NAGHATID si Senator Erwin Tulfo nitong Sabado, Marso 7, 2026, ng kumpletong fishing gear at tulong pinansyal para sa 22 mangingisdang taga-Palawan na kamakailan ay na-repatriate mula sa Malaysia matapos ang isang buwang pagkakakulong dahil sa hinihinalang “unauthorized entry”. Ang mga mangingisda, na nakabalik sa kanilang bayan sa Rizal, Palawan nitong Huwebes, ay nakatanggap ng mga kagamitan gaya ng handheld fish finders, lambat, kawil, at nylon mula sa Senador. Binigyang-diin ni Tulfo, na tubong-Palawan at tumatayong chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs, ang kahalagahan na agad silang makabalik sa…
Read MoreCategory: METRO
PSA INATASAN NI PBBM PABILISIN AT PAGAANIN PAGKUHA NG MGA DOKUMENTO
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na higit pang gawing simple at mabilis ang proseso ng pagkuha ng mga civil registry document, partikular ang pagwawasto ng birth certificate, bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan para sa digitalization at pinahusay na serbisyo publiko. Ito ay matapos tugunan ng Pangulo ang mga alalahanin at mungkahi ng publiko hinggil sa mabagal at komplikadong proseso sa pagkuha ng mga dokumento at aplikasyon ng ID, lalo na para sa mahihinang sektor at mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas…
Read MoreCAYETANO SIBLINGS, NAGHAIN NG PANUKALA PARA BAWAS-BUWIS SA LANGIS
SA gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, naghain ng panukalang batas sina Sens. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano upang payagan ang awtomatikong suspensyon o pagbawas ng excise tax sa langis kapag sumirit ang presyo nito sa pandaigdigang merkado. Layunin ng Senate Bill No. 1927 na amyendahan ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997 na binago ng TRAIN Law. Sa panukala, maaaring maglabas ng executive order ang Pangulo—batay sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee—upang suspindihin o bawasan ang excise tax kapag umabot sa US$80 kada…
Read MoreCAYETANO ISINULONG ANG ‘SANDY’S ACT’ PARA SA KALIGTASAN NG MGA BATANG TURISTA
ISINUSULONG ni Senador Alan Peter Cayetano ang panukalang Child Tourist Safety Act o “Sandy’s Act” upang maprotektahan ang mga bata sa mga pasyalan. Nilagdaan ng senador ang Senate Bill No. 1926 sa ilalim ng Committee Report No. 39 na nag-oobliga sa mga tourism establishment na magpatupad ng mandatory emergency at risk mitigation plans. “There’s no better gift to people than the Lord’s gift of children. It is our duty to protect them wherever they are,” ani Cayetano. Nabuo ang panukala matapos ang pagkamatay ng batang si Sandy Garovillas noong Oktubre…
Read MorePNP AT CARDINAL SANTOS, NAGKAISA SA MEDICAL SERVICES PARA SA MGA PULIS
MAS mapapabilis na ang pagkuha ng serbisyong medikal ng mga pulis at kanilang pamilya matapos pormal na lagdaan ng Philippine National Police at Cardinal Santos Medical Center ang isang Memorandum of Agreement (MOA). Ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng kasunduan na matiyak ang mas mabilis na access ng mga tauhan ng PNP at kanilang dependents sa dekalidad na serbisyong medikal. Aniya, malaking tulong din ito sa morale ng mga pulis na madalas humaharap sa mapanganib na sitwasyon habang ginagampanan ang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at…
Read MorePPA NAGHAHANDA NA SA SEMANA SANTA EXODUS
MAAGA pa lang ay naghahanda na ang Philippine Ports Authority para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa darating na Semana Santa. Inatasan ni PPA General Manager Jay Santiago ang agarang inspeksyon sa mga pangunahing pantalan sa bansa upang matiyak ang kahandaan sa inaasahang pagdami ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya para magbakasyon. Kabilang sa mga pantalan na sinuri ng PPA ang Port of Lucena at Port of Balanacan, kasama sina Assistant General Manager for Operations Mark Jon Palomar at Assistant General Manager for Engineering James Gantalao. Sinuri…
Read MoreETHICS PROBE NILARGA SA KAMARA VS SUNTAY
INIUTOS ng House of Representatives of the Philippines ang pagsasagawa ng ethics probe laban kay Jesus Bong Suntay matapos ang kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa aktres na si Anne Curtis. Ang hakbang ay kasunod ng privilege speech ni House Committee on Women and Gender Equality chairperson at Laguna Rep. Ann Matibag na kumondena sa naging pahayag ni Suntay sa gitna ng impeachment hearing. Matapos ang talumpati, nagmosyon si Assistant Majority Leader Ysabel Maria Zamora na irefer ang usapin sa House Committee on Ethics and Privileges at agad itong inaprubahan…
Read MoreSUSPENSYON NG VAT AT EXCISE TAX SA LANGIS DAPAT AUTOMATIC – SEN. ERWIN TULFO
SA gitna ng tensyon sa Gulf Region na inaasahang mag-uudyok ng pagtaas ng presyo ng langis, hinimok ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo na suspendihin na ang Value-Added Tax (VAT) at Excise Taxes sa langis. Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sersertipikahan niya bilang “urgent” ang isang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng pansamantalang kapangyarihan upang bawasan ang excise taxes sa mga produktong petrolyo. “Ang hakbang na ito ay nagtatakda ng malinaw na batayan para sa tulong, lalo na sa mga hindi…
Read MoreBALIGOD, ’18 MALETA SOLDIERS’, IBA PA KINASUHAN SA DOJ
DUMULOG sa Department of Justice (DOJ) si dating Senador Antonio Trillanes IV upang magsampa ng mga kasong kriminal laban sa ilang personalidad kaugnay ng umano’y gawa-gawang International Criminal Court (ICC) bribery scheme. Kabilang sa mga kinasuhan sina Atty. Levito Baligod, dating Cong. Mike Defensor, broadcaster Jay Sonza, dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, vlogger Cathy Binag, at labingwalong indibidwal na tinukoy na “ex-marines.” Ayon kay Trillanes, bahagi umano ito ng planong idawit siya sa isang pekeng bribery scandal na kinasasangkutan ng mga imbestigador ng ICC. Kabilang sa mga kasong isinampa laban…
Read More