(NI KIKO CUETO) MAY binabantayan na bagong sama ng panahon ang Pagasa sa loob mismo ng Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ang Low Pressure Area 940 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur. Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isa itong bagyo. Pero magdadala ito ng ulan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw. Ang northeast monsoon o amihan ang magdadala naman ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. Maaliwalas na panahon naman ang aasahan…
Read MoreCategory: LAGAY NG PANAHON
AMIHAN SEASON SIMULA NA — PAGASA
(NI DAHLIA S. ANIN) OPISYAL nang nagsimula ang tag-lamig o panahon ng Amihan/Northeast Monsoon sa bansa, ayon sa Pagasa. “Sa mga darating na Lingggo at buwan ay posibleng makakaranas na tayo ng mas malamig na temperatura, mga mahihinang pag-ulan pero hindi parin natin niru-rule out ang posibilidad ng bagyo sa Nobyembre at Disyembre,” ayon kay Pagasa weather Specialist Chris Perez sa isang panayam. Hindi pa tiyak ng ahensya kung kailan dadako sa Metro Manila ang Amihan. “Una pong mararanasan muna natin yung colder early morning temperatures dito sa may bandang…
Read MorePERLA NAKALABAS NA; BAGONG BAGYO MINOMONITOR
(NI KIKO CUETO) NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Perla, pero may binabantayan na mas malakas na bagyo ang Pagasa sa bahagi ng Pacific coast. Ang Bagyong Perla ay huling namataan 1,215 kilometers northeast ng Luzon northern tip at may maximum sustained winds na papalo sa 110 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 135 kph. Papunta ito sa direksyon ng Japan. Ayon naman kay Pagasa weather specialist Loriedin Dela Cruz, binabantayan nila ang Bagyo na may International name na “Bualoi.” Huling namataan ang bagyong Bualoi…
Read MoreAMIHAN, PAGASA SA PAGTAAS NG TUBIG SA ANGAT DAM
NAASAHANG makatutulong ang Northeast Monsoon o Amihan para madagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam, ayon sa Pagasa. Ito ay matapos magpahayag ang Maynilad ng rotating water interruptions dahil umano sa mababang antas ng tubig sa dam. “Pagpasok ng Amihan, ideally magpapaulan siya sa east side of Luzon. Kung mas malakas, maging sa east side ng Visayas magkakaroon ng pag-ulan,” ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio. Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan sa dam. Hindi pa opisyal na nagsisimula ang Amihan ngunit ito ay kadalasan sa kalagitnaan ng…
Read MoreBAGYONG PERLA WALANG MALAKAS NA EPEKTO SA BANSA
WALANG malakas na epekto sa bansa ang tropical storm Perla, ayon sa Pagasa sa kanilang huling weather bulletin. Sa kanilang advisory, wala ring naitalagang tropical cyclone wind signal na inisyu sa buong bansa. Gayunman, ang Northeasterly Surface Windflow ay makalilikha ng pabugsu-bugsong hangin sa dulo ng Northern Luzon hanggang sa susunod na lingo. Hiniling din ng Pagasa ang mga residente na patuloy na magmonitor sa mga kaganapan sa bagyo. Patuloy ding binabalaan ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa pagbiyahe sa Northern Luzon dahil sa potensiyal na malalakas na alon…
Read MoreSUPER BAGYONG HABAGAT ‘DI DADAAN SA PINAS
(NI KIKO CUETO) PATATAWARIN ng super bagyo na Habagat ang Pilipinas at hindi ito ang hahagupitin ng lakas nito, ayon sa PAGASA. Sinabi ng PAGASA na mahina ang posibilidad nang pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR), ang naturang super bagyo. Ang naturang weather disturbance, na ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ay super typhoon, ay papunta sa direksyon ng Japan, kayat hindi ito babayo sa Pilipinas. Kasalukuyan nitong tinatahak ang northwestern Pacific Ocean at huling namataan 2,020 kilometers east ng northern Luzon, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.…
Read More‘SUMMER’ SA TAG-ULAN IPINALIWANAG NG PAGASA
(NI KIKO CUETO) IPINALIWANAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung bakit sa panahon ng tag-ulan ay tila mala-summer ang init ng panahon. Ayon sa Pagasa, ang mga mauulap na papawirin sa Metro Manila ang siyang suspek sa init, dahil iniipit nito ang iniaakyat na init mula sa lupa at hindi hinahayaang makalabas sa kalawakan. Ito rin ang dahilan kung bakit mainit ang temperature tuwing gabi. “Fair weather po kasi iyong ini-expect natin for the next 3 days so possible po na medyo maaraw po talaga iyong…
Read MoreBAGYONG ONYOK LALAKAS SA LOOB NG 24-ORAS
(NI ABBY MENDOZA) LALAKAS pa ang bagyong Onyok at magiging Severe tropical storm sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon 11:00 weather bulletin na ipinalabas ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa Virac, Catanduanes, taglay nito ang lakas ng hangin na 65kph at bugso na 70kph, kumikilos ito sa 35kph na hindi umano ordinaryo dahil lubha itong mabilis para sa isang bagyo. Kung hindi magbabago ang kilos ng bagyong Onyok ay inaasahan na hindi pa rin magla-landfall hangggang sa tuluyang makalabas ng…
Read MoreIKA-5 BAGYO NG SEPT. PAPASOK NGAYONG SABADO — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) TULUYANG magiging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa Visayas at tatawaging bagyong ‘Onyok’. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sa loob ng 24-oras inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Onyok’ na ikalimang bagyo sa buwan lamang ng Setyembre. Sa weather forecast ng Pagasa ay hindi inaasahang tatama sa lupa ang bagyo. Ang sama ng panahon ay huling namataan sa 1,410 kilometro ang layo mula sa Visayas, kumikilos ito sa bilis na 30kph, taglay ang lakas ng hangin na 45kph…
Read More