250 TONELADANG SIBUYAS AT BAWANG, SILAT SA MALABON

SA gitna ng kai-kabilang imbestigasyon kaugnay ng malawakang agri-smuggling sa bansa, timbog sa operasyon ang santambak na sibuyas, bawang at munggong nakaimbak sa 24 bodega sa lungsod ng Malabon. Kasama ang Philippine National Police (PNP) at Phi­lippine Coast Guard (PCG), pinasok ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang cold storage sa Malabon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa diumano’y ilegal na aktibidades ng ilang negosyante. Sa kalatas ng BOC, uma­bot sa 250 tonelada ng mga produktong agrikultura ang sinamsam ng kawanihan nang mabigong maipri­sinta sa mga operatiba ang…

Read More

FUEL SMUGGLERS HAGIP NA NAMAN SA BATANGAS

HINDI pa man nagtatagal mula nang mabulilyaso ang tangkang pagpupuslit ng 700,000 litrong krudo sa bayan ng Mabini, timbog naman ngayon sa Batangas City ang nasa 850,000 litro ng petrolyong lulan ng isang naglalayag na barkong patungo sa South Harbor sa Lungsod ng Maynila. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Bata­ngas (BOC-Batangas), nasabat ng mga operatiba mula sa Customs Intelligence Group, kasama ang Philippine Navy at Philippine Air Force ang MT Braleman-1 na kargado ng petrolyo habang bumabyahe sa karagatang sakop ng Batangas. Ayon kay Customs Enforcement…

Read More

SPECIAL COURT PARA SA MGA SMUGGLER

KASABAY ng pagtatalaga ng bagong Commissioner sa Bureau of Customs (BOC), hinikayat ng isang mambabatas ang paglikha ng special courts na para lang sa paglilitis ng mga kasong may kaugnayan sa puslit kargamento, profiteering at hoarding. Giit ni Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform chair Sen. Cynthia Villar, napapanahon nang pagtuunan ng gobyerno ang mga nanabotahe sa ekonomiya ng bansa, kasabay ng panawagan para sa pagbuo ng tinawag niyang “special team of prosecutors” na walang ibang hahawakang asunto kundi ang mga nabanggit na kaso. “It is high-time that we…

Read More

SMUGGLED YOSI SILAT SA NEGROS, 3 TIMBOG

TODO tanggi ang tatlong indibidwal na huli sa akto ng pagbibiyahe ng nasa P2-milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled na si­garilyo sa baybaying bahagi ng Cauayan sa lalawigan ng Negros Occidental. Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Randy Calago ng Dipolog City, Rolando Lanario at Joel Carvana na kapwa residente ng Hinigaran ng nasabing lalawigan. Sa imbestigasyon, lumalabas na nakatanggap ng timbre ng Cauayan Municipal Police Station hinggil sa paglalayag diumano ng isang bangkang-de-motor na kargado ng mga smuggled na sigarilyo mula sa Dipolog. Dito na nakipag-ugnayan ang lokal na…

Read More

RIO TUBA PINAGMULTA SA NASABAT NA NIKEL

NANINDIGAN ang Bureau of Customs (BOC) na walang kinikilala ang kawanihan pagdating sa mandatong sa kanila ay nakaatang. Patunay nito ang ipinataw na multa sa isang dambuhalang kumpanya sa likod ng nasabat na 25,000 metriko toneladang nickel ore sa baybaying bahagi ng Zambales kamakailan. Pag-amin ng kumpanyang Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC), nagbayad ang kumpanya ng P100,000 multa sa BOC kaugnay ng pagkakarga ng nickel ore sa MV Jin Yuan nang walang kaukulang permiso sa nasabing ahensya. Sa ipinaskil na disclosure ng Nickel Asia Corp., kinumpirmang subsidiary nila ang…

Read More

LGU PAPARTEHAN SA KINITA NG BOC

boc

MALAKING bahagi ng record-breaking collection ng Bureau of Customs (BOC) sa nakalipas na taon ang nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan sa 81 lalawigan, 143 lungsod at 1,498 munisipyo, ayon sa Department of Budget and Management. Bilang pambungad, P28.9 bil­yon ang agad na inilaan ng kagawaran para sa Local Government Support Fund para sa tinawag niyang “capacity-building” ng mga lokal na pamahalaan. “We will formulate capacity-building training, and seminars for our LGUs (local government units) to help them — so that by the time we have full devolution, they can stand on…

Read More

BAGONG POSISYON, BAGONG PAGSUBOK

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA pagkakahirang kay Bienvenido Rubio bilang Commissioner, masusukat ang husay at tapang ng isa pang beterano sa larangan ng operasyon at pangangalap ng impormasyon sa mga bulilyasong sindikato, korapsyon at maging sa antas ng koleksyon. Araw ng Biyernes ng nakalipas ng linggo nang pumutok ang pagsibak kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na tulad ni Rubio ay bihasa sa pagtugis sa mga kalaban ng estado. Bagama’t walang inilabas na dahilan ang Palasyo, hindi naman lumikha ng intriga ang pagpasok ni…

Read More

FUEL SMUGGLING SILAT SA BATANGAS

SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon hinggil sa malawakang smuggling sa bansa, timbog sa bayan ng Mabili sa lalawigan ng Batangas ang isang sasakyang-dagat sa tangkang pagpupuslit ng nasa 700,000 litro ng krudo. Sa kalatas ng Bureau of Customs – Port of Batangas (BOC-Batangas), araw ng Martes nang makatanggap ng timbre mula sa isang impormante ang naturang distrito hinggil sa diumano’y paglalayag ng barkong MT Harmony Star patungo sa karagatang sakop Mabini. Sa bisa ng isang direktiba, agad na dinispatsa ni BOC-Batangas District Collector Atty. Maria Rhea Gregorio ang mga operatiba…

Read More

MODERNONG BOC, HAMON KAY RUBIO

WALANG bahid ng pagtutol ang isang prominenteng kongresista sa pasya ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., na magtalaga ng bagong liderato ng Bureau of Customs (BOC). Gayunpaman, may hamon si House Ways and Means Committee chairman Rep. Joey Salceda sa bagong hirang na Customs Commissioner Bienvenido Rubio – alamin at bigyang solusyon ang makupad na pag-usad ng siento-por-sientong mo­dernisasyon ng kawanihang nangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga kalakal sa mga pantalan at paliparan. “My first request to Commissioner Rubio would be to look into bottlenecks in implementing the BOC’s computerization,”…

Read More