(ABBY MENDOZA) MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito. Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa…
Read MoreCategory: LAGAY NG PANAHON
BAGYONG TISOY NANANALASA SA SOUTHERN QUEZON, M’DUQUE, ROMBLON
NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan. Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour. Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin at malalakas…
Read More6 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO. 3
(NI KIKO CUETO) UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa. Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa. Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran. Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas. Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon. Dito sa Metro Manila, makararanas din ng…
Read MoreULAN NI ‘TISOY’ INAASAHAN SA ANGAT DAM
(NI ABBY MENDOZA) BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila. Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters. Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan…
Read MoreBAGYONG TISOY PUMASOK NA NG BANSA, SAMAR NASA SIGNAL NO 1 NA
(NI ABBY MENDOZA) PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar. Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng Virac, Catanduanes. Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes…
Read MoreBAGYONG TISOY PAGHANDAAN –PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa. Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014. Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6…
Read MoreBAGYONG KAMMURI POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON
POSIBLE umanong maging super typhoon ang binabantayang ‘Bagyong Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras. Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga. Ayon sa Pagasa, pagpasok…
Read MoreBAGYONG TISOY PAPASOK SA BANSA KASABAY NG SEAGAMES –PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISANG bagyo ang papasok sa bansa kasabay ng hosting ng bansa ng SEA Games, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa ang bagyo na may international name na Kammuri ay nasa labas pa ng bansa. Namataan ito sa layong 1,755 km sa Silangang Visayas, taglay ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105 kph at kumikilos sa bilis na 25kph. Sinabi ni Pagasa forecaster Raymond Ordinario na maaari pang madagdagan ang pwersa ng hangin na dala ng bagyo habang papalapit…
Read MoreBAGYONG RAMON PA-EXIT NA, BAGYONG SARAH NASA PAR
(NI ABBY MENDOZA) SA loob ng 24-oras ay dalawang bagyo ang patuloy na magpapaulan sa Northern Luzon matapos pumasok na rin ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagong bagyong Sarah. Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA), humina na ang bagyong Ramon matapos itong maglandfall sa Cagayan. Huling namataan ang Bagyong Ramon sa may Roxas, Isabela, taglay ang hangin na 55 kph at pagbugso na 90 kph at kumikilos sa bilis na 20 kph. Mas hihina pa ang bagyong Ramon at posibleng maging isang Low Pressure…
Read More