ITINUTURING ng isang mambabatas sa Kamara na pag-abandona sa mamamayan ang ibinigay na ‘green light’ ng Department of Health (DOH) para sa sariling pagsasailalim sa antigen test ng mga tao. “A sign that the Duterte administration will once again leave the Covid-fatigued Filipino to fend for themselves,” parunggit ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite. Taliwas aniya ang aksyong ito ng gobyerno sa panawagan ng marami na magsagawa ng mass testing at hindi na pagastusin pa ang mga tao upang malaman ang tunay na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.…
Read MoreCategory: COVID-19
15 PSG PERSONNEL POSITIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG) na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang personnel. Base sa tala ng PSG Task Force COVID-19, 15 personnel ang nagpositibo sa test. “These personnel were those who came from holiday break. After undergoing the mandatory quarantine for 7 days, they were administered RT-PCR Tests, and, 15 personnel have yielded positive test results,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni PSG Commander Col. Randolph G. Cabangbang. Ang lahat aniya ng personnel ay fully vaccinated at asymptomatic. “This Command, through PSG Task Force COVID-19 is attending…
Read MorePARACETAMOL NAGKAKAUBUSAN NA?
BIGLANG dumagsa ang mga tao sa mga botika para bumili ng paracetamol simula nang pumutok ang isyu sa Omicron variant nitong pagpasok ng Enero 2022. May nai-report na kasi na nakapasok na ang Omicron sa ating bansa. Sa nakuhang impormasyon ng PUNA, unang nai-report kamakailan ay labing-isa katao na nagmula sa abroad na pumasok sa Pilipinas, ang nagpositibo sa virus. Sinundan naman ng tatlo katao na local transmission. Lumalabas na labing-apat ang unang bugso ng Omicron sa Pinas. ‘Yung unang tatlo ay local transmission, idagdag pa ‘yung labing-isang na-test na…
Read MoreTRASLACION 2022, MISA PINASUSUSPINDE NI DU30
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang simbahan na iwasan ang mass gatherings sa pagsuspinde sa tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazarene ngayong tumataas ang COVID-19 infections sa bansa. “Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have to appeal to them for their understanding and to really look at it in the broader context of our liability to the people if we do not act correctly,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Martes ng…
Read MoreHINDI BAKUNADO PINABABANTAYAN SA BARANGAY CHIEFS
NASA kamay naman ng mga kapitan ng barangay ang mahigpit na pagbabantay sa galaw ng mga hindi bakunado sa kani-kanilang hurisdiksyon. Sinabi ng Pangulo na iyong mga hindi pa nakatatanggap ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay hindi papayagang lumabas ng kanilang bahay. “Barangay captains, you’re put on notice and the order for you is to find out the persons who are not compliant with the laws, or their refusal to have the vaccines. You can actually prevent them from leaving the house,” ayon sa Pangulo. Sakali naman aniya na magpumilit…
Read MoreQUARANTINE HOTELS BABANTAYAN NG PULIS
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na bantayan ang mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities para sa mga umuuwing Pilipino kasunod ng insidente ng tinaguriang ‘Poblacion girl’ na lumabas ng hotel kahit hindi pa tapos ang quarantine at nakipag-party pa ngunit kalaunan ay positibo pala sa COVID-19 at nahawahan ang mga nakasalamuha. Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang kapangyarihan ang mga hotel personnel para pigilan ang mga gustong lumabas ng quarantine kung kaya’t kinakailangang may nagbabantay na otoridad sa labas…
Read MoreCOVID-19 CASES, SUMIPA SA LAGUNA
LAGUNA – Sumipa pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigang ito, ayon sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Martes, Enero 4. Mula sa 25 aktibong kaso ng corona virus noong Disyembre 29 ay tumaas ito sa 273 nitong Enero 4 dahil sa karagdagang mga kaso ng nasabing sakit sa ilang mga lungsod at bayan sa lalawigan, Naitala ang pagtaas ng mga bagong kaso sa Santa Rosa City, Calamba City, San Pablo City, at Los Baños. Samantala, umabot na sa 100,542 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa…
Read MoreTELEMEDICINE SA NCR PALALAKASIN
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections. Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities. “Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos. “Mahirap…
Read MorePara walang diskriminasyon ‘NO VAX, NO LABAS’ GAWING NATIONWIDE
(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL) KUMBINSIDO si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mas makabubuting hindi lamang sa ilang lugar sa bansa partikular sa National Capital Region (NCR) maipatupad ang “no bakuna, no labas” policy kundi gawin din ito sa buong bansa. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Concepcion na natutuwa siya at nagkaroon ng ngipin ang polisiya ng pamahalaan para maprotektahan ang mga hindi bakunado. Magkagayon man ay mas maganda sana aniyang i-aplay na ito sa buong bansa upang hindi ma-discriminate o pagkaitan ng karapatan ang mga unvaccinated dahil…
Read More