HUMIRIT ang isang dating mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na iutos sa Kongreso na tanggalin ang excise tax sa mga produktong petrolyo na isa sa mga dahilan ng mataas na presyo nito. Bukod dito, sinabi ni dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na amyemdahan ang Oil Deregulation Law at atasan ang Department of Energy (DOE) na idetalye ng mga kumpanya ng langis kung magkano ang kanilang kita sa bawat litro ng mga produktong petrolyo. “We call on the Department of Energy to closely scrutinize oil companies and…
Read MoreCategory: BBM
CPP-NPA SPOKESMAN PINALULUTANG PARA SA AMNESTIYA NI PBBM
HINIHIKAYAT ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nalalabing liderato ng Communist Party of the Philippines at ang armadong galamay nitong New People’s Army, na makipag-usap at talakayin ang alok na amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hinamon ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang sinasabing tumatayong tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena, na lumantad upang pag-usapan ang alok na amnestiya ni Pangulong Marcos para sa nalalabing mga rebelde. Naniniwala si Retired Philippine Army Northern Luzon Command chief, Lt. Gen.…
Read MoreHINDI LANG SI BBM NINENERBYOS SA MAHAL NG BILIHIN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TUMAAS ang presyo ng bigas, gulay at iba pang bilihin sa mga merkado sa bansa, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) ngayong panahon ng bagyo. Mula P1.50 hanggang P2 kada kilo ang itinaas sa presyo ng bigas. Baka nanginginig na sa nerbiyos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gaya ng sinabi niya kamakailan dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas kahit mag-angkat ang gobyerno dahilan sa pinsala sa agrikultura ng Bagyong Egay. Pero tiyak ko hindi lang si BBM ang ninenerbyos ngayon kundi…
Read MoreBBM DEDMA SA OIL PRICE HIKES
MISTULANG dedma si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa magkakasunod na big time oil price hike na inaasahan magpapalala pa sa presyo ng mga pangunahing pagkain sa bansa dahil isinabay ito sa pananalasa ng bagyong Egay sa mga taniman sa Northern Luzon. Pinuna ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang aniya’y nakabibinging katahimikan ni Marcos sa panibagong oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes, kung saan umaabot sa P3.50 ang itinaas ng bawat litro ng diesel. “The silence of the Marcos Jr. administration on the…
Read MoreRice importation binasbasan ni BBM SMUGGLERS BUHAY NA NAMAN
BUHAY na naman ang negosyo ng mga smuggler matapos ianunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang umangkat ng bigas ang Pilipinas bago tumama ang El Niño. Para sa netizens, tila nakahanap ng dahilan ang administrasyon para muling paboran ang paborito nilang kumpanya. Dahil sa pagkahilig sa importasyon ni Marcos ay hindi rin umano malabong sumunod sa bigas ang muling pag-angkat ng asukal, sibuyas at iba pang produkto. Nauna rito, sinabi ni Marcos na pinag-aaralan niyang pumasok sa isang rice importation deal sa India sa pangamba na magkaroon ng…
Read MoreIBINIDA NI BBM SA SONA WASAK SA BAGYONG EGAY
WINASAK ng Super Bagyong Egay ang ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na naibaba nito ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ginawa ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pahayag matapos magbabala ang mga ito na inaasahang tataas ang presyo ng bigas, gulay, poultry products at iba pang uri ng pagkain dahil sa epekto ng bagyo, hindi lamang sa Central at Northern Luzon kundi sa iba’t ibang dako ng bansa. “Mabilis na makakalimutan…
Read MoreNFA RICE PARA SA KALAMIDAD IBINEBENTA NI BBM SA KADIWA
(BERNARD TAGUINOD) ISINIWALAT ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na mula sa buffer stock ng National Food Authority (NFA) ang bigas na ibinebenta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Kadiwa center sa halagang P25 kada kilo. Sa kanyang contra-SONA o State of the Nation Address, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na paglabag ito sa batas dahil ang buffer stock ng NFA ay dapat gamitin sa panahon ng kalamidad upang may makain ang mga apektadong tao. “Ang bigas na binebenta ng 25 pesos per kilo…
Read MoreARTA TILA HINDI PABOR SA ‘ANTI-SMUGGLING’ NI BBM
BINALIKTAD ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang naunang rekomendasyon nito sa Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS), isang araw matapos magbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang araw ng mga smuggler at hoarder ng mga produktong pang-agrikultura. Nagmistulang biglang tumiklop ang ARTA sa ilang makapangyarihang grupo na tumutuligsa kung ano ang maaaring pinakamabisang armas ng administrasyong Marcos laban sa anti-smuggling. Sa sorpresang memorandum na inilabas noong Hulyo 25 ni Director General, Sec. Ernesto Perez, sinabi ng ARTA…
Read MoreROMUALDEZ KUMPIYANSANG MAIPAPASA AGAD PRIORITY BILLS NI PBBM
MAMADALIIN ng Kongreso ang pagbalangkas sa priority bills ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para maipasa sa lalong madaling panahon. Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinabing, “nagawa naming ipasa noong nakaraang session ang 31 sa 42 priority bills ng pangulo noong unang SONA niya.” “Kaya I am sure we can pass the President’s priority bills in his 2nd SONA bago matapos itong 2nd regular session namin,” dagdag ni Romualdez. May 20 priority bills ang Pangulo kabilang ang excise tax sa minsanang paggamit ng mga…
Read More