TUMATAGINTING na P670-milyong halaga ng mga “counterfeit products” ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Cavite at Bulacan kamakailan. Bitbit ang Letter of Authority na pinirmahan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, timbog sa ikinasang operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service – Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) sa mga bodega ng Maclane Storage Facility sa kahabaan ng Niog Road, Bacoor City sa Cavite ang P590-milyong halaga ng mga pinekeng produktong kargado ng mga mamahaling tatak tulad ng Nike, Adidas, Lacoste, Dickies…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
MARITIME BORDER SECURITY NG BOC-CDO MAS PINALAKAS
ASAHAN ang mas pinalakas na maritime border security sa dakong Misamis Oriental kasunod ng paglulunsad ng dalawa pang Fast Patrol Boats ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cagayan de Oro, kalakip ang direktibang tugisin ang mga smuggling syndicates na una nang napabalitang namamayagpag sa karagatang sakop ng nasabing distrito. Sa kumpas ni BOC-Cagayan de Oro District Collector Atty. Elvira Cruz, pinangunahan ni Water Patrol Division officer-in-charge Major Danielo Gonzales ang paglalayag ng dalawang bagong sasakyang dagat na gagamitin sa pagpapatrolya at pagtugis sa mga piratang-dagat sa naturang lalawigan.…
Read MoreSMUGGLED YOSI, SILAT SA BATAAN
SILAT sa alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang santambak na sigarilyong tinangkang ipuslit ng isang smuggling syndicate sa Limay, Bataan kamakailan. Sa kalatas ng BOC, timbog sa ikinasang operasyon ng Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Port of Limay, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bataan Philippine National Police-Drug Enforcement Unit (PNP-DEU), at lokal na pulisya ang isang 20-footer container na naglalaman ng 400 master cases ng Gem cigarettes na gawa ng Gold Leaf Tobacco na nakabase sa South Africa.…
Read MoreP6M DROGA KUMPISKADO, PINOY, 2 TAIWANESE DAKIP
BULILYASO sa alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark sa Pampanga ang panibagong tangkang pagpuslit ng droga, kasabay ng pagdakip sa tatlo kataong pinaniniwalaang miyembro ng mas malaking sindikato. Ayon sa paunang ulat ng BOC-Clark, hagip sa ikinasang operasyon ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-ray Inspection Project (XIP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 1.2 kilong Ketamine na ikinubli sa dalawang kargamentong idineklarang water purifier. Gamit ang x-ray scanners at mga bagong…
Read MoreBATMOBILE, TIMBOG POSIBLENG ISUBASTA
HINDI pa man ganap na napepera ng pamahalaan ang lahat ng mga mamahaling sasakyang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) nito lamang nakalipas na taon, isa na namang sports car na kahalintulad ng batmobile na gamit ni Batman sa pelikula ang nabulilyaso ng Intelligence and Investigation Service (IIS) ng ahensya sa lungsod ng Maynila. Sa tulong ng isang impormante, nabisto ang tangkang pagpapalusot ng isang segunda-manong Lamborghini Aventador sa Manila International Container Port (MICP) na batay sa mga kalakip na dokumento ay isang “brand new unit” ng Lamborghini Huracan. Ayon…
Read MoreP95M SMUGGLED YOSI, WASAK SA PAMPANGA
SA hangaring siguruhing ‘di na makakarating pa sa merkado, piniling wasakin agad ng tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic ang mga nasa P95-milyong halaga ng mga nasabat na sigarilyong laman ng mga dambuhalang containers na nakatengga sa Port of Subic. Pagtitiyak ni BOC-Subic District Collector Maritess Martin, hindi palulusutin ng kanyang tanggapan ang mga sindikato sa likod ng smuggling sa kanyang teritoryo. Sa isang datos ng BOC-Port of Subic, kabilang sa mga winasak ng kawanihan, kasama ang mga kinatawan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno ang tinatayang…
Read MoreBAGONG PANIKAD KONTRA PIRATA BUMIDA SA DAVAO
MAS pinaigting na kampanya laban sa smuggling sa gawing timog ng bansa ang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) kasunod ng pagtatalaga ng dalawang makabagong patrol boats na maglalayag sa karagatang sakop ng Davao kung saan pinaniniwalaang ibinabagsak ng mga sindikato ang mga kontrabando mula sa mga karatig bansa sa Asya. Gamit ang dalawang bagong unit ng littoral patrol boats, isang babala ang ipinalabas ni BOC-Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria. Aniya, bilang na ang mga araw ng mga piratang dagat at mga pinaniniwalaang kasabwat sa pagpupuslit ng droga,…
Read More4 IMPORTERS BLACKLISTED!
APAT na negosyanteng pinaniniwalaang sangkot sa malawakang agri-smuggling sa bansa ang inilagay sa “blacklist” ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagtitiyak na hindi kailanman kukunsintihin ng kawanihan ang hindi makatwirang paggamit ng pribilehiyong “green lane” sa hangaring makaiwas sa pagbabayad ng buwis sa gobyerno. Kabilang sa mga hayagang tinukoy ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa isang pagdinig sa Kamara sina Manuel Tan, Andrew Chang, Leah “Luz” Cruz at Jun Diamante, na diumano’y pawang sangkot sa agri-smuggling, kasama ang ilang opisyal ng Department of Agriculture. “At the same time,…
Read More2 claimants, timbog din DROGA BULILYASO SA CLARK AT NAIA
MINSAN pa’y pinatunayan ang husay ng mga makabagong kagamitan ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyong humantong sa pagsabat ng hindi bababa sa P7.3-milyong halaga ng drogang pawang ikinubli sa mga gamit pambata sa Port of Clark sa Pampanga at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Unang nahagip sa isang controlled delivery operation sa Las Piñas City ng BOC-NAIA kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang dalawa katao – kabilang ang isang Nigerian national – sa aktong…
Read More