NAGPALIT ng Presidential Security Group commander si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng isang simpleng ‘change of command ceremony’ sa PSG compound sa Malacañang ground. Bukod sa Presidential Security Group, pinalitan din ni PBBM ang pinuno ng AFP-Western Mindanao Command kahapon. Habang ilang senior officers ng Armed Forces of the Philippines ang inaasahang manunungkulan sa kani-kanilang mga bagong posisyon kasunod ng inaprubahang ‘order of appointments’ ni Pangulong Marcos. Ang responsibilidad na protektahan ang Pangulo at ang First Family, maging ang visiting heads of states and diplomats, ay inatang kay…
Read MoreCategory: BBM
DIKTADOR NA MARCOS HINDI PA NAPAPATAWAD NG PINOY
HINDI nangangahulugan na napatawad ng sambayanang Pilipino ang mga kalupitan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., nang mahalal ang anak nito ito bilang Pangulo ng Pilipinas. Ito ang iginiit ni Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman kaya wala aniyang karapatan ang batang Marcos na alisin sa holiday list sa Pilipinas ang Pebrero 25, o Edsa People Power Revolution. “The electoral victory of Marcos Jr., whether deserved or not, is not a condonation of his father’s dictatorial misrule,” ani Lagman na naghain ng panukala na gawing permanenteng…
Read MoreBBM BIBIYAHE NA NAMAN
SIGURADO na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia ngayong linggo. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutungo sa Riyadh si Pangulong Marcos, mula Oktubre 19 hanggang 20. Tinuran ni Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Department of Foreign Affairs-Office of the Asean Affairs, pangunahing pag-uusapan sa naturang pagpupulong ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga bansang kasapi sa Asean at Gulf countries, pag-uusapan din ang energy at food security. Itinuturing na ang Saudi Arabia ang isa sa mga pinagkukunan ng…
Read More‘WALANG GUTOM’ NI BBM SUPALPAL SA FARMERS
MISTULANG nasupalpal ang ibinidang Executive Order (EO) No. 44 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagdedeklara sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” bilang flagship program ng kanyang administrasyon sa inilunsad na kilos protesta ng mga magsasaka na kumokondena sa kahirapan sa bansa. Kahapon ay nagtipon ang grupo ng mga magsasaka sa central office ng Department of Agriculture sa Quezon City sa ikalawang araw ng isang linggong protesta na ikinasa nila laban kay Marcos Jr., na inakusahan nilang pasimuno ng kagutuman sa bansa. Ang nasabing protesta ay paggunita sana sa…
Read MoreSa gitna ng ibinibidang anti-disinformation campaign – Farmers BBM NAGKALAT NA NAMAN NG FAKE NEWS
NAGSINUNGALING na naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang Department of Agriculture (DA) nang sabihin nito na tumatag na ang presyo ng palay at bigas ngayong panahon ng anihan. Ito ang alegasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) dahil sa unang linggo ng anihan ngayong Oktubre, ay hindi naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa halagang P19 hanggang P23 kada kilo kundi sa mas mababa pang presyo. “Marcos and DA is lying. Palay and rice prices have not yet stabilized. Palay prices remain low while rice prices…
Read MoreP4.5-B intel fund pero walang mahuli BBM NGANGA SA SMUGGLERS
NAGHIHINTAY ang isang grupo ng mga magsasaka na may maipakulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na smuggler, cartel at price manipulators ng bigas. Ito’y sa gitna ng hirit ng Office of the President na P4.5 bilyon intelligence funds. Matatandaang nasa P10.134 bilyon ang kabuuang confidential and intelligence funds (CIF) sa panukalang 2024 budget, kung saan halos kalahati (P4.56 bilyon) ang mapupunta sa tanggapan ni Marcos Jr. Kasabay nito, tinawag din ni Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas na ang BBM ay hindi na Bongbong Marcos o inisyal ng Pangulo…
Read MoreTanggap na sadsad ang ratings BBM AMINADONG SABLAY SA BIGAS
HINDI na nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbaba ng kanyang approval rating sa third quarter ng 2023, batay sa survey ng Pulse Asia. Ang katwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang sentimyento ng publiko. Naniniwala ang Chief Executive na ang pagtaas ng presyo ng bigas ang labis na nakaapekto sa pagbaba ng kanyang approval rating. “It’s not surprising. People are having a hard time. Bigas ito, eh. Ibang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it, and that’s why we’re working…
Read MoreDahil sa bagsak na ratings, Marcos hugas-kamay na IPAPALIT SA DA, MAY ‘CONFLICT OF INTEREST’
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) AGAD umani ng magkakaibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ang usap-usapang nakapili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng papalit sa kanya para mamuno sa Department of Agriculture (DA). Ayon sa umugong na balita kahapon, ang fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr., ang napipisil ni Marcos na kalihim ng DA. Nangangamba naman ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) dahil kilala ang kumpanya ni Laurel bilang large-scale fishing company at sangkot din umano ang kumpanya nito sa land reclamation activities sa…
Read MoreData privacy ng Pinoy, tagilid DIGITALIZATION NI MARCOS SABLAY
PAGPAPAKITA ng kahinaan ng digitalization program ng administrasyong Marcos Jr. na protektahan ang data privacy ng mamamayan ang nangyaring hacking sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) data. Ngayong Martes, kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na sinimulan na ng hackers na ilathala sa dark web ang ilang data sa PhilHealth kabilang ang mga impormasyon ng mga empleyado nito. Ito ay matapos hindi ibigay ng pamahalaan ang kahilingan ng hackers na nagpakilalang Medusa ransomware. Base sa inisyal na impormasyon mula sa DICT, kabilang sa mga inilathala ng hackers…
Read More