NAGING sentro ng mensahe ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mas pinaigting pang pagkakaisa at pagtutulungang kanilang mga empleyado at opisyal ngayong 2021. Layunin ni Guerrero sa kanyang binitiwang mensahe para sa lahat ng mga BOC employees na magtulungan upang makamit at makalikom ng tamang buwis, mapalago ang kalakalan at maprotektahan ang mga hangganan ng bansa. Ang kabuuang bahagi ng commissioner’s message: “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng lingkod-bayan sa Bureau of Customs at sa mga kababayan. Ngayong kapaskuhan, nais kong pasalamatan kayong…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
BOC-SUBIC NAKALAGPAS SA KANILANG ANNUAL COLLECTION FOR 2020
INANUNSYO ng Bureau of Customs – Port of Subic na nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay nakalagpas sila sa kanilang 2020 Annual Collection Target. Base sa preliminary data, ang BOC-Subic ay nakakolekta ng may kabuuang Php 25,822,750,322.23 revenue sa huling araw ng Nobyembre 2020. Ito umano ay 2.09% na mas mataas sa kanilang target na Php 25,293,015,679.17 para sa buong taon. Ang Port ay nakakulekta rin ng Php 439,002,071.78 sa pamamagitan ng kanilang liquidation at Billing Unit mula Enero hanggang Nobyembre 2020. Kaugnay nito, nakapagtala rin ang Port ng lagpas…
Read More4.28 TONS NA ‘DI REHISTRADO AT NAKALALASONG KALAKAL WINASAK NG BOC-NAIA
Winasak o sinira ng Bureau of Customs (BOC NAIA) ang mahigit sa apat (4.28 tons) na toneladang kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin ng tao noong Disyembre 7, 2020. Ang pagwasak sa mga unregistered and hazardous goods ay bahagi ng pagsisikap ng BOC na protektahan ang publiko mula sa mga kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin. Kabilang sa mga winasak ng BOC-NAIA ay ang hindi mga rehistradong cosmetics at ibat-ibang mga produktong pagkain na bahagi na rin ng kanilang pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa mga hindi ligtas…
Read More6 MONTHS KULONG SA WILDLIFE SMUGGLER
HINATULAN ng anim (6) na buwang pagkakakulong at multang 120,000 pisong halaga ni Judge Allan B. Ariola ng Pasay City Metropolitan Trial Court ang isang wildlife smuggler na kinasuhan ng Bureau of Customs noong nagdaang taon. Ang nasabing wildlife smuggler ay napatunayang guilty sa pagi-import ng 757 piraso ng Tarantulas na paglabag sa Section 27 ng Republic Act No. 9147 o mas kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 at Section 1401 na may kaugnayan naman sa Section 117 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala…
Read MoreP183-M KUMPISKADONG SIGARILYO WINASAK NG BOC-PORT OF ZAMBOANGA
BILANG linya sa mandato ng Bureau ang pagpapalakas ng border protection para mapigilan ang pagpasok ng mga ilegal na kalakal, ay sinira ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga ang 183 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes noong nakaraang Disyembre 7, 2020 sa isang warehouse sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City. Mahigit sa 5,200 master cases ng sigarilyo, ang nasabat sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations simula noong Setyembre 2020 na winasak sa pamamagitan ng payloader equipment sa labas ng yarda, binasa ng tubig ng bumbero sa isang sanitary landfill sa Brgy.…
Read MorePara sa Intensified Border Protection BOC-PORT OF SUBIC TUMANGGAP NG PARANGAL
Tumanggap ng papuri mula sa JT International (JTI) Philippines, Inc., ang Bureau of Customs – Port of Subic para sa kanilang pinaigting na pagsisikap sa Border Protection na nagresulta ng pagkakasabat ng pekeng limang (5) shipments ng ibat-ibang ilegal at pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa 201 milyong piso para buwan lamang ng Setyembre 2020. Ang Port ay nakapagtala ng kabuuang P305,538, 075.50 na market value mula sa lahat ng kanilang nasabat at nakumpiskang ibat-ibang shipments mula Enero hanggang Nobyembre 2020. Ang JTI ay isang miyembro ng Japan…
Read MoreSa gitna ng pandemic DIGITALIZATION PROJECTS NG BIR, BOC BINILISAN
Naglagay ng kani-kanilang ‘digital transformation programs sa tinatawag nilang ‘fast lane’ ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ngayong taon kahit na nasa gitna ng Covid-19 pandemic ang bansa. Ito ay upang mapabuti pa ng husto ang tax administration ng gobyerno na magbibigay benepisyo sa mga taxpayers at makakalap ng koleksyon lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Sa magkahiwalay na ulat kay Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isinagawang executive committee (Execom) meeting ng Department of Finance (DOF) kasama ang BIR at BOC, ngayong taon ay…
Read MoreP13.19-M PUSLIT NA YOSI HULI SA PORT OF DAVAO
Aabot sa mahigit labing tatlong milyong piso (P13.19-M) ang halaga ng puslit na yosi ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Davao sa kanilang subport na nasa Parang sa Cotabato City. Papasok sa bansa ang naturang shipment sakay ng isang motorized banca na may pangalang Al Shameem habang tinatahak ang Rio Grande river nang masakote ito ng pinagsamang pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Enforcement Security Service (ESS), Philippine Marines, Philippine National Police (PNP) at Philippne Coast Guard (PCG). Ang ilegal na kalakal ay kinabibilangan ng mga…
Read MoreSUBPORT SA DUMAGUETE NAKAPASA SA FINAL AUDIT PARA SA ISO 9001:2015 CERTIFICATION
Matagumpay na nakapasa ang Bureau of Customs Subport of Dumaguete noong nakaraang Martes sa Final External Audit, ang huling stage na kailangan para maipagkaloob ang ISO 9001:2015 Certification sa kanila. Ang naturang subport ng BOC ang kauna-unahan at pangatlo sa mga Customs office na mapagkakalooban ng nasabing ISO certification. Ang TüvSüd Management Service, ay isang German auditing and certification service provider na nagsagawa ng audit para ma-determina ang pagsunod ng Dumaguete sa ISO standards para tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga kustomer at mga kinakailangang regulasyon.…
Read More