DUMARAMI ang dahilan para lumabas at magprotesta ang mga tao sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong araw. Ito ang tinuran ni dating Congressman at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano ukol sa inaasahang pagdami pa ng mga sasali sa rally kontra sa SONA ni Marcos sa Commonwealth Avenue, Quezon City at iba’t ibang lugar sa bansa. “Filipinos now have more reasons to express discontent and join protests during President Bongbong Marcos Jr’s second State of the Nation Address…
Read MoreCategory: BBM
DAGDAG-BAWAS SA MAHARLIKA LAW IBINUKO
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang sa eleksyon nangyayari ang dagdag-bawas kundi maging sa Republic Act (RA) 11954 o Maharlika Investment Fund Law ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dahil sa dagdag-bawas ay ‘may tulog’ ang nasabing batas kapag kinuwestiyon na ito sa Korte Suprema, ayon kay Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares. Inihahanda na ng grupo ng dating kongresista ang kanilang petisyon para kwestiyunin ang constitutionality ng nasabing batas na ipinilit ni Marcos kahit tinututulan ng sambayanang Pilipino. “Bawal sa Konstitusyon ang dagdag-bawas sa naaprubahan nang panukala. So this…
Read MoreMAHARLIKA COUNCIL KONTROLADO NI BBM
(BERNARD TAGUINOD) TINANGGIHAN man ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging bahagi ng Maharlika Investment Fund (MIF), makokontrol pa rin nito ang bubuuing council. Ito, ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ay dahil si Marcos ang magtatalaga ng mga board of director ng Maharlika Investment Council (MIC) na siyang mangangasiwa sa mga investment na papasukin ng gobyerno sa iba’t ibang industriya. “President Marcos Jr. can easily appoint and control the MIC’s Board of Directors. With the government’s track record of not being transparent in terms of handling funds,…
Read MoreSMUGGLERS ‘DI TAKOT KAY BBM
(JESSE KABEL RUIZ) PAGPAPAKITA umano na hindi natatakot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga smuggler sa magkakasunod na pagkakakumpiska ng mga puslit na frozen meat product sa isa pang cold storage facility sa Bulacan. Matatandaang iniutos na ni Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na masusing imbestigahan ang napaulat na hoarding, smuggling, at price fixing sa agricultural products. Naniniwala si Pangulong Marcos, siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), na maraming sindikato ang nasa likod ng smuggling at hoarding ng agricultural…
Read MoreWalang maibibidang maganda BBM MAMBOBOLA LANG SA 2ND SONA
MISTULANG mambobola lang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes dahil wala siyang maibibidang maganda. Ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, imbes na bumaba ang presyo ng mga bilihin partikular na ang pagkain ay nagtaasan pa ang mga ito at halos hindi na kayang bilhin ng mga tao dahil sa kakarampot na suweldo. “Walang dapat ipagmalaki ang Presidente sa darating na State of the Nation Address gayong halos lahat ng bilihin at batayang serbisyo ay tumataas sa ilalim ng kanyang…
Read MorePinoy inip na sa P20/K bigas ADMIN NI BBM INUUNA LOGO KAYSA EKONOMIYA
MARAMING netizens ang naniniwalang malayo pang matupad ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong panahon ng kampanya na gagawing P20 ang kada kilo ng bigas. Patutsada pa nila, imposibleng matupad ang pangako ng Pangulo lalo pa’t mas pinagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang paglalabas ng mga bagong logo sa halip tutukan ang ekonomiya. Aminado naman si Marcos Jr., na siya ring namumuno sa Department of Agriculture, na malayo pa siya sa pagtupad sa kanyang pangako. “Iyong ating hangarin na 20 pesos na bigas [kada kilo] eh wala pa…
Read MorePinoy purdoy pa rin sa Bagong Pilipinas – Farmers BBM ‘GREATEST BUDOL OF THE YEAR’
(BERNARD TAGUINOD) “BAGONG Pilipinas pero naghihirap pa rin ang mamamayang Pilipino.” Ganito isinuka ng mga magsasaka ang governance brand ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kinantyawan din nila bilang ‘greatest budol of the year’. Hindi anila makakain ang binabagong anyo ng bansa dahil wala pa ring ginagawa ang Pangulo para iangat ang buhay ng mahihirap. “The Marcos Jr. administration is nowhere near its Bagong Pilipinas characterization of a “principled, accountable, and dependable government.” On the contrary, we consider Marcos Jr.’s promises as the greatest “budol” of the year,” ayon…
Read MoreSa halip pag-ahon sa kahirapan ‘BAGONG PILIPINAS’ PAALALA NG MALUPIT NA DIKTADURYA
HINDI makatutugon sa kahirapan ng mga Pilipino, bagkus nagpapaalala lang sa kalupitan at kahirapan noong panahon ng diktadurya ang “Bagong Pilipinas” governance brand ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ganito inilarawan ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ang Bagong Pilipinas slogan na inilunsad ni Marcos noong Sabado na katunog ng Bagong Lipunan ng kanyang amang si Ferdinand Sr. “Nagpapaalala sa mga Pilipino ng admin ni Marcos Sr. which was characterized by human rights abuses, corruption, cronyism, bagsak na ekonomiya at kahirapan ng mga mamamayan,” pahayag ni House deputy…
Read MoreKrisis sa pagkain lalong lumala P20/K BIGAS NI BBM NAGLAHO NA
TILA nakakalimutan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pangako nito na ibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa bansa kaya nagkukusa na ang rice industry players na magbenta ng mas mura bagama’t mas mataas ito sa pangako ng Pangulo noong nakaraang eleksyon. Opinyon ito ng Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas kaugnay ng ibinebentang bigas na nagkakahalaga ng P38 kada kilo sa mga palengke sa bansa na inisyatiba umano ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) at hindi ni Marcos. “Responsibilidad…
Read More