Tangkang pag-upset sa PBBM admin bineberipika ng AFP DESTAB PLOT STORY BINAWI NI GEN. BRAWNER

ISINIWALAT subalit ilang oras ang nakalipas ay binawi rin ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang ulat hinggil sa umano’y destabilization plot laban sa gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nilinaw ni Gen. Brawner na ‘misquoted’ lang umano siya o namali ang pagkaintindi sa kanyang mga tinuran sa isinagawang ‘change of command ceremony’ sa AFP Western Mindanao Command. Muling nilinaw kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang nakalatag na plano para i-destabilize ang gobyerno at kasalukuyan na nila…

Read More

KALAHATI NG PAMILYANG PINOY NAGHIRAP SA BBM ADMIN

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE) NASA 48 porsiyento ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap sa ikatlong quarter ng 2023 base sa resulta ng survey mula sa Social Weather Stations (SWS). Katumbas ang naturang bilang sa 13.2 million na mataas mula sa 12.5 million noong June. Habang nasa 27% naman ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa borderline o sa pagitan ng mahirap at hindi mahirap at 25% ang itinuturing ang kanilang sarili na hindi mahirap. Ang mga self-rated poverty ay tumaas sa Mindanao mula sa 54% sa 71%.…

Read More

TIWALA NG PUBLIKO KAY MARCOS TULOY SA PAGNIPIS

PATULOY sa pagbaba ang trust at approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. base sa magkakasunod na survey. Sa Third Quarter Tugon ng Masa” nationwide survey ng OCTA Research, kapwa natapyasan ang trust at approval ratings nina Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Si Pangulong Marcos ay may 73% trust rating at 65% approval rating sa resulta ng survey na inilabas noong Oktubre 29, mas mababa sa 75% (trust) at 71% (approval) sa second quarter survey na isinagawa naman noong Hulyo. Sa kabilang dako, 75% naman ng mga pilipino…

Read More

28% SA SAHOD NG OBRERO NALUSAW KAY MARCOS

MULA nang manungkulan bilang pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bente otso porsyento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa ang nalusaw dahil hindi nito mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kailangang igiit na ng mga Pilipinong manggagawa na ipasa ang panukalang batas para sa P750 across the board wage increase sa buong bansa. “Sa paltry. Paltry ang tawag namin… na inapruba ng mga regional wage board, barya-barya na ang inapruba at installment pa sa (ibang rehiyon),” ayon sa mambabatas. Sa…

Read More

BBM NAGPASAKLOLO NA SA LGUs SA P20 BIGAS

SA kagustuhang mabigyang katuparan ang ibinandera noong panahon ng kampanya na ibababa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P20 kada kilo ang bigas, hinimok na ng Malakanyang ang mga local government unit na makipagtulungan. Ayon sa Department of Agriculture (DA), ‘double time’ na ang kanilang pagtatrabaho para matupad ang pangako ni Pangulong Marcos Jr. Sa isang kalatas ng Malakanyang, sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa na ang departamento, LGUs at mga magsasaka ay nagsanib-puwersa para maibaba ang presyo ng bigas sa halagang P20.00 hanggang P25.00 kada…

Read More

GASTOS NG BBM ADMIN LUMOBO NG HIGIT P250-B

MAS malaki ang ginastos ng pamahalaan kaysa pumasok na kita hanggang nitong Setyembre ng taong kasalukuyan. Sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), lumobo pa ang budget deficit ng pamahalaan na naitala sa P250.9 bilyon. Ang budget deficit ay ang mas malaking gastusin ng gobyerno kaysa sa kinikita nito. Ito ay mataas ng P71.2 bilyon kumpara noong isang taon sa parehong mga buwan na naitala sa kabuuang P179.8 bilyon. Idinahilan dito ang maraming gastusin ng pamahalaan na sinamahan ng 11.57% na kabawasan sa government receipts. Ilan sa mga pinagkagastusan ay…

Read More

MARCOS JR. DEDMA SA MAHAL NA BIGAS

MISTULANG bingi ang administrasyong Marcos Jr. sa hinaing ng publiko kaugnay sa mahal pa ring bigas sa kabila ng pinairal na price cap kamakailan. Ayon sa Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan din ni Marcos, wala itong nakikitang dahilan para muling ipataw ang price ceiling sa bigas sa gitna ng bumubuting suplay nito (bigas) sa bansa. “Sa dami ng palay, hindi namin nakikita na magkakaroon ng price ceiling,” ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa. “Maganda ang supply natin ng bigas sa buong bansa. Ngayong October, inaasahan natin na…

Read More

NORTHRAIL CORP. BINUWAG NA NI BBM

TULUYAN nang binuwag ng Malakanyang ang North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa katuwirang wala na itong saysay. Mandato ng Northrail na mag-develop, magtayo, mag-operate at pangasiwaan ang railroad system patungong National Capital Region, Central Luzon at Northern Luzon. Nakasaad sa Memorandum Order No. 17, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 19, 2023, ang Northrail ay hindi na “cost efficient, and does not generate the level of social, physical and economic return vis-a-vis the resource inputs.” Ayon pa rin sa kautusan, ang Bases Conversion and Deve­lopment Authority (BCDA) ang…

Read More

Banking industry babagsak MARCOS SABLAY, MAHARLIKA URONG-SULONG, Banking industry pababagsakin ng MIF MARCOS NATAKOT, NAG-URONG-SULONG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos suspendihin ang implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023. Sa X, nagpost ang UP professor na si JC Punongbayan na tila sinisisi si Marcos dahil sa hindi pakikinig sa babala ng mga ekonomista kaugnay sa posibleng epekto ng Maharlika Fund. “Economists have been saying all along, it’s beyond repair. Pero itinulak pa rin. Walang kadala-dala,” post niya. Nito lamang nakaraang Oct. 11, inanunsyo ng Palasyo na exempted ang Land Bank of…

Read More