(NI DAHLIA S. ANIN) ASAHAN na ang mas mahabang gabi simula ngayon dahil sa pagdating ng autumnal equinox, ayon sa PAGASA. “Autumnal Equinox will occur on September 23 at 3:50 P.M. Hence, thereafter, Philippine nights will be longer as the sun moves below the celestial equator towards the Southern Hemisphere,” ayon sa pahayag ng ahensya. Ayon sa Pagasam tuwing equinox ay mararanasan na magkasing haba o pantay ang umaga at gabi na tatagal ng 12 oras sa buong mundo. At pagkatapos nito ay iiksi ang umaga at hahaba naman ang…
Read MoreCategory: LAGAY NG PANAHON
BAGYONG ‘NIMFA’ BINABANTAYAN; 1 PANG LPA, HABAGAT HUMAHATAW
(NI JEDI PIA REYES) GANAP nang bagyo at patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’. Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito. Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro…
Read More2 LPA, HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON, VISAYAS
(NI DAHLIA S. ANIN) MAHINA hanggang malakas na ulan ang dala ng dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hanging habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas. Sa tala ng Pagasa, huling namataan ang mga LPA sa layong 715 kilometro Silangan ng Basco, Batanes at 130 kilometro Kanluran TimogKanluran ng Iba, Zambales. Hinahatak ng mga ito ang southwest monsoon o hanging habagat. Asahan ang maulang panahon sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at probinsya ng Mindoro. Habang makakaranas naman ng…
Read More2 LPA, 1 BAGYO SA LABAS NG PAR NAGPAPALAKAS SA HABAGAT
(NI ABBY MENDOZA) DALA ng hanging habagat ang nararansang pag-uulan sa malaking bahagi ng bansa na pinalalakas ng dalawang Low Pressure Area at isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), ang isang LPA ay ang dating bagyong Marilyn, una na itong nakalabas ng PAR, humina at naging LPA subalit sa wind forecast ahensya ay inaasahang babalik ito ng PAR sa loob ng susunod na 48 oras. Ang isa pang LPA ay namataan sa kanluran ng Zambales, mababa ang tsansa…
Read MoreHIGIT 2,000 APEKTADO NG HABAGAT
(NI JG TUMBADO) NASA mahigit 2,000 indibidwal o 480 pamilya ang apektado ng hagupit ng southwest monsoon o habagat na pinalakas ng tropical depression ‘Marilyn’. Batay sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umiral ang habagat sa bahagi ng Southern Luzon at Visayas region. May kabuuang 2,360 indibidwal ang naitalang apektado ng naranasang pag-uulan bunsod ng habagat. Nananatili ang 1,815 indibidwal sa itinalagang apat na evacuation center na ang ilan sa mga apektadong residente ay mula sa Region 9, 11 at 12. Samantala, nawasak ang karamihan…
Read MoreBAGYONG ‘MARILYN’ ‘DI TATAMA SA LUPA
(NI ABBY MENDOZA) NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Marilyn, hindi ito inaasahang tatama sa lupa subalit magdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi mg Luzon at maging sa Visayas. Sa 11:00 weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo, huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph. Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas…
Read MoreBAGYONG ‘MARILYN’ NASA PAR NA
(NI ABBY MENDOZA) ISA nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng bansa at bukas inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) pagpasok ng bagyo sa PAR ay tatawagin itong bagyong Marilyn, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h at bugso na 70kph. Bagama’t nasa labas ng PAR ay apektado na umano ng buntot ng bagyo ang Occidental Mindoro,Oriental Mindoro, Romblon,Marinduque, Palawan, Bicol at Visayas na nakakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan. Hindi inaasahan ng…
Read MorePAG-ULAN DULOT NG PAPALAPIT NA LPA
(NI KIKO CUETO) PATULOY na nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang malaking bahagi ng Luzon, habang papalapit ang isang low pressure area sa bansa. Kabilang sa mga makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, at Central Luzon regions maging ang Rizal province. Sinabi ni Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na dapat maging maingat pa rin ngayon, lalo na sa northern Luzon, dahil sa mga pagbaha. Posibleng namang maging ganap na bagyo ang low pressure area na tatawaging ‘Marilyn’. Ito ang magiging ika-13 bagyo na…
Read MoreBAGONG SAMA NG PANAHON BINABANTAYAN NG PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) PALABAS na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong ‘Liwayway’, kasabay ng pag-alis sa storm signal na nakataas sa Batanes habang isang bagong Low Pressure Area(LPA) ang minomonitor sa Philippine Area of Responsibility(PAR). Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sama ng panahon sa 1,050 km northeast ng Mindanao, sakaling pumasok ng PAR ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’. Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang sama ng panahon dahil malayo pa ito. Samantala kahit palabas na ng bansa ang bagyong ‘Liwayway’ ay naghahatid pa rin ito ng…
Read More