IGINIIT ng mga grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubahan ang karagdagang ₱1 provisional na dagdag sa pamasahe para sa unang apat na kilometro ng biyahe sa mga pampasaherong jeep. Layunin ng panawagang ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, piyesa, at iba pang gastusin sa maintenance. Ayon kay Ramon Guevarra, Pangulo ng Jaen Nueva Ecija Transport Corporation, kinakailangan na ang dagdag-pamasahe dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga piyesa, baterya, gulong, at iba pang kagamitan…
Read MoreCategory: NASYUNAL
MGA DISCAYA MAY GUSTONG ISALBA?
NANINIWALA si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng may “malalaking taong” pinoprotektahan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos tanggihan ang panawagan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na maglabas ng lahat ng impormasyon kaugnay sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno. Sa panayam nitong Miyerkoles, Oktubre 15, sinabi ni Remulla na halatang nagpipigil ang mag-asawa sa pagsisiwalat ng buong katotohanan. “They were not in a tell-all mood… They wanted to spare a lot of people and just choose what they wanted to say,” pahayag ni Remulla. Ayon sa Ombudsman,…
Read MoreIBA’T IBANG AHENSYA PINAGKOKOMENTO NG SC SA WRIT OF KALIKASAN PETITION NG MGA ABOGADO, ENVIRONMENTALIST
PINAGKOKOMENTO ng Korte Suprema sa loob ng 10 araw ang mga ahensya na inirereklamo sa writ of kalikasan petition na inihain ng ilang environmental groups noong Setyembre. Sa utos ng SC, inatasan ang mga respondent na magsumite ng kani-kanilang verified return o pormal na sagot sa petisyon. Kabilang sa mga pinadalhan ng kautusan ang Office of the President, Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating House Speaker Martin Romualdez para sa Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department…
Read MorePBBM PARANOID, INSECURE – VP SARA
TINAWAG na “paranoid” ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos umano siyang paulit-ulit na atakehin ng administrasyon kahit wala naman siyang ginagawang masama. Sa isang press conference sa Kamuning Bakery bilang panauhing pandangal sa World Pandesal Day, sinabi ni Duterte na tila sobra ang pagtingin sa kanya ng kampo ng Pangulo. “Kahit saan ako magpunta, tinatanong kung ilan ang kasama ko. Kapag may opisyal ng gobyerno na bumisita sa akin, agad sinasabi — ‘bakit, ano’ng ginagawa niyan kay Inday Sara?’” aniya. Ayon pa kay Duterte,…
Read MoreDIZON, ILANG APPOINTEES SA DPWH MAY KONEKSYON SA CONTRACTORS?
ISINIWALAT ni Batangas Rep. Leandro Leviste Legarda na posibleng may koneksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at ilan sa kanyang appointees sa mga kontraktor ng mga proyekto ng ahensya. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Legarda na galing mismo sa kanyang mga kapwa kongresista ang impormasyon, kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control anomalies kung saan maraming mambabatas ang nadadamay. “I heard that Secretary Dizon and his team have connections with contractors. In the interest of transparency, they should disclose all of…
Read More71% NG PINOY UMAASANG MAY MAKUKULONG SA MGA SANGKOT SA FC SCANDAL
NASA tatlo ng apat na bahagi ng populasyon o 71 percent ng mga Pinoy ang umaasang may maparurusahan at makukulong sa hanay ng mga korap na politiko at kanilang mga kasabwat sa multi billion flood control corruption scandal, ayon sa inilabas na pag-aaral ng Pulse Asia kahapon. Sa nasabing pag-aaral, halos lahat ng mga Pilipino o 90 porsyento ang naniniwala na may sabwatan sa pagitan ng executive officials, mga mambabatas at mga pribadong contractors sa usapin ng multibillion-peso flood control anomaly. Base rin sa isinagawang survey ng Pulse Asia, halos…
Read MorePara pagtakpan si Marcos – Chavit FLOOD CONTROL ANOMALY PROBE ‘BINABABOY’ NG GOBYERNO
NILILIHIS at binababoy ng gobyerno ang imbestigasyon sa multi-billion peso flood control anomaly upang pagtakpan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito ang maanghang na pinakawalan ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa isang talakayan sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City nitong Lunes. Diretsahang sinabi ni Singson na walang patutunguhan ang bagong likhang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil ito raw ay “peke at diversionary tactic” lamang upang iligaw ang publiko at mailayo ang isyu sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa korupsyon. “Walang mangyayari. Bakit…
Read MoreRomualdez bilang state witness BIGGEST JOKE OF THE CENTURY – PULONG DUTERTE
(BERNARD TAGUINOD) “BIGGEST joke of the century.” Ganito binansagan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang kumakalat na balitang posibleng maging state witness si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects ng gobyerno. Bago pa man humarap si Romualdez sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kahapon, lumabas ang impormasyon na nagsasabing mula umano sa Leyte — kung saan kongresista ang dating Speaker — ang ikinokonsiderang state witness, batay sa pahayag daw ni Ombudsman Boying Remulla. Agad naman itong pinabulaanan ng tanggapan ni Remulla,…
Read MoreMANILA HEALTH DEPARTMENT NAGSAGAWA NG QUAKE DRILL
BILANG paghahanda sa “The Big One”, nagkasa ng earthquake drill ang Manila Health Department (MHD) nitong Miyerkoles. Kasunod ito sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na magsagawa ng sabayang earthquake drill sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila. Maingat na lumikas mula sa kanilang opisina ang mga empleyado palabas ng gusali at nanatili sa open space. Ayon sa MHD, layon ng pagsasanay na matiyak na masusunod ang emergency protocol at magkatugon nang tama ang mga empleyado sa paglikas kung sakaling biglang lumindol. (JOCELYN DOMENDEN) 73
Read More