24/7 HEALTH CLINIC SA BUONG BANSA DAPAT MAIPATUPAD

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAIS ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng 24/7 health clinic sa bawat barangay para makatulong at hindi na dumagsa ang mga pasyente sa mga pampublikong pagamutan, dahil agad na malalapatan ng lunas ang mga karamdaman sa mismong komunidad. Ayon sa Senador, napapanahon nang bigyang-pansin ng Kongreso ang kanyang inihain na Senate Bill No. 421 o ang Health Centers in All Barangays Act, na naglalayong magpatayo ng kumpleto at maayos na primary health care centers sa lahat ng mga barangay sa bansa…

Read More

ANG KAPAL NG MUKHA SA KAPITOLYO

BISTADOR ni RUDY SIM SA mundong ito, may mga taong makakapal ang mukha, at mayroon namang mga taong next level ang kakapalan. Medyo beterano na din tayo sa mga galawan sa Pilipinas, at sanay na ako sa mga palusot ng mga politiko. Pero ang nangyayari ngayon sa Albay? Ibang klase itong “legal acrobatics” na ito. Isipin ninyo: Mayroon nang hatol na dismissal ang Ombudsman noong 2024 laban kay Governor Noel Rosal. Hindi suspensyon, hindi reprimand, kundi sibak sa pwesto. Pero heto siya, nakaupo pa rin bilang gobernador, na tila ba…

Read More

PROTEKSYON AT SUPORTA SA MGA GURO, BATAS NA DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN – FRESNEDI

TARGET ni KA REX CAYANONG MATAGAL nang kinikilala ang mga guro bilang haligi ng edukasyon. Ngunit sa reyalidad ng silid-aralan, sila ay madalas na kulang sa proteksyon at malinaw na gabay sa usapin ng disiplina at classroom management. Kaya mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang kanilang seguridad at awtoridad sa loob ng paaralan. Ang pagsusulong ng House Bill No. 508 na inisponsor ni Cong. Jimmy Fresnedi ay naglalayong maglatag ng malinaw na mekanismo ng suporta at proteksyon para sa public school teachers. Sa panahon…

Read More

HINA-HARASS NG ANAK NG AMO, OFW NAGPAPASAKLOLO

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HUMIHINGI ng agarang tulong ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Thelma Bibat, kasalukuyang nagtatrabaho sa Jeddah–Taif, Saudi Arabia, matapos umanong makaranas ng pangmomolestiya at pananakot mula sa anak ng kanyang amo. Ayon sa salaysay ni Thelma, siya ay kasalukuyang naka-deploy sa pamamagitan ng Network Management Resources Corporation bilang local agency sa Pilipinas, at Golden Excellence Agency Recruiting bilang Foreign Recruitment Agency (FRA) na matatagpuan sa Alqamarih, Taif, Saudi Arabia, partikular sa Al Mashouri Building. Ang insidente umano ay naganap habang siya…

Read More

PRO-PHILIPPINES VS. PRO-DUTERTE

RAPIDO ni PATRICK TULFO MULING nalagay sa kontrobersya si Sen. Rodante Marcoleta nang magkomento ito hinggil sa Kalayaan Island Group (KIG). Tila iminungkahi kasi ng senador kamakailan sa isang pagdinig kasama ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na para mas mapadali ang usapan at matapos na ang gulo sa pagitan ng bansa at ng China ay ibigay na lang ang KIG. Kaysa umano isakripisyo ang buhay ng mga naiipit sa nasabing girian, mas mapadadali raw ang usapan kapag ibigay na lang sa China ang gusto nila.…

Read More

#7: “HUWAG KANG MAGNAKAW”

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI NATUPAD na ang inaasahan. Ibinasura ng Kongreso ang dalawang impeachment complaints laban kay PBBM. Rejected ang reklamo sa House Committee on Justice at tinatakan itong “insufficient in substance”. Ibig sabihin, madramang ek-ek lang pero walang sapat na basehan. Taliwas naman ito sa magigiging kapalaran ng tatlong impeachment complaints na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Inaasahan na ang gagawing pagtanggap dito ng Kongreso at mabilis na idudulog ito sa Senado na siyang aaktong hukuman na maghahatol kung sisibakin ba o mananatili ang…

Read More

EXPOSE NG RUSSIAN VLOGGER ‘DI KAGULAT-GULAT

DPA ni BERNARD TAGUINOD WALANG Pilipino ang nagulat sa rebelasyon ni Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy ukol sa corruption sa kulungan ng Pilipinas na kanyang personal na naranasan habang siya ay nakakulong dahil sa pagiging undesirable alien. Magugulat lang ang mga tao kapag sinabi ni Zdorovetskiy na walang corruption siyang naranasan dahil isang himala ‘yun kaya hindi na malaking isyu ang kanyang sinabi na nagbayad siya kaya nakapag-record siya sa loob ng kulungan. Matagal nang alam ng mga Pilipino ang katiwalian sa kulungan kasama na ang pinatatakbo ng Bureau of Immigration…

Read More

IMPEACHMENT VS VP SARA DUTERTE PULITIKA ANG DAHILAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO OBYUS na pulitika ang dahilan kaya nais ipa-impeachment ng dalawang grupo si Vice President Inday Sara Duterte at pigilan ito na makatakbo sa 2028 Presidential Election. Kabilang sa mga grupo na nais patalsikin si VP Duterte ay sina Rep. Antonio Tinio, Liza Masa, Leila De Lima, Antonio Trillanes, Kiko Aquino Dy, ang apo ni dating Pangulong Cory Aquino. Naniniwala ang mga Pilipino na ang layunin ng dalawang grupo sa kanilang paghahain ng impeachment laban kay VP Duterte ay para palakasin ang kanilang grupo at pahinain…

Read More

DIPLOMASYA SA USAPIN NG WPS

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA aking pananaw, mas makabubuti sa ating bansa na maging kaibigan natin ang China dahil kapitbahay natin sila. Bukod sa kapitbahay natin sila ay isa ring maituturing na malaking business partner ng Pilipinas ang China dahil sa rami ng kanilang mga produkto na pumapasok sa ating bansa. Hindi rin madamot ang China sa Pilipinas, sa katunayan kamakailan lamang ay pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ang Bukana Bridge sa Davao City na ibinigay lamang at walang babayaran ang gobyerno ng Pilipinas sa China. Minsan,…

Read More