ISANG daang beses na mas malala ang Maharlika Investment Fund (MIF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kumpara sa Coco Levy Fund ng kanyang amang si Ferdinand E. Marcos Sr. Ganito pinagkumpara ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano ang MIF kaya dapat aniya itong tutulan ng taumbayan. “The Maharlika Investment Fund is like the Coco Levy Fund on steroids. MIF is 100 times much worse than the Coco Levy fund that was extorted by the Marcos Sr. regime from coco farmers in the…
Read MoreCategory: BBM
Kaya minamadali ang Maharlika – Solon ILL-GOTTEN WEALTH BABAWIIN NI MARCOS JR.
MINAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil nais nitong mabawi at makontrol ang mga yaman na kinumpiska sa kanyang pamilya. Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung pagbabasehan umano ang Article III Sec. 6 ng Senate Bill 2020 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Finance – Privatization and Management Office (DOF-PMO), maaaring alamin kung anong mga ari-arian, real o personal ang isasailalim sa MIF. “This office under the DOF also has the authority to identify the disposition of…
Read MoreAlyansa sa 6 malalaking partido sinelyuhan MAGPINSANG BBM AT MARTIN SIGURISTA
(BERNARD TAGUINOD) TILA paniniguro sa posisyon ng magpinsang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang nabuong kasunduan ng Lakas-CMD sa anim na malalaking partido pulitikal sa bansa. Sa paniwala ng mga political observer sa mababang kapulungan ng Kongreso, pangontra sa kudeta ang naturang Alliance Agreement. Sa dokumentong nilagdaan ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), PDP-Laban, National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc (PCFI) at Partido Novoteño at Centrist Democratic Party of the Philippines (CDC), hindi lamang kay Romualdez susuporta ang mga ito hanggang…
Read MoreKung ‘di mabibigyan ng trabaho ng Marcos admin KABATAAN MAHUHULOG SA SINDIKATO
MAPAPARIWARA ang mga kabataan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung wala itong gagawing aksyon para bigyan ang mga ito ng trabaho. Ito ang babala ng Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 69% sa mga Pilipino ang nahihirapan maghanap ng trabaho. Isa sa mga itinuturo ng nasabing grupo na posibleng dahilan kung bakit nahihirapan ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan ay ang mahinang kalidad ng edukasyon sa bansa na pinalala pa…
Read MoreSa gitna ng nagbabantang bagyo MAHARLIKA FUND INUNA NI MARCOS JR.
KUNG may dapat isertipika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang urgent, ito ay ang Permanent Evacuation Centers bill at hindi ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang pahayag kasunod ng banta ng bagyong Betty na inaasahang mananalasa sa Northern Luzon kaya maraming evacuees ang posibleng magsiksikan na naman sa public schools. “Sa lakas ng Supertyphoon Betty ay malamang na ‘di lang libo-libong Pilipino ang maapektuhan nito at baka umabot pa sa milyon. Nakakalungkot na sinertify as urgent ni Pang. Marcos Jr. ang Maharlika…
Read More33 PBBM PET BILLS O LEDAC MEASURES TARGET MATAPOS NG KAMARA BAGO MAG-ADJOURN
INIHAYAG kahapon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dalawa pang panukala na prayoridad maisabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ang ihahabol na matapos ng Kamara de Representantes, bago ang sine die adjournment ngayong linggo, sanhi upang umabot ito sa kabuuang 33 bills. Ayon kay Romualdez, ang mga naturang panukala ay kinabibilangan ng Philippine Salt Industry Development Act at Bureau of Immigration Modernization Act. “We are doing our part in supporting the President’s socio-economic development agenda by passing these urgent proposed pieces…
Read More31 SA 42 PRIORITY BILLS NG MARCOS ADMIN PASADO SA KAMARA
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang 31 sa 42 panukala na prayoridad na maisabatas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ang pinakahuling naipasa ng Kamara ay ang 30-year National Infrastructure Program Bill at ang panukalang National Land Use Act. “We are proud of our collective accomplishment – 31 out of 42 and counting. As of today, we have achieved a significant part of our goal in less than a year of session,” sabi ni Speaker Ferdinand…
Read MoreFOOD STAMP NI BBM LAKAS MAKA-PULUBI
MISTULANG insulto ang pagpapalabas ng food stamp ng administrasyong Marcos Jr. dahil tila pinagmumukha lang pulubi ang mga Pinoy. Ani Danilo Ramos, chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), imbes patatagin ang local food production para bumaba ang presyo ng pagkain at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom, binubuhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang istilo ng amang si Ferdinand Sr. sa Food Stamp Program. “Please do not treat Filipinos as beggars seeking for alms. Bigyan naman natin ng dignidad ang ating mamamayan. Nagugutom na nga ang karamihan, ituturing…
Read MoreItinuro sa importasyon ng asukal PBBM NILAGLAG NI PANGANIBAN
(DANG SAMSON-GARCIA) NAGBIGAY-BAWI si Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban sa pagtuturo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa pag-aapruba ng importasyon ng asukal sa ‘selected importers’. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sinasabing iregularidad sa importasyon ng asukal nitong Pebrero, sinabi ni Panganiban na ipinag-utos ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng National Economic Development Authority ang importasyon bunsod ng tumataas na inflation rate. Nangyari anya ito matapos ang meeting ng Pangulo sa binuong Inter-Agency Group na nagbabantay sa galaw ng suplay at presyo ng pagkain at mga…
Read More