PRESYO NG RT-PCR TEST MAAARI PANG IBABA

BUKAS ang Malakanyang sa posibilidad na mapababa pa ang presyo ng RT-PCR test. Ito’y sa harap ng pangangailangang mas dapat mapaigting ngayon ang COVID-19 test sa gitna ng mas dumarami pang kaso ng virus. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ngayong may makabago nang mga teknolohiya para madetermina nang mas mabilis ang resulta ng swab test, maaari nang magkaroon ng re-assessment sa paniningil ng RT-PCR test. Ang Department of Health aniya ang maaaring magkaroon ng inisyatibo para ito’y masaliksik at maibaba pa ang kasalukuyang presyo…

Read More

IMEE SA ECO MANAGERS: BIGYAN NA NG PONDO ANG LGUs

SA gitna ng nakaaalarmang pagtaas muli ng COVID-19 cases, kinalampag ni Senador Imee Marcos ang economic managers na simulan na ang pagpapalabas ng mas mataas na pondo para sa local government units (LGUs) sa ilalim ng 2022 national budget. Sinabi ni Marcos na ang mga LGU ang frontliners at kailangan na nila ng dagdag na pondo. “We can start the New Year right by empowering LGUs to manage a persistent pandemic and natural calamities yet to come,” saad ni Marcos. Batay sa 2018 Supreme Court ruling, 40% ng lahat ng…

Read More

Habang Alert Level 3 sa NCR ‘DI BAKUNADO BAWAL MULING LUMABAS

SA gitna ng panibagong bugso ng mga kaso ng positibo sa COVID-19 sa Metro Manila, ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pananatili sa bahay ng mga residenteng hindi pa bakunado. Sa isang pahayag ni MMDA chairman Benhur Abalos, ibayong ingat ang ipinaabot sa publiko kasabay ng babala kaugnay ng mabilis na pagdami ng mga tinatamaan ng higit na nakahahawang COVID-19 Omicron variant. Gayundin ang direktibang ipinalabas sa lungsod ng Maynila. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi muna pahihintulutan pumasok sa mga pampublikong establisimyento ang mga hindi pa…

Read More

PINAS MANANATILI SA ALERT LEVEL 2 HANGGANG ENERO 15

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Miyerkoles, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 2 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022. Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang Enero 15, 2022. Ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia at Spain ay nasa ilalim ng Red List. Nasa ilalim naman ng Green List ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China (Mainland), Cote d’ Ivoire (Ivory Coast),…

Read More

GRANULAR LOCKDOWNS PINAKAKASA SA LGUs

KAILANGANG magpatupad ang local government units ng granular o small-scale lockdown sa pagkakataon na mayroong surge ng COVID-19 cases sa kanilang lugar. Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ay tugon sa report ng OCTA Research Group na ang COVID-19 positivity rate sa Kalakhang Maynila ay tumaas ng 5% “as of Monday,” Disyembre 27, na ang sinasabing dahilan ay pagsipa ng transmissible Omicron variant at hindi ang pagtaas ng mobility dahil sa Christmas season. “Of course, we are getting concerned, we are getting…

Read More

6-DAY QUARANTINE IPATUTUPAD

HINDI na kinakailangan ng hanggang 10-day absence ng mga NBA players at coaches na magpopositibo sa COVID-19. Sa ulat ng ESPN, nagkasundo na umano nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pamunuan ng liga at NBPA sa bagong polisiyang ipatutupad, kung saan ang player at coach (na nagpositibo) ay papayagang makabalik sa aksyon makalipas lang ang anim na araw sa loob ng health and safety protocols. Hanggang nitong Lunes, mahigit 200 players ang nasa ­COVID-19 protocols, ulat ng ESPN, at karamihan sa nasabing bilang ay ngayon lamang buwan ng Disyembre, kasama…

Read More

DOH IWAS PUSOY SA TIGIL COVID-19 DAILY BULLETINS

KINASTIGO ng isang militanteng kongresista ang pasya ng Department Of Health (DOH) na itigil ang paglalabas sa social media ng arawang datos ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taon. Giit ni House deputy minority leader Carlos Zarate, isang malinaw na pag-iwas sa posibilidad na muling masisi ang polisiyang inilabas ng DOH na una nang nagsabing hindi na maglalabas ng arawang case bulletin ng mga positibo ang kanilang departamento simula sa unang araw ng Enero. “Dapat nga ay ngayon mas magpakasipag ang…

Read More

Traveller mula US, ikaapat na kaso sa Pinas ISA PA SAPUL SA OMICRON

ISANG babaeng mula sa bansang Estados Unidos ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa higit na nakakahawang Omicron variant, ayon mismo sa Department of Health (DOH). Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ika-apat na biktima at isang 38-anyos na babaeng dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Disyembre 10 sakay ng Philippine Airlines flight PR 127 mula sa Estados Unidos. “She was quarantined upon arrival,” saad ni Vergeire sa pasyenteng aniyang nakitaan ng mga sintomas tulad ng pangangati ng lalamunan at sipon sa ikatlong araw ng…

Read More

45M PINOY BAKUNADO NA

PUMALO na sa 45 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19. Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.” Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang dose vaccine ay 60,212,001. “These make the total doses of COVID-19 vaccine administered so far at 102,995,133 million as of December 21,” ayon kay Nograles. Target naman ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino…

Read More