(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INAKUSAHAN ni Vice President Sara Duterte si House Speaker Martin Romualdez na pipiliting isulong ang Charter change upang maging presidente ito ng bansa. Sa press conference kamakalawa sa Bacolod City satellite office nito noong Lunes, sinabi ni VP Sara na kung hindi makakakuha ng popular vote si Romualdez, isusulong na lang nito ang Cha-cha at tatakbo ito bilang prime minister. Kasabay nito, itinanggi ni Duterte ang umano’y political plot na tinawag na “Save the Queen” para gawin siyang sunod na pangulo ng Pilipinas. Kaugnay ito sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Session cancelled – Quadcom KAMARA HAHARAPIN NA NI DIGONG
INANUNSYO kahapon ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo na pupunta ngayong araw (Miyerkoles) si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa upang komprontahin ang House quad committee ukol sa mga kontrobersyang ibinabato laban sa kanya. Sa ulat ng ABS-CBN, kinuwestiyon ni Panelo ang pagkansela ng quad comm sa pagdinig ngayong araw para ilipat sa Nobyembre 21, 2024 dakong 9:30 ng umaga. “Why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice?” ani Panelo. “He will ask them to…
Read MoreVILLAR TUTOL SA PAGTATAYO NG CONDO NG DHSUD
MARIING tinutulan ni Sen. Cynthia Villar ang mga plano ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng mga condominium bilang pangunahing solusyon sa backlog ng pabahay sa Pilipinas. Sa deliberasyon ng badyet ng DHSUD para sa 2025 nitong Martes, nangatwiran si Villar na ang mga condominium ay maaaring hindi isang abot-kayang opsyon para sa mga nasa bracket na mas mababa ang kita. “Bakit mo inuuna ang 3.2 million condominium units para sa middle class kung ang mandato mo ay tulungan ang mga mahihirap at walang tirahan?…
Read MoreGARMA PUMUSLIT PA-US, ARESTADO KASAMA ANAK
HINDI pa man nag-iinit ang mga paa sa lupain ni Uncle Sam sa Amerika, nasakote na ang mag-inang Garma na palihim umanong lumabas ng Pilipinas kamakailan. Dahil dito, minamadali na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapabalik sa bansa kina dating PCSO Chairman at Police Colonel Royina Garma at anak nitong si Angelica Garma Vilela na naaresto ng mga otoridad sa San Francisco, California nitong November 7, 2024. Kasunod ito ng report ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa mga kamay…
Read MoreBBM ADMIN DEDMA SA OIL PRICE HIKE
BAGAMA’T lalong nababaon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino sa oil price hikes, mistulang dedma o walang pakialam dito ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list rep. Carlos Zarate na tila walang pakialam ang administrasyon sa panibagong oil price hike kung saan aabot sa halos dalawang piso ang itataas ng mga produktong petrolyo. “This continuing oil price spiral is unacceptable and will further push our people deeper into economic hardship. While oil companies continue to rake in massive profits, ordinary Filipinos bear the…
Read MorePOGO ‘DI KAYANG BURAHIN NG EO 74 NI MARCOS JR.
(BERNARD TAGUINOD) HINDI tuluyang mawawala ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 74 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hangga’t walang batas na tuluyang magbabawal dito. Bagama’t ikinatuwa ni CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva ang inilabas ni EO ni Marcos, iginiit nito na kailangang bigyang prayoridad ang pagpapatibay sa Anti-POGO Act kung nais ng Pangulo na tuluyang mawala ang nasabing sugal sa bansa na pinatatakbo ng mga Chinese nationals. “..the fight against gambling and its ill effects is not yet over. Arm, and will invite…
Read MorePOLITICAL ANALYST KAY REP. QUIMBO: NASAAN P3.3-B PANG-AYUDA AT INFRA PROJECTS?
KINUWESTYON ng isang political analyst kung saan dinala ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ang natanggap umanong kabuuang P3.3 bilyon pondo para sa imprastruktura at ayuda. Sa pamamagitan ng social media platform X, ibinunyag ni Malou Tiquia na nakakuha si Quimbo ng P300 milyon budget para sa ayuda at P3 bilyong pondo para sa infrastructure projects. Sa post ni Tiquia, nagtataka umano siya kung bakit nabigyan ng P300 milyong pondo na pang-ayuda si Quimbo gayong mayroon lang 260,749 botante ang Marikina City. Ayon pa kay Tiquia, napakalaki ng…
Read MoreNagdeklara ng savings kahit kapos sa serbisyo LEDESMA PINASISIPA SA PHILHEALTH
IGINIIT ni Senador JV Ejercito na napapanahon nang palitan ng pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at balasahin ang mga opisyal nito. Sa gitna ito ng pag-amin ng senador na labis ang kanyang pagkadismaya sa ahensya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang maramdaman ng taumbayan ang benepisyo ng Universal Health Care Law na limang taon nang ipinatutupad. Kasabay nito, kinumpirma ni Ejercito na nagpaalam na siya kay Senador Pia Cayetano, ang vice chairman ng Senate Finance committee na magdidepensa sa panukalang budget ng Department of Health…
Read MoreLUMOLOBONG UTANG NG GOBYERNO NAKABABAHALA
(DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senate Minority Leader Koko Pimentel na nababahala na siya sa lumolobong utang ng bansa. Subalit sa kabila anya nito ay hindi nakikitaan ng pag-aalala ang economic managers at naggiit na kayang-kayang bayaran ng bansa ang utang na umaabot na sa P15.18 trillion. Binigyang-diin ni Pimentel na ang nangyayari kada taon ay sobra-sobra ang inilalaang pondo para sa gastusin kumpara sa inaasahang papasok na kita. “Nakakatakot para sa akin kasi kada piso, o let say kada P100 na kita ng gobyerno, siguro P15 to P20 ang binabayad…
Read More