77M BABAKUNAHAN HANGGANG MAYO

PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa COVID-19 ang 77 milyong adults bago sumapit ang May 9, 2022 elections. Ang anunsyo na ito ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang mga botante na magpapartisipa sa halalan. “Ito po yung aming isusulong talaga na marating natin iyon,” ani Nograles. “If not by the end of the first quarter [of] 2022, at least before the May elections na 77 million na target natin,…

Read More

‘NO VAX, NO RIDE’ POLICY IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

KUKUWESTYUNIN sa mababang kapulungan ng Kongreso ang legal na batayan ng ‘no vaccine, no ride’ na ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr). Ito ang dahilan ng pagsusulong ng imbestigasyon ng Gabriela party-list kaugnay ng nasabing polisiya. Sa ilalim ng House Resolution (HB) 2451 na inakda ni Rep. Arlene Brosas, inaatasan nito ang House committee on health at committee on transportation na ipatawag ang mga apektadong sektor sa inilabas na polisiya ng DOTr at maging ang mga opisyales ng nasabing ahensya upang alamin kung anong naging batayan ng mga ito na…

Read More

GAGAMIT NG PEKENG VAX CARD HUHULIHIN – PNP

NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na maaaring arestuhin o makasuhan ang sino mang magpapakita o gagamit ng pekeng vaccination card. Ito ay kaugnay sa ipinatutupad ngayong “no vaccine, no ride” na patakaran sa National Capital Region. “You can be charged [with] falsification of public documents kasi po itong vaccination card is a government-issued public document,” ani PNP spokesperson P/Col. Roderick Alba. “Pangalawa, if you’re hiding ‘yung health condition mo at pineke mo ‘yung vaccination card, you will be violating Republic Act 11332. So, that is…

Read More

NCR, 5 pang rehiyon CRITICAL RISK PA RIN SA COVID-19

NANANATILING nasa ilalim ng critical risk para sa COVID-19 ang Pilipinas, partikular ang Kalakhang Maynila at 5 pang rehiyon sa bansa sa kabila ng pagbagal ng growth rate ng infections. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bukod sa metropolis, ang Cagayan Valley, Ilocos Region, Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay nasa critical risk din. Aniya pa, ang percentage ng increase for daily reported cases ay bumaba na. Mula Disyembre 21 hanggang Disyembre…

Read More

Dapat bawiin – Chiz NO VAX, NO RIDE MAY BAHID NG DISKRIMINASYON

NANAWAGAN si senatorial candidate at kasalukuyang Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Department of Transportation (DOTr) na agad iatras ang pagpapatupad ng isang polisiya nito na nagbabawal sa mga indibidwal na di-bakunado na makasakay sa mga publikong transportasyon kasabay ng kanyang pagsasabi na may bahid ng diskriminasyon at walang basehan sa batas na legal ang “no vax, no ride”. Simula noong Lunes, pinagbabawalan ang mga pasaherong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 na sumakay ng bus, taksi, dyip, bangka, at eroplano patungo, mula, at sa loob ng Metro Manila, base na…

Read More

P9-B COVID DUTY PAY NG HCWs AGAD IRELEASE

MAYROONG P51 bilyon sa 2022 national budget na nakalaan sa COVID-19 duty pay para sa pampubliko at pribadong healthcare workers o HCWs at para sa kanilang compensation kapag sila ay nagkasakit o namatay mula sa virus. Ayon kay Senator Joel Villanueva, chair ng Senate labor committee, P9 bilyon mula sa pondong ito ay maaari nang ipamahagi ng pamahalaan dahil ito ay bahagi ng regular appropriations. “Itong pondong ito ang sure ball na,” aniya. Ang natitirang P42 bilyon ay nasa ilalim ng Unprogrammed Appropriations, na sa ilalim ng batas ay maaari…

Read More

Pag-aralan munang mabuti NO VAX, NO RIDE POLICY PINATITIGIL

SA halip na ipatupad ang “no-vaccination, no-ride” policy, hinimok ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang gobyerno na gawing mas kumbinyente sa mga pasahero ang pagpapabakuna sa pamamagitan ng pagtatayo ng vaccination stations sa transportation hubs at iba pang lugar. Iginiit ni Pangilinan na parusang maituturing ang no-vax, no-ride policy para sa mahihirap na gusto lang maghanapbuhay at walang sariling sasakyan. Dagdag parusa rin anya ito sa mga naka-first dose lang kung hindi pa sila papayagang makagamit ng mass transport. Ipinaalala ng senador na karamihan sa mga ito ay may kakarampot…

Read More

Sa unang araw ng implementasyon HIGIT 100 PASAHERO SINITA SA ‘NO VAX, NO RIDE’

SINITA at pinababa sa sasakyan ang mga pasaherong hindi bakunado sa unang araw ng pagpapatupad ng polisiyang no vaccination, no ride/entry sa mga pampublikong sasakyan sa National Capital Region (NCR). Bandang tanghali kahapon ay may 155 na ang mga pasaherong pinababa sa inspeksyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT). Ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan, Quezon City at Pasay. Sa Commonwealth Avenue, Quezon City, limang Public Utility Vehicle (PUV) ang sinita habang 12 naman sa Mindanao Avenue. Karamihan sa mga idinadahilan ng mga pasahero ay nakalimutan ang vaccination card…

Read More

17 TUMBA SA PANDEMYA SA 3 LUNGSOD SA CAMANAVA

UMABOT sa 17 COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan at Malabon batay sa pinakahuling ulat ng kanilang health offices. Ayon sa ulat, walo ang patay sa Navotas City at 1,690 ang active cases matapos na 395 ang nagpositibo at 29 lamang ang gumaling. Hanggang 8:00 pm noong Enero 13 ay 19,750 na ang nasapul ng pandemya sa fishing capital at sa nasabing bilang ay 17,476 na ang gumaling at 584 ang namatay. Umakyat naman sa 1,651 ang bilang ng COVID casualties ng Caloocan City…

Read More