NAGTIPUN-TIPON sa harapan ng Senado ang ilang mga loyalista ng Pamilya Marcos at iginiit na papasukin sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court para busisiin ang anti-drug war campaign ng nakalipas na administrasyon. Bitbit ng mga loyalista na pawang mga nakapulang damit ang mga banner na nagsasaad na Welcome ICC, Goodbye Duterte. Giit ng mga raliyista na miyembro ng Isang Bansa Pilipino na dapat lamang imbestigahan ang mga extrajudicial killings sa bansa. “Hindi na karapat-dapat eh, hindi na makatarungan…dapat talaga, mananawagan kami sa ating Pangulo, PBBM papasukin mo…
Read MoreCategory: BBM
Sa paglutang ng drug use issue TAGUMPAY NG DRUG WAR NI MARCOS JR. LUMABO
NANGANGAMBA ang isang anti-crime group na mabalewala ang kampanya ng administrasyong Marcos laban sa ilegal na droga ngayong mismong Pangulo na ang inaakusahang gumagamit. Ayon sa grupong Anti-Crime and Community Emergency and Response Team (ACCERT), kailangang agad matapos ang kontrobersya hinggil sa paggamit umano ng droga ng Pangulo. “Dahil hindi niya puwedeng labanan o sugpuin ang isang malaking problemang ito sa ating bansa ang droga kung siya mismo ay naku-question ang kanyang integridad patungkol dito,” ayon kay Edwin Maniti, Vice President for Operation ng ACCERT. Noong isang linggo ay dininig…
Read MoreACCOMPLISHMENTS NG MARCOS ADMIN BUNGA NG “UNITY” AT “ENGAGING APPROACH”
IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maraming accomplishment ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng unity, open at engaging approach. Sa oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi pangulo na sa maikling panahon at marami ng nagawa at naumpisahan ang administrasyon. “Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” ayon sa pangulo. Isa sa mga dahilan nito ayon sa pangulo ay ang pagkakaisa…
Read MoreSa kabila ng nararanasang El Niño SUPLAY NG BIGAS SA BANSA SAPAT – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng nararanasang epekto ng El Niño phenomenon. Ayon sa pangulo, sapat ang suplay ng pagkain at bigas dahil na rin sa makabagong farming techniques at mas maayos na irrigation system. Ayon sa pangulo sa katunayan, sa mga lugar na mayroong patubig ay tumaas pa ang ani. “Pero siyempre, marami pa. Kagaya dito, siguro mga 50 porsyento lamang ang irrigated at so, ‘yung iba talagang nahihirapan. Dito sa Occidental Mindoro, ang calculation namin,…
Read MoreWAGE RATES REVIEW NI MARCOS PALABAS LANG -SOLONS
NAGBUBULAG-BULAGAN si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kalagayan ng mga manggagawa sa bansa. Tugon ito ng Makabayan bloc sa Kamara sa kautusan ni Marcos sa irebyu ang wage rates sa buong bansa sa gitna ng panawagan ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod noong Labor Day. “Seryoso ba talaga si Marcos Jr., dun sa pagtaas ng suweldo ng ating manggagawa? Kasi bakit nasa review phase pa rin siya? Hindi ba niya nakikita ang inflation?,” ani ACT party-list Rep. France Castro sa press conference kahapon. Sinabi ng mambabatas na…
Read MoreNagdadawit kay BBM sa ilegal na droga PDEA ‘LEAKED’ DOCUMENTS TOTOO – SEN. BATO
(DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Ronald Bato dela Rosa na hindi fabricated o gawa-gawa lang ang sinasabing dokumento na nagsasaad ng pagkakasangkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging ng aktres na si Maricel Soriano sa paggamit ng ilegal na droga. May kinalaman ito sa sinasabing nag-leak na Operate and Pre-Operation Report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Sa pagdinig sa Senado, itinanggi ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang sinasabing dokumento. Kinontra naman ito ni dating PDEA investigating agent Jonathan Morales na naggiit na authentic ang nag-leak…
Read MoreMGA PROBLEMA NG BANSA NAPAGTATAGUMPAYAN NG MGA PINOY – PANGULONG MARCOS
NAGAGAWA ng mga Pilipino na mapagtagumpayan ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa. Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa ika-503 anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa Battle of Mactan sa Lapu-lapu City. Ayon sa Pangulo, nananatiling buhay ang diwang makabayan ng mga Pilipino hindi lamang sa Visayas kundi maging sa buong Pilipinas. Sinabi ng Pangulo na sa pagkakaroon ng “patriotism” hindi lamang naipapakita ang pagmamahal sa bawat isa kundi napoprotektahan din ang karapatan at soberanya ng bansa. Iginiit din ng Pangulo ang pangangailangan…
Read MorePBBM sa mamamayan ng Maguindanao del Norte: LUMAHOK SA PARLIAMENTARY ELECTIONS
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga residente ng Maguindanao del Norte na makilahok sa idaraos na unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 2025. Sa kanyang talumpati sa 10th anniversary ng paglagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB), tiniyak ng Pangulo sa mga residente sa lalawigan ang pagdaraos ng tapat, payapa at credible na eleksyon. “And I also take this opportunity to remind you to exercise your right to suffrage as you chart your political future in the forthcoming first BARMM…
Read MorePBBM: WALANG DAHILAN PARA SIBAKIN SI VP SARA
WALANG nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sipain sa kanyang gabinete si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa gitna ng bangayan nito at ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. “Why? I don’t see the reason behind that,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Occidental Mindoro. ”Any of the Cabinet secretaries will be replaced kapag hindi nila ginagawa ‘yung trabaho nila. All the other things are not part of the discussion,” dagdag na wika ng Pangulo. “Kapag hindi talaga marunong o corrupt, tatanggalin ka talaga namin.…
Read More