MARIING nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito pababayaan o iiwan ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, kasunod ng pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila na may umano’y kasunduan para alisin ng Pilipinas ang barko sa naturang lugar. Ayon kay AFP spokesperson for West Philippine Sea Ret. Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, walang umiiral na kasunduan na nag-uutos sa Pilipinas na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. “The AFP rejects the recent statement from the Chinese Embassy in Manila attempting to rewrite history…
Read MoreCategory: METRO
DA, PINAIGTING PAGTUGIS SA PEKENG FARM INPUTS
PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya laban sa mga peke, hindi rehistrado, adulterated at ilegal na ginawang agricultural inputs sa buong bansa. Kasunod ito ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na higpitan ang market surveillance at pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga ilegal na farm inputs. Ayon sa DA, isinagawa kamakailan ng FPA, Police Provincial Office at mga tauhan ng Talavera at Rizal Police ang operasyon sa isang pasilidad kung saan natagpuan ang daan-daang sako ng fertilizer…
Read MoreRIDON IGINIIT NA EBIDENSYA HINDI PULITIKA MAGPAPASYA SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA
IGINIIT ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na ebidensya, at hindi pulitika, ang dapat maging batayan sa magiging desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang tugon ni Ridon, miyembro ng House Prosecution Panel, sa pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong “predetermined narrative” o nakatakda nang hatol sa impeachment trial ng bise presidente. “I don’t think it is accurate to even say na meron pong predetermined narrative. I think what is clear is, meron pong kanya-kanyang kuwento, meron pong kanyang paglalahad noong…
Read More6 MOST WANTED, 155 BARIL HULI SA PNP SACLEO
ANIM na kabilang sa Most Wanted Persons (MWPs) ang nadakip, habang 155 iba’t ibang uri ng baril ang nasamsam sa tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa Ilocos Region. Ayon kay Police Regional Office 1 Director Brig. Gen. Jovencio S. Badua Jr., isinagawa ang operasyon mula Agosto 17 hanggang 19, 2026 sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. Sa kabuuang 155 baril na nasamsam, apat ang nakuha sa target operations. Samantala, 42 wanted persons…
Read MoreBAM AQUINO SA FLOOD CONTROL: DAPAT TOTOO TULAD SA MARIKINA AT NAVOTAS
NANINIWALA si Senador Bam Aquino na dapat pondohan ang mga totoong flood control project katulad ng sa Marikina City at Navotas City. Sa panayam ni Karen Davila sa programang Headstart, sinabi ni Aquino na sa budget hearing, bubusisiing maigi ng Senado kung magagamit ba sa tama ang mahigit P100 bilyon na unprogrammed funds sa 2027 national budget na posibleng mapunta sa flood control projects. “Ang mangyayari diyan, itong P100 billion na iyan, aaralin namin. Anong mga lugar iyan? What are these projects?” giit ni Aquino, sa pagsasabing dapat de-kalidad ang…
Read MoreKARAGDAGANG 13 PUMPING STATIONS ITATAYO SA METRO MANILA
MAGTATAYO ang gobyerno ng 13 karagdagang pumping stations sa Metro Manila bilang paghahanda sa epekto ng climate change at inaasahang pagtaas ng volume ng ulan sa bansa. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., target na matapos ang karamihan sa mga pumping station bago matapos ang taon o sa pagsisimula ng susunod na taon. “Most of them should be in place already,” bahagi ng pahayag ng Pangulo matapos pangunahan ang inspeksyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Barangay 190, Baclaran 1-11, Pasay City, nitong Huwebes, Agosto 20. Sinabi ni Marcos…
Read MoreONLINE TROLLS KAKASUHAN NI REP. CENDAÑA SA PAMBABASTOS SA KANYANG KAPANSANAN
NAGBABALA ng legal na hakbang si Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña laban sa mga online troll at basher na patuloy umanong umaatake sa kanyang kalagayan at kapansanan. Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na hindi na niya palalampasin ang pambabastos ng ilang online pages, influencers at indibidwal na ginagawang katatawanan ang kanyang pagiging stroke survivor. Inihayag ni Cendaña na sanay siya sa araw-araw na kritisismo bilang isang pampublikong opisyal, ngunit sumobra na umano ang mga pag-atake sa kanya online at offline. “Ilang taon ko nang pinapalagpas ang araw-araw na paninira…
Read MoreAMERIKANONG WANTED SA ASSAULT SA U.S., ARESTADO SA DAVAO
ARESTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikanong wanted sa Estados Unidos dahil sa umano’y mga kaso ng assault. Dinakip ng BI Fugitive Search Unit (FSU), katuwang ang pamahalaan ng Estados Unidos, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 11, Police Station 18 ng Davao City Police Office at iba pang intelligence units, si James Charles Davis, 53, sa isang condominium unit sa J.P. Laurel Avenue, Barangay 20-B Poblacion, Davao City. Isinagawa ang operasyon matapos humingi ng tulong ang gobyerno ng Estados Unidos sa BI kaugnay ng…
Read MoreVILLAR, SUPORTADO ENHANCED ANTI-HOSPITAL DETENTION BILL
BUONG suporta ang ipinahayag ni Senator Mark A. Villar sa pag-apruba ng Senado sa Senate Bill No. 1511 o ang panukalang Enhanced Anti-Hospital Detention Act, na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital at medical clinic na ilegal na pumipigil sa paglabas ng mga pasyente at kanilang mga kapamilya dahil sa hindi pa nababayarang hospital bills. Ayon kay Villar, hindi na dapat dagdagan pa ang paghihirap at kahihiyang dinaranas ng mga pamilyang humaharap sa mabigat na emosyonal at pinansiyal na epekto ng pagkakaospital. “Hindi dapat maging kulungan…
Read More