Matagumpay na nakapasa ang Bureau of Customs Subport of Dumaguete noong nakaraang Martes sa Final External Audit, ang huling stage na kailangan para maipagkaloob ang ISO 9001:2015 Certification sa kanila. Ang naturang subport ng BOC ang kauna-unahan at pangatlo sa mga Customs office na mapagkakalooban ng nasabing ISO certification. Ang TüvSüd Management Service, ay isang German auditing and certification service provider na nagsagawa ng audit para ma-determina ang pagsunod ng Dumaguete sa ISO standards para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga kustomer at mga kinakailangang regulasyon.…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
BOC TUMANGGAP NG NARCOTICS IDENTIFICATION DEVICES MULA US DEA
Opisyal na ipinagkaloob ng US Drug Enforcement Agency (DEA) at ang Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs sa Bureau of Customs (BOC) ang tatlong units ng handheld narcotics identification devices. Kasama sa dumalo sa turn-over ng RIGAKU Raman Spectrometer ay sina US Drug Enforcement Agency Attache Christopher Adduci, Philippine Director for Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs Kelia Cummins at iba pang US DEA officials. Tinanggap naman ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, kasama ang BOC Deputy Commissioners, ang illegal drug detection devices. Ang nasabing…
Read MoreP2.4-M AGARWOOD NASABAT NG BOC-NAIA
Nasabat ng Bureau of Customs – Port of NAIA, sa tulong ng Environment Protection Compliance Division (EPCD) ng Bureau of Customs, ang tatlong bagahe na naglalaman ng may timbang na 28 kilong Agarwood na tinatayang nagkakahalaga na Php2,400,000 sa Fedex warehouse sa Pasay City. Ang Agarwood ay isang classified sa ilalim ng “Appendix 2” ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES). Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Agarwood ay isang ‘resin valued for its distinctive fragrance.’ Ito ay nabuo…
Read MoreKahit nawalan ng internet service noong Disyembre 3 BOC NAKAPAGTALA PA RIN NG P1.6-B KITA
Joel Amongo Bagamat nawalan sa loob ng isang buong araw na internet service ang Bureau of Customs (BOC) noong Disyembre 3, 2020 ay hindi masyadong naapektuhan ang kanilang operasyon sa panahon na iyon. Ang BOC ay inabisuhan ng kanilang Internet Service Provider (ISP), Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) sa nasabing pagkawala ng kanilang internet service. Agad naman naibalik sa normal ang kanilang internet service kinabukasan Disyembre 4, 2020, Biyernes. Ang naging problema ay ang pagkaputol ng PLDT Primary fiber cable dahil sa concrete re-blocking na ginagawa sa harapan ng…
Read MoreCCC NG PORT OF MANILA ISA NANG ISO CERTIFIED
IPINAGKALOOB na sa BOC Customer Care Center-Port of Manila (CCC-POM) ang ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certification ng TUV SUD Philippines noong nakaraang Disyembre 4, 2020. Ang CCC-POM, na pinamumunuan ni District Collector Michael Angelo DC Vargas, ay sumailalim at nakapasa sa kanilang first stage audit noong nakaraang Oktubre 22 at inirekomenda para sa ISO Certification matapos ang kanilang final audit noong Nobyembre 6, 2020. Ang ISO 9001:2015 QMS Certification ay ang international standard na tumutukoy sa sa kalidad ng sistem ng pamamahala. Ginagamit ng mga samahan ang standard…
Read MoreP1.8M ILLEGAL DRUG TABLETS HULI SA BOC-NAIA, PDEA AT NAIA-IADITG
Hindi nakalusot sa Bureau of Customs–NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang kabuuang 35,345 tablets ng diazepam (Valium) at nitrazepam (Mogadon) na nagkakahalaga ng Php 1.8 million. Ang nasabat na tablets ay nadiskubre ng BoC-NAIA frontliners sa isinagawang inspection at examination ng parcels sa Paircargo warehouse noong Disyembre 4, 2020.. Lumalabas na ang cargo ay ipinadala ng “Muztaza and brother” mula Pakistan at misdeclared bilang “Health Care Products”. Ang Diazepam (Valium) at Nitrazepam (Mogadon) ay kasama sa ipinagbabawal ng 1971 United Nations…
Read MoreSHIPMENT NA NAGLALAMAN NG FROZEN MACKEREL HULI SA BOC-MICP
NAHULI ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP), sa tulong ng mga opisyal mula sa Enforcement and Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Piers and Inspection Division (PID) at Formal Entry Division (FED) ang shipment na naka-consigned sa Hightower Inc. noong Disyembre 02, 2020. Ang dalawang 40-foot laden containers ay idineklarang naglalaman ng Frozen Squid na agad naiulat matapos na alisin ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal na walang presensiya ng mga awtoridad na umanoy may paglabag sa…
Read More14 KILOS NG BUHAY NA ISDA MULA TAIWAN NASABAT NG SUBPORT OF MACTAN NI JOEL O. AMONGO
NASABAT ng Bureau of Customs Subport of Mactan ang labing apat (14) na kilos ng buhay na isda mula sa Taiwan. Ang shipment ay dumating sa Mactan-Cebu International Airport noong nakaraang Nobyembre 25, 2020 na walang Import Clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa isinagawang inspection ni Customs Acting Warehouseman Niña Cheza A. Dela Peña kasama si BFAR Quarantine Officer Ronald O. Cabiles, ang ornamental fish na mas kilala sa tawag bilang Angelfish at Guppies ay dumating mula Taiwan via Hong Kong na nakalagay sa mga…
Read MoreTOP 20 REVENUE CONTRIBUTORS NG PORT OF SUBIC KINILALA
Bilang bahagi ng pagsisikap ng Bureau of Customs (BOC) sa patuloy na partnertship sa stakeholders at maayos na pagtataguyod ng kalakalan, ang Bureau of Customs – Port of Subic ay nagsagawa ng awarding ng pagkilala para sa kanilang Top 20 Revenue Contributors sa nagdaang 2nd at 3rd quarter ng taong 2020. Kinilala ng Port of Subic ang stakeholders sa hindi matinag na pagsisikap at suporta sa pwerto maging ngayong panahon ng pandemic. Ang pagbibigay ng award ay pinangunahan ni District Collector Maritess T. Martin kasama si Deputy Collector for Assessment…
Read More