TAG-ULAN IDINEKLARA NA NG PAGASA

OPISYAL nang panahon ng tag-ulan. Ito ang sinabi ng PAGASA kahapon. Ang deklarasyon ay kasabay ng naging buhos ng ulan na dala ng bagyong Butchoy sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila. Nataon din na ang bagyo ay sumabay sa mga protesta sa Araw ng Kalayaan. Dinala ng Bagyong Butchoy at ng southwest monsoon o habagat ang ulan sa Metro Manila, lalo na rin sa western sections ng Luzon at Visayas. Ito umano ang pinagbasehan nila para sabihin na panahon na ng tag-ulan. Nakadalawang landfall ang Butchoy sa…

Read More

BAGYONG AMBO PATULOY SA PANANALASA

BAHAGYANG nabawasan ang lakas ng bagyong Ambo matapos ang ikaanim nitong landfall ngayong umaga. Humagupit ang bagyo sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Kabikulan mula kagabi. Ngayong tanghali, iniulat na nasa bahagi na ng Catanauan, Quezon ang sentro ng bagyong Ambo at papalapit sa Northern Quezon – Laguna area. Ayon sa PAGASA, ang eyewall region ng bagyo ay naghahatid ng mapaminsalang hangin at heavy hanggang intense na pag- ulan sa norther portion ng Bondoc Peninsula. Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat…

Read More

BAGYONG AMBO NAG-LANDFALL NA SA SAMAR

NASA Storm Signal No. 3 na ang buong lalawigan ng Samar, Albay, Ticao Island at Sorsogon kasunod ng pagtama sa kalupaan ng bagyong ngayong tanghali sa San Policarpio, Eastern Samar. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malakas na hangin at malalakas na pag-ulan ang hatid ng bagyong Ambo kaya ibayong pag-iingat ang inaabiso nito sa mga residente ng mga lugar na daraanan ng bagyo. Ang mga lugar na nasa Storm Signal No. 3 ay makaranas ng malakas na hangin na aabot sa 121 hanggang 170 km/h.…

Read More

LAMIG SA BAGUIO CITY PUMALO SA 11.4 DEGREES CELSIUS 

baguio

(NI ABBY MENDOZA) NAITALA sa 11.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City, Sabado ng umaga. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrononomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura ay naitala sa Atok, Benguet na nasa 7 degrees celsius. Asahan  pang lalamig  ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa peak ng hanging amihan. Ang 11.4 degrees ang pinakamababa na naitala sa loob ng apat na buwan mula nang punasok ang northeast monsoon o hanging amihan noong buwan ng Setyembre. Hanggang buwan ng Pebrero ang peak ng hanging…

Read More

MAALIWALAS NA PANAHON SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON — PAGASA

MAALIWAS na kalangitan ang aasahan ng mga Pinoy sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Pagasa. Ito ay matapos bayuhin ng malalakas na pag-ulan, nagwasak sa maraming ari-arian at kumitil sa buhay ang higit sa 20 katao ang bagyong Ursula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao habang patuloy na nasa evacuation centers ang libu-libong napinsala ng bagyo noong Pasko. Ang bagyong Ursula ay tinataya sa 335 kilometro ng timog Zambales Biyernes ng alas-4:00 ng madaling araw at hindi na makaapekto sa anumang paraan sa bansa. Inaasahang aalis na ng…

Read More

13 LUGAR SIGNAL NO 1 SA BAGYONG URSULA

(NI ABBY MENDOZA) NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa: Sorsogon Masbate including Ticao Island Eastern Samar Northern Samar Samar Biliran Leyte Southern Leyte Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands) Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao) northeastern Bohol…

Read More

BAGYONG URSULA NAKAAMBA SA PASKO

(NI ABBY MENDOZA) PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula. Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon. Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa…

Read More

MAULAN NA PASKO ASAHAN — PAGASA

(NI ABBY MENDOZA) ISANG low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging ika-21 bagyo na papasok ng bansa ngayong taon. Ayon sa Pagasa kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA  ay maaaring maging ganap na bagyo na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Kapaskuhan. Sa ngayon ang sama ng panahon ay namataan 2,000km  sa Mindanao, maaari itong pumasok ng PAR sa Martes, o Christmas eve subalit sa darating na weekend…

Read More

TAIL-END NG COLD FRONT MAGPAPAULAN SA N. LUZON

pagasa12

MAGANDANG balita na sa susunod na tatlong araw ay walang namataang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa, ayon sa Pagasa. Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, ang tail-end of a cold front pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Silangan ng Hilagang Luzon. Dahil sa nasabing weather system, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ang mararanasan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao. Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng putol-putol na malalakas na…

Read More