PATULOY ang pagpapakitang gilas ng Port of Clark makaraang makapagtala ng tumataginting na P228.58-milyong koleksyon para sa buwan ng Hunyo, batay na rin sa pinakahuling datos ng Bureau of Customs Financial Service Office (BOC-FS) Sa naturang datos, lumalabas na lumabis pa ng P11,673,306.51 ang nakalap ng naturang tanggapang tinokahang lumikom ng P216.907 milyon mula sa buwis at taripang kalakip ng pumapasok at lumalabas na kargamento para sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon. Higit pa sa doble naman ang naturang halaga kumpara sa naipasok na ganansya ng BOC-Clark para sa…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
CHINESE SMUGGLERS TIMBOG, P256M YOSI BULILYASO SA CAVITE
APAT na Tsinong pinaniniwalaang bahagi ng isang sindikato sa likod ng malawakang pagpupuslit at pamemeke ng sigarilyo ang arestado sa isang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa lungsod ng Trece Martires sa lalawigan ng Cavite. Bitbit ang Letter of Authority at Mission Order na pirmado ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pinasok ng Customs Intelligence and Investigation Services ng Manila International Container Port, kasama ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang bodega sa kahabaan ng…
Read MoreKAPIT-TUKO
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO SA pagtatapos ng termino ng punong ehekutibong nagtalaga sa kanila sa pwesto, higit na angkop na sabay rin silang magpaalam sa kani-kanilang tanggapan sa gobyerno. Pero sa Bureau of Customs (BOC), iba ang uso. Dangan naman kasi, may ilang district collectors na pilit nagkukumapit sa kanilang trono. Bakit kamo? Nanghihinayang siguro sa mawawalang ganansiyang mula sa kanilang diskarteng pilipit sa nasasakupang distrito. Habang ang kanilang puwit ay nakapagkit, patuloy naman ang paggapang ng mga switik. Ang kanilang puntirya – papirmahin si Pangulong Ferdinand Marcos…
Read MoreSMUGGLED YOSI, SABAT SA SUBIC
TUMATAGINTING na P40.1-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nabulilyaso ng mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic kamakailan. Sa kalatas ng BOC, hagip ng mga operatiba ng Port of Subic ang isang dambuhalang 40-ft container van bunsod ng timbre ng isang impormante hinggil sa pagpasok ng isang kargamento mula sa karatig na bansang Tsina. Sa isang Pre-Lodgment Control Order na nilagdaan ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, batay na rin sa rekomendasyon ng Customs Investigation and Intelligence Service-Field Station, lumalabas na labag sa National Tobacco Administration…
Read MoreSa pulong ng mga BOC lawyers MEKANISMO BINALANGKAS PARA IDIIN MGA INASUNTO
SA hangaring tuluyan nang wakasan ang pamamayagpag ng mga sindikato at mga kasapakat sa pamahalaan, binalangkas ng mga abogado ng Bureau of Customs (BOC) ang mga angkop na mekanismong magbibigay daan para ipanalo ang lahat ng asuntong inihain ng kawanihan laban sa mga smugglers at mga protektor na tinukoy sa mga isinampang kaso. Sa ginanap na Legal Summit 2022 na dinaluhan ng mga abogado mula sa iba’t ibang tanggapan ng BOC at mga district collection offices ng kawanihan, inilatag rin ni Atty. Julito Doria na tumatayong hepe ng Prosecution and…
Read MoreI-DECLARE SYSTEM, INILUNSAD NG BOC
OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) ang i-Declare System na nagbibigay-daan para sa pinadaling prosesong kalakip ng makabagong teknolohiya para sa deklarasyon ng mga bagahe at salaping pumapasok at lumalabas ng bansa. Sa ilalim ng makabagong Electronic Customs Baggage and Currency Declaration System, binibigyang pagkakataon ang paalis at parating na biyahero na makapagsumite ng deklarasyon hinggil sa kanilang bitbit na bagahe at salaping dala bago lumapag, lumisan o habang nasa byahe patungo sa kanilang destinasyon. Kabilang naman sa mga ahensya ng pamahalaan sa likod ng naturang reglamento ang…
Read MoreMODERNONG CUSTOMER CARE CENTER ITINAMPOK
SA bisa ng isang direktibang nagsusulong ng bukas na talaan ng mga transaksyon kaugnay ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento, ibinida ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan ang mas pinahusay na Customer Care Center, isang tanggapang kagyat na tumutugon sa mga idinudulog na isyu kalakip ng usapin sa kalakalan. Batay sa Customs Administrative Order (CAO) 09-2022 (Institutionalizing Transparency in Delivery of Services Through the Establishment of the Bureau of Customs Customer Care Centers), pinalawak na rin ang saklaw ng naturang tanggapang naatasang maglabas ng BOC database bilang tugon sa…
Read MoreHataw sa midyear collection P76B PASOK PARA LANG SA HUNYO
Ni JOEL O. AMONGO BAGO tuluyang bumaba sa pwesto, nakalikom ng record-breaking koleksyon ang kawanihang mandato’y pangasiwaan ang paglikom ng taripa at buwis na kalakip ng mga pumapasok at lumalabas na kargamento. Sa datos ng BOC-Financial Service, tumataginting ng P76.290 bilyong piso ang pumasok na pondo sa BOC sa buwan ng Hunyo – higit na malaki ng P20 bilyon (katumbas ng +35%) kumpara sa P56.287 bilyong target para sa naturang buwan sa kalagitnaan ng taon. Hinigitan din ng naturang koleksyon ang P70.778 bilyong naitala naman nito lamang Marso ng kasalukuyang…
Read MoreSMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBOANGA ULIT!
TIMBOG sa mahigpit na pagbabantay ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P9.6-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa karagatang sakop ng Barangay Manalipa sa lungsod ng Zamboanga. Sa ulat ng kawanihan, hagip ng mga nagpapatrolyang operatiba ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Port of Zamboanga, kasama ang mga miyembro ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” ang 275 master cases ng sigarilyong lulan ng bangkang markado ng pangalang “FB JAMAIKA” nito lamang nakaraang linggo. Sa paunang imbestigasyon ng BOC, naglalayag sa karagatan mula…
Read More