KUMPISKADO sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P124-milyong halaga ng mga agricultural products na tinangkang ipuslit mula sa bansang China. Sa isang kalatas ng BOC, timbog ang dalawang kargamento base sa timbre ng isang impormante sa Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) ng BOC. Unang natimbog ng CIIS, kasama ang mga operatiba ng BOC Intelligence Group ang nasa P75-milyong halaga ng kontrabandong nakapangalan sa Daniry Consumer Goods Trading. Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na mga botyang pato at karneng manok ang laman ng kargamentong idineklarang “hot…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
BOC, FDA SANIB-PWERSA KONTRA PEKENG GAMOT
SANIB-PWERSA na ang Bureau of Customs (BOC) at Food and Drugs Administration (FDA) sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa pagpasok ng mga hindi rehistrado – kung hindi man pekeng gamot sa bansa. Sa isang pulong na ginanap sa Cagayan de Oro City kamakailan, binigyang diin ni Port of Cagayan de Oro District Collector Atty. Elvira Cruz ang kahalagahang masupil ang pagpasok ng mga gamot sa labas ng talaan ng mga kumpanya at tatak ng gamot na may kalakip na permiso at clearance mula sa FDA. Tinalakay rin…
Read MoreKUMPISKADONG GOMA PINULBOS
SA hangaring tiyaking ‘di na aabot pa sa merkado, tuluyan nang pinawasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga abandonado at kumpiskadong kargamentong naglalaman ng iba’t ibang sukat ng goma ng mga sasakyan. Sa kalatas ng BOC, ibiniyahe pa patungo sa Naga City sa lalawigan ng Cebu, kung saan giniling, pinulbos at ginamit na panggatong ang nasa 535 pirasong segunda-manong goma ng mga sasakyang nakatambak lang sa pasilidad ng Port of Iloilo. Ayon pa sa kawanihan, ginamit na panggatong sa pagpoproseso ng semento ang mga nasabat na second hand tires,…
Read MoreKita mula sa fuel marking program P453B PASOK SA BANGA
TUMATAGINTING na P453 bilyon na ang naitalang kita ng gobyerno mula nang simulang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) ang “Fuel Marking Program” na sadyang binalangkas sa hangaring sawatain ang oil smuggling sa bansa. Ayon mismo kay outgoing Finance Sec. Carlos Dominguez III, higit pa sa kontra-fuel smuggling ang bentahe ng naturang programa kasabay ng panawagan sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang naturang mekanismong magbibigay daan para pumasok ang higit na kinakailangang pondo sa gitna ng dinaranas na krisis sa ekonomiya ng bansa. Sa datos ng DOF, higit na…
Read MorePAGWAWAKAS NG AGRI-SMUGGLING
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO HINDI sapat ang katagang kapanapanabik para ilarawan ang mga matutunghayang tagpo sa mga susunod na araw sa isang kagawarang sukdulan ang kapalpakan pagdating sa mandatong kanilang pinanumpaan. Dangan naman kasi, hindi ordinaryong Kalihim ang uupo sa nasabing departamentong binaboy ng sabwatan ng mga sindikato sa likod ng agri-smuggling at ng mga mismong taong gobyernong nagpayaman ng husto sa kani-kanilang mga pwesto. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang napipintong pamumuno sa Department of Agriculture – hindi dahil sa…
Read MoreLIDERATO NG ASEAN CUSTOMS BOARD, IPINASA SA SINGAPORE
SA pagtatapos ng termino ng administrasyong Duterte, kasabay nang ipinasa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations – Customs Directors-General of Customs sa bansang Singapore. Sa ginanap na 31st regular meeting ng nasabing grupong binubuo ng mga katuwang na bansang Asyano, pormal na isinalin ni Guerrero ang chairmanship kay Ho Chee Pong, Director-General ng Singapore Customs. “The Philippine Customs is honored to officially turn over the emblem of authority and responsibility of the ASEAN Customs Chairmanship to the able hand of Mr. Ho Chee…
Read MorePATAMA NG KOLUMNISTA, PINALAGAN NI GUERRERO
INALMAHAN ni outgoing Customs Commissioner ang patutsadang inilathala sa isang pitak ng batikang kolumnistang si Cito Beltran. Sa artikulong lumabas sa pahayagang Philippine Star, hayagang sinabi ni Beltran na mas malaki ang ganansya sa Bureau of Customs (BOC) kumpara sa pagiging Kalihim ng isang departamento, kasabay ng paglalahad ng mga umano’y malawakang katiwalian at smuggling ng langis at agri-products sa iba’t ibang pasilidad na nasa ilalim ng pangangasiwa ng naturang kawanihan. Giit ni Guerrero, malaki na ang ipinagbago ng BOC kung saan aniya puspusan ang pagpapatupad ng mga reporma sa…
Read MoreTrak sa SoCot, timbog din SMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBO
MAHIGIT P5.1-milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang kumpiskado sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Zamboanga at South Cotabato. Unang nasilat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police – Zamboanga City Mobile Force Company ang dalawang bangkang de motor, na may lulang 62 master cases ng sigarilyong Champion Menthol. Sa ulat ng pulisya, nagpapatrolya ang mga operatiba ng BOC at PNP nang namataan ang dalawang bangka sa karagatang sakop ng Zamboanga City. Nang sitahin ng mga operatiba, walang naipakitang dokumentong patunay na…
Read MoreP21M PARA LANG SA 2 LUXURY CAR
TUMATAGINTING na P21 milyon ang kabuuang nakalap ng Bureau of Customs (BOC) mula sa dalawa sa apat na sinubastang smuggled luxury cars. Sa kalatas ng BOC, nagwagi sa isinagawang public auction para sa pulang 2006 Lamborghini ang FR Agbay Jr. Enterprise sa halagang P10.378 milyon, habang swak naman sa P10.452 milyong hirit ng ETANS ang 2008 model na Ferrari Scuderia 430 na apat na ulit nang isinalang sa subastahan ng kawanihan. Wala naman nagpakita ng interes para sa 2001 model ng Porsche Boxster na pilit binebenta ng BOC sa halagang…
Read More