MAGSASAMPA ng magkakahiwalay na reklamo sa Professional Regulation Commission (PRC) ang grupo ng mga doktor at medical experts laban kay Dr. Anthony “Tony” Leachon kaugnay ng umano’y hindi etikal na mga pahayag nito laban sa kapwa medical professionals. Sa isang press conference, nagpahayag ng pagkabahala sina House Deputy Speaker Janette Garin, dating Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Kenneth Hartigan-Go, dating Research Institute for Tropical Medicine Director Dr. Socorro Lupisan, dating Food and Drug Administration (FDA) Director General Maria Lourdes Santiago, at dating Philippine Children’s Medical Center Executive Director Dr.…
Read MoreCategory: METRO
P2.75 TRILYONG PINSALA NG KORUPSYON, BABALA SA EKONOMIYA
NAGBABALA si dating Bangsamoro Transition Authority–Member of Parliament Jamel “James” D. Macaraya na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa ekonomiya at tiwala ng publiko sa pamahalaan ang lumalalim na krisis pampulitika sa bansa. Sa kanyang pahayag noong Oktubre 23, 2026, binatikos ni Macaraya ang umano’y pamumulitika laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio at sa pamilya Duterte, gayundin ang sinasabi niyang piling pagpapatupad ng hustisya laban sa mga kalabang pulitikal. Kinuwestiyon din niya ang mga alegasyon ng korupsyon sa Kongreso at ang pamamahalang aniya’y nakasentro sa mga pangalan ng programa sa…
Read MoreUmano’y nagkakanlong kay Dela Rosa TEODORO DUDA SA ‘1OK ARMADO’ NI REMULLA
DUDA si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pahayag na may armadong grupo na umaabot sa 10,000 tauhan ang kumakanlong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Ayon kay Teodoro, maaaring naalis sa konteksto ang naunang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla. “Hindi, hindi, palagay ko taken out of context naman yung statement ni Secretary Remulla,” ani Teodoro. Dagdag niya, hindi kailangang umabot sa ganoong kalaking bilang ang isang armadong grupo upang makapagdulot ng kaguluhan at pinsala. “Palagay ko yung statement niya is na maraming…
Read MoreNAKALILITONG “BILL DEPOSIT” SA KURYENTE PINUNA NI ERWIN TULFO; NANAWAGAN NG MAKATAONG SINGIL
HINDI makatarungan para sa mga Pilipinong konsyumer na wala man lang silang kamalay-malay, lumobo na pala ang singil sa kanila sa kuryente. Ito ang naging pahayag ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Erwin Tulfo bilang pagtugon sa sunod-sunod na reklamo ng mga konsyumer na nabigla sa pagtaas ng kanilang bayarin sa kuryente dahil sa bill deposit. “Malinaw sa reaksyon ng ating mga kababayan na sila nabigla at tila naisahan sila sa pagtaas-singil na ito. Ang pagbabayad ng kuryente ay parte na ng buwanang gastusin, kaya kapag may ganitong mga…
Read MoreMAS TRANSPARENT NA DELIBERASYON SA 2027 BUDGET, IGINIIT
ISINUSULONG ni Senador Panfilo Lacson na gawing mas malawak ang transparency sa pagtalakay sa panukalang 2027 national budget. Sinabi ni Lacson na dapat tuloy-tuloy ang streaming kahit nakasuspinde ang deliberasyon partikular na sa bicameral conference committee o bicam. Kasabay nito, nanawagan din si Lacson na bawasan ang mga suspensyon sa deliberasyon ng bicam, dahil maaari itong magbigay ng pagkakataon sa mga mambabatas na mag-usap nang palihim, malayo sa abot ng mga camera. “Sa bicam naman, panay suspend. Pag suspend, bulungan sa isang corner, hindi covered ng media. So I’d like…
Read MoreKORTE SUPREMA, NAGDAOS NG “LUNCH WITH THE CHIEF” PARA KAY GESMUNDO
NAGDAOS ang Korte Suprema ng “Lunch with the Chief” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan at nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, 2026. Kabilang sa mga panauhin ang mga reporter at cameraman mula sa iba’t ibang media outlet na nagkober sa mga aktibidad ni Gesmundo sa loob ng ilang taon niyang panunungkulan sa hudikatura. Naghanda ng pananghalian ang mga kawani ng Public Information Office (PIO), sa pangunguna ni Chief at Spokesperson Atty. Camille Ting, para sa mga mamamahayag na dumalo sa pagtitipon sa Diamond Hotel…
Read MoreLEONEN, SINURI KUNG DAPAT BAR EXAMS ANG PANGUNAHING BATAYAN SA PAGIGING ABOGADO
ISINULONG ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, isa sa mga kandidato sa pagka-Chief Justice, ang masusing pag-aaral kung dapat manatiling pangunahing batayan ang Bar Examinations sa pagtukoy kung kuwalipikadong maging abogado sa bansa. Bahagi ang panayam sa proseso ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pagpili ng susunod na punong mahistrado na papalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo. Ayon kay Leonen, labis ang cultural pressure na kaakibat ng Bar Examinations. Bilang dating propesor ng University of the Philippines College of Law, iginiit din niya na dapat iayon ang…
Read MoreUNPROGRAMMED FUNDS, LEGAL – SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang konstitusyonalidad ng unprogrammed appropriations o standby funds ng gobyerno, ngunit nagtakda ito ng mahigpit na limitasyon sa paggamit ng naturang pondo. Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng SC na maaaring gamitin ang unprogrammed funds para sa mga hindi inaasahang pangangailangan ng gobyerno, basta’t sumusunod sa Konstitusyon. Maaari lamang ilabas ang mga pondong ito kapag may karagdagang kita ang gobyerno o naaprubahang pautang para sa mga proyekto. Gayunman, idineklara ng SC na labag sa Konstitusyon ang P449.5 bilyong idinagdag ng…
Read MoreBilang paghahanda sa Undas SPECIAL PERMIT PARA SA 1,131 BUS INAPRUBAHAN NG LTFRB
INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga special permit para sa 1,131 pampasaherong bus upang matiyak ang sapat na transportasyon sa inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong Undas 2026. Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang sapat na pampublikong transportasyon sa panahon ng Undas, sa ilalim ng gabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez. Ayon kay LTFRB Acting Chairman Atty. Greg G. Pua Jr., ang 1,131 bus na nabigyan ng pahintulot ay bahagi ng…
Read More