BILANG tugon sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bulilyaso ang panibagong tangkang smuggling ng mga imported na carrots sa mas mahigpit na pagsusuri ang ipinatutupad sa Manila International Container Port (MICP) sa naturang distrito. Sa kalatas ng MICP, kumpiskado sa pinagsanib na operasyon ng mga tauhan mula sa MICP, Sub-Port of North Harbor, Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Service (BPI-PQS) at Department of Trade and Industry (DTI) ang isang kargamentong naglalaman ng sandamakmak na smuggled carrots na lumapag sa Manila North Harbor. Sa imbestigasyon, lumalabas na pawang…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
Shabu mula South Africa, bistado sa NAIA DAYUHAN TIMBOG SA 21 KILO DROGA
TIMBOG sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang isang dayuhang nagtangkang magpuslit ng mahigit 21 kilong shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Sa kalatas ng BOC, napag-alamang bantay-sarado na kawanihan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang modus ng mga sindikato sa likod ng drug smuggling. Katunayan anila, buwan pa lang ng Hulyo nang simulan ang paniniktik sa galawan ng dalawang sindikato – isang nakabase sa Pilipinas at isa mula naman sa South Africa. Buwan ng Agosto naman nang makumpirma – sa tulong ng isang…
Read MoreTaguan ng supply, bistado na! TRADERS MANANAGOT SA SUGAR HOARDING – RUIZ
PATONG-PATONG na asunto, bukod pa sa lusaw na puhunan, ang hinaharap na sakit ng ulo ng mga negosyante sa likod ng pagkukubli ng asukal sa bansa, babala ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasunod ng kabi-kabilang pagsalakay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga bodega kung saan pinipiit ang supply. Sa pinagsanib na operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Port of Clark Enforcement and Security Service (POC-ESS), Port of Manila, Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Trade and Industry (DTI), Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department…
Read MoreBulilyasong BOC District Collectors SISIBAKIN, KAKASUHAN
BUKOD sa pagkasibak sa pwesto, nahaharap sa kabi-kabilang kasong kriminal ang mga nalalabing “latak ng katiwalian” sa Bureau of Customs (BOC), ayon mismo sa pahayag ng Palasyo kamakailan. Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, napipinto ang isang malawakang sibakan sa pwesto sa mga distrito kung saan aniya talamak ang sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng BOC at mga sindikato sa likod ng agri-smuggling, makaraang mabisto ang paggamit ng mga “recycled importation permits.” Partikular na tinukoy ni Angeles ang mga dokumentong nakalap kaugnay ng pagkakasabat sa Port of Subic ng…
Read MoreP55M YOSI NASABAT SA SUBIC AT ZAMBO
KUMPISKADO sa kabi-kabilang operasyon kontra smuggling ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P55-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City at Subic kamakailan. Unang nahagip ang nasa P8.6-milyong halaga ng iba’t ibang klase ng sigarilyong pinaniniwalaang bahagi ng mas malaking kontrabandong ipinuslit sa katimugang bahagi ng bansa. Sa kalatas ng kawanihan, timbog sa pinagsanib na operasyon ng BOC-Port of Zamboanga, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Philippine Coast Guard Station Zamboanga, Philippine Navy at Regional Special Operations…
Read MoreP36M SIBUYAS GALING CHINA, HAGIP SA MISAMIS
BULILYASO sa mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro ang panibagong tangkang pag pupuslit ng nasa P36-milyong halaga ng mga imported na sibuyas mula sa bansang China. Sa ulat ng BOC-Cagayan de Oro, 12 container vans ang nasabat sa Mindanao International Container Terminal (MICT) Port sa Tagoloan, Misamis Oriental bunsod ng timbre ng isang impormanteng tumukoy sa naturang kontrabando. Batay sa dokumentong kalakip ng mga naturang kargamento, dalawang kumpanya ang lumalabas na consignee ng mga bulilyasong kontrabando ang Frankie Trading Enterprises at Primex Export and Import…
Read MoreP14.7M DROGA SILAT SA NAIA
TIMBOG sa magkakahiwalay na operasyon ng mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong bagaheng pawang naglalaman ng droga. Sa isang kalatas ng kawanihan, unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 300 gramo ng shabu na itinago pa sa mga “wall stickers” na bahagi ng bagaheng nakahimpil sa DHL warehouse kung saan mahigpit na sinusuri ang mga “outbound parcels.” Batay sa dokumentong kalakip ng naturang kontrabando, idineklarang dekorasyon sa bahay ang bagaheng nakatakda…
Read MorePAGTUGIS SA MGA AGRI-SMUGGLERS, KORAP, GAME NA!
Ni angel f. jose TAPOS na ang honeymoon period. Ito ang siniguro ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasabay ng anunsyo hinggil sa pinananabikan pagtugis sa mga sindikato sa likod ng agri-smuggling sa bansa. Bukod sa agri-smugglers, puntirya rin ni Ruiz ang mga aniya’y mga tiwaling kawani sa loob at labas ng pinamumunuang ahensya ng gobyerno. Sa isang pulong-balitaan kamakailan, hayagang ipinangako ni Ruiz na isinasakatuparan na ng kanyang tanggapan ang direktiba ng Pangulong siya ring tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Aniya, tanging ulat na lamang sa mga…
Read MorePANIBAGONG SCAM ALERT, HIRIT NG BOC
MULING naglabas ng isang scam alert of Bureau of Customs (BOC) bunsod ng kabi-kabilang sumbong hinggil sa mga indibidwal na umano’y nagpapanggap na kawani o “malakas” sa ahensya, kasabay ng pangakong milyong kita sa paglabas ng mga naipit na kargamento. Sa kalatas ng BOC, partikular na tinukoy ng ahensya ang mga negosyante at mga Pilipinong may kaanak na nagtatrabaho sa ibayong dagat bilang target ng umano’y mga notoryus na grupong nag-ooperate gamit ang social media. Paglilinaw ng kawanihan, walang sinumang itinalaga para makipagtransaksyon gamit ang BOC, kasabay ng giit na…
Read More