rights advocate group, at ni dating Justice Secretary at ngayo’y Solicitor General Menardo Guevarra. Pinuri ni Guevarra ang Kamara dahil sa wakas aniya ay nagsagawa na…
Read MoreGOBYERNO HANDA SA LA NIÑA – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang alalahanin ay naungkat matapos maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tagtuyot. “Naka-ready naman kami, but of course, the long…
Read MorePAGIGING NO. 1 RICE IMPORTER NG PINAS IIWANG LEGACY NI PBBM
NGAYON pa lamang ay mag-iiwan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng pangit na record sa industriya ng bigas dahil maitatala ito bilang world number one rice importer sa tatlong magkakasunod na taon o mula 2022 hanggang 2025. Dahil dito, binatikos ng Amihan National Federation of Peasant Women si Marcos dahil ayaw nitong bitiwan ang Rice Tariffication Law o Republic Act (RA) 11203 kahit ito ang dahilan kaya sa loob ng magkakasunod na tatlong taon ay number one rice importer ang Pilipinas. “Dapat talagang ibasura ang batas at hindi…
Read More‘KRIMEN’ NG MGA MARCOS HUHUGASAN SA AO 22 NI PBBM
PAGPAPABANGO lang sa international community na nililigawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at paghuhugas sa mga krimeng nagawa ng kanyang ama at diktador na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ang Administrative Order (AO) 22. Ganito inilarawan ni Bayan Muna executive vice president Carlos Zarate ang inilabas na AO 22 para sa pagbuo ng Special Committee on Human Rights Coordination para umano maproteksyunan ang karapatang pantao ng mga Pilipino. “Nothing special regarding this committee as it is just another bureaucratic layer to make the Marcos Jr. administration acceptable in…
Read MoreLGUs PINAGHAHANDA SA PINSALA NG LA NIÑA
NANANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na paghandaan ang epekto ng panahon ng tag-ulan lalo pa’t nagbabadya na ang La Niña phenomenon. Sa ngayon aniya ay patuloy na nakararanas ang buong mundo ng “extreme weather” na dala ng climate change, dahilan ng extreme heat at kinalaunan naman ay ang extreme rainy season. “Extreme weather ang nararanasan natin. Matinding init ngayon at sa mga susunod na buwan naman ay asahan natin ang matindi naman na pag-ulan,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa…
Read MoreTanong ng media dinaan sa tawa DRUG USE ISSUE ‘DI MASAGOT NI PBBM
(CHRISTIAN DALE) SA halip direktang sagutin ang mga alegasyon hinggil sa kanyang paggamit umano ng ilegal na droga, malakas na tawa ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mga mamamahayag kahapon. Sa ambush interview sa PICC Pasay City, hiningan ng komento ang Pangulo ukol sa ‘motu proprio’ na imbestigasyon ng Senate committee on public order and dangerous drugs sa sinasabing confidential documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kalaunan ay tinaguriang ‘PDEA leaks’ na nagbanggit sa kanyang pangalan kasama ang aktres na si Maricel Soriano na…
Read MoreMASTERLIST NG GOVERNMENT LANDS PINALILIKHA NI PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng inter-agency coordinating council para pag-isahin ang master list ng lahat ng lupain na pag-aari ng estado sa layuning tiyakin ang kanilang pinakamainam na gamit. Base sa Administrative Order No. 21, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 30, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na pag-isahin ang komprehensibong listahan ng lahat ng government lands “to ensure the efficient and effective allocation and utilization of land resources for the country’s national development goals.” Isa sa mahalagang estratehiya para magtatag ng matitirhang…
Read More