BARZAGA: DIVORCE NA PARA MAKA-MOVE ON

INIHAIN ng kontrobersyal na si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang House Bill 4945 o “Absolute Divorce Act of 2025” na layong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga Pinoy na bigo sa unang pag-ibig. Sa panukala ni Barzaga, pwedeng makipaghiwalay nang legal ang mag-asawa at makapag-asawa muli, lalo na kung ang pagsasama ay wasak na dahil sa pang-aabuso, kawalan ng suporta, pagtataksil, karahasan, o matinding misconduct. Aniya, bagama’t may annulment at legal separation, sobrang mahal at mabagal ang prosesong ito kaya’t hindi ito abot-kamay ng mahihirap na biktima…

Read More

DIREKTANG PAGMAMAY-ARI AT KONTROL SA MGA KUMPANYANG LUMAHOK SA MGA PROYEKTO SA DPWH ITINANGGI NI VILLAR

TINIYAK ni Senador Mark Villar na wala siyang direkta o kahit hindi direktang pagmamay-ari at kontrol sa anomang kumpanya na lumahok sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong siya ang kalihim ng ahensya mula 2016 hanggang 2021. Sinabi ni Villar na nais niyang ituwid ang lahat ng mga impormasyon kasabay ng pagtiyak na suportado niya ang pagsusulong ng transparency at good governance. Dahil dito anya ay handa siyang makipagtulungan sa anomang imbestigasyon sa bawat isyu dahil wala naman siyang itinatago at naniniwala siya sa accountability…

Read More

PAGKWESTYON NI ESCUDERO SA MAS MATAAS NA PONDO SA FLOOD WORKS KAYSA AGRI, PINATOTOHANAN NG DA SEC

PINATOTOHANAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang pagkwestyon ni Senador Chiz Escudero sa mas mataas na pondo para sa flood control projects kaysa sa sektor ng agrikultura sa nakalipas na taon. Sa 47th ASEAN Ministers of Agriculture and Forestry Summit sa Pasay City nitong Miyerkules, sinabi ni Laurel na malaking tulong ang naging paninindigan ni Escudero upang madagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA). Matatandaang sa plenaryo ng Senado nitong Lunes, binatikos ni Escudero ang mas mataas na flood control budget kaysa agrikultura. “Taong 2023, nang italaga si…

Read More

SEN. RAFFY TULFO PINITIK NI ‘CONGMEOW’ SA P6-M GASTOS NG ANAK SA LAS VEGAS

HINDI nakaligtas si Senador Raffy Tulfo sa banat ni Cavite 4th District Rep. Francis “Kiko” Barzaga matapos magpanukala ang senador ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno, kasunod ng lumabas na isyu kaugnay ng magarbong paggastos ng anak nito sa Las Vegas. “Gusto mo ng lifestyle check sa mga politiko pero hindi mo kayang unahin ang anak mo sa Kongreso?” tanong ni Barzaga, na tumukoy kay Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo. Giit pa ng kongresista, kung totoong seryoso si Tulfo sa paglilinis sa pamahalaan, dapat magsimula…

Read More

Pondo sa ghost projects galing sa ‘pork’ MARCOS ISAMA SA ICI INVESTIGATION – SOLON

IGINIIT ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na dapat isama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iniimbestigahan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Tinio, mula sa lump sum at unprogrammed appropriations o tinatawag niyang “presidential pork” nanggaling ang pondo ng mga proyekto na ngayon ay iniimbestigahan, kabilang ang mga substandard at ghost projects. Ibinulgar ng kongresista na mula 2023 hanggang 2024, aabot sa 3,700 proyekto na nagkakahalaga ng P214 bilyon ang inaprubahan mismo ng Pangulo. Kabilang dito ang…

Read More

UTANG NG PILIPINAS BUMABA NITONG AGOSTO

BUMABA ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury, matapos mabayaran ng gobyerno ang pinakamalaking local bond ng taon at dahil na rin sa paglakas ng piso. Naitala ang sovereign debt sa P17.47 trilyon, mas mababa ng P95.07 bilyon kumpara sa P17.563 trilyon noong Hulyo. Ayon sa Treasury, ang pagbaba ay dulot ng full repayment ng P516.34 bilyong local bond at pagbaba ng halaga ng external debt sa dolyar. Naitala rin na bumaba ang domestic debt sa P12.09 trilyon (down P21.39 bilyon), habang ang foreign…

Read More

64 iniulat na nasawi 6.9 MAGNITUDE QUAKE YUMANIG SA CEBU

NAKAPAGTALA na ng mahigit 60 nasawi sa pagtama ng magnitude 6.9 earthquake sa Bogo City, Cebu, Martes ng alas-9:59 ng gabi, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Agad namang inatasan ni Acting PNP Chief PLTGen Jose Melencio Nartatez Jr., ang PRO-7 na i-activate ang Disaster Incident Management Task Group. Kabilang sa mandato ng task group ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), accounting ng lahat ng tauhan at kagamitan, at pagtutok sa search, rescue, at relief operations. Sa inisyal na ulat, ang pagyanig ay nagdulot ng sunog sa…

Read More

Hindi lang si Romualdez SANDRO ‘MASTERMIND’ DIN SA FLOOD CONTROL – BARZAGA

MISTULANG hindi kuntento si Dasmariñas City Rep. Francis “Kiko” Barzaga sa privilege speech ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil tanging si dating House Speaker Martin Romualdez ang tinukoy nito sa flood control projects. Sa kanyang social media post, iginiit ni Barzaga na kasama rin si presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos sa umano’y “mastermind” ng flood control scam. “Chiz Escudero got one thing wrong, Martin Romualdez is not the only mastermind behind flood control, there is also Sandro Marcos,” ani Barzaga. Kilala si Barzaga, na tinaguriang “Congressmeow” sa…

Read More

BARZAGA SINIPA BILANG AFP RESERVE

KINUMPIRMA kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inirekomenda na ang pagtanggal kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa talaan ng kanilang Reserve Force. Ayon kay Philippine Army Public Affairs Office chief Col. Louie Dema-ala, lumabas sa masusi at impartial na imbestigasyon ng Army-NCR Regional Community Defense Group (NCRRCDG) na may basehan ang rekomendasyon para sa “delisting” ni Barzaga. Batay sa ulat, si Barzaga ay lumabag umano sa General Headquarters (GHQ) Standard Operating Procedure No. 07 matapos maglabas ng mga pahayag sa social media na tila nagsasaad na…

Read More