SERBISYONG RAMDAM: MAYOR RIDA ROBES, KAAGAPAY SA PAG-UNLAD NG MGA SAN JOSEÑO

TARGET ni KA REX CAYANONG MALAKING tulong sa mga pamilyang San Joseño ang pagsisimula ng Bawat Bayan Makikinabang Rice Distribution Program sa Lungsod ng San Jose del Monte. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa araw-araw, ang libreng bigas ay dagdag-ginhawa sa mga pamilyang kailangang pagkasyahin ang kanilang kita. Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Rida Robes, sinimulan ang programa noong Oktubre 8 sa pamamagitan ng ceremonial turnover sa Northridge Executive Covered Court sa Barangay Sto. Cristo. Sinundan ito ng pamamahagi sa Muzon South…

Read More

SA MGA REKLAMO LABAN KAY VP SARA, MUKHANG SA ARTICLE 2 SIYA MADIDIIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO SA apat na Articles of Impeachment na kinahaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte sa gumugulong na impeachment trial laban sa kanya, tila pinakamabigat ang Article 2 o ang mga alegasyon ng unexplained wealth, undeclared bank accounts at false o unrevealed entries sa Statement of Assets, Net Worth and Liabilities o SALN nito. Kung pagbabasehan ang mga narinig na testimonya mula sa AMLAC (Anti-Money Laundering Council) at mga opisyales ng mga banko, kung saan mayroon existing at closed accounts ang mag-asawang Sara Duterte at Atty. Mans…

Read More

May pag-asa pa ba na mapatino ang Customs?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa mundong ito, may mga malinis pa ba? Meron bang isa riyan na maaaring umangkin at ipagmalaki sa mundo: Wala akong dungis. Wala akong dumi sa mukha. Maaalaala natin ang sinasabi ng ating matatanda: Humarap na muna tayo sa salamin at tingnan baka tayo ay may dungis sa mukha o may muta sa mga mata, bago natin sabihan o kutyain ang ating kapwa na siya ay may dungis at puno ng muta. Nasasabi ito ng inyong abang lingkod pagkat marami sa ating mga kapatid…

Read More

PASS AWAY

HOPE ni GUILLER VALENCIA JESUS says, “Heaven and earth will pass away, but My words will never pass away,” (Luke 21:33). This statement of our Lord Jesus is in accordance with fact or reality. In real world, ito’y isang katotohanan na ilang sibilisasyon, ekonomiya, kaharian at mga tagumpay ng tao ay naglaho at ‘di nagtagal. But the word of God still exists. Prophet Isaiah stated this, “The grass wither and the flowers fall, but the word of God stands forever,” (Isaiah 40:8). Bilang Christian or believers at least tayo ay…

Read More

MAGKASOSYO SA SUGAL NA LOTENG SINA MARIANO, BB AT AA (2)

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pagkakaunawaan sa kita sa sugal na loteng ang dahilan ng pagpapatumba kina Perry Mariano at Norberto Orimaco ng isang ama ng politician na nakilala lamang sa alyas na “AA”, sa malaking siyudad sa Metro Manila kamakailan. Nagtalo sina AA, Mariano ang isa pang kasosyo nilang nakilala naman sa pangalang “BB”, kaugnay sa sharing ng kanilang kita sa loteng sa nabanggit na siyudad. Humirit umano sina AA at BB kay Mariano na dagdagan ang komisyon subalit hindi pumayag ang huli. Mas gugustuhin na lamang na…

Read More

QUO VADIS, PING LACSON?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KILALA si Sen. Panfilo “Ping” Lacson bilang mambabatas na mahigpit sa ebidensiya, dokumento at pananagutan. Sa kanyang mga imbestigasyon, paulit-ulit niyang ipinapakita na ang akusasyon ay dapat sundan ng resibo at ang mga alegasyon ay kailangang patunayan. Dahil dito, makatarungan lamang na gamitin din ang parehong pamantayan kapag sinusuri ang kanyang mga pahayag at akusasyon. Muling naging sentro ng usapan si Lacson matapos niyang ilabas ang video ng joint inspection ng Office of the Ombudsman, Philippine Reclamation Authority (PRA), Land Registration Authority (LRA) at Department of…

Read More

ISANG KWENTO, NAPAKARAMING PANGALAN

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA totoo lang, habang sinusundan ko ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw, napaiisip ako kung paano biglang dumami ang mga taong kasama sa kuwentong nagsimula kay Patrick Garcia. Nagsimula ito sa mga sinabi ni Patrick tungkol sa nakaraan nila ni Jennylyn Mercado. May mga bagay siyang inilabas at may mga pahayag siyang ginawa tungkol sa kanilang naging relasyon at sa kanilang anak. Natural lang na pag-usapan iyon. Pero habang tumatagal, parang hindi na iyon ang pinag-uusapan ng karamihan. Mula kina Patrick at Jennylyn,…

Read More

EBIDENSYA, ‘DI TURO-TURO: PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN SA GITNA NG SERYOSONG AKUSASYON

TAMBULI ni JESSE RUIZ SAGANANG-SAGANA ngayon ang mga Facebook political analyst maging ang mga marites sa lansangan sa mala-palengkeng banggaan ni Vice President Sara Duterte at ang kanyang ka-peso o ka-match, ang tagapagsalita ng Malacañang na si Atty. Claire Castro. Tila wala na tayong matatanaw pang ceasefire sa nagaganap na word war sa pagitan ng Malacañang at tanggapan ni VP Sara dahil habang tumatagal ay tumitindi ang kanilang balitaktakan. Sa gitna ng umiinit na palitan ng pahayag sa pagitan ng Malacañang at ng Tanggapan ng Bise Presidente, unti-unting nalulunod ang…

Read More

STAFF NI SEN. JINGGOY DAPAT MAKASUHAN

RAPIDO NI TULFO MAAARING makasuhan ng civil, administrative at criminal cases ang mga tauhan ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa ginawa ng mga itong pagbabaklas ng lahat ng mga gamit sa opisina nito sa ikaanim na palapag ng Senado. Ayon sa report na inilabas ng Senate media, ultimo tiles, mga dingding, lababo at toilet bowl ay binaklas upang hindi magamit ng papalit na senador na nasa nasabing opisina, na si Sen. Tito Sotto III. Kung ako kay Sen. Sotto ay kakasuhan ko ang mga staff ni Sen. Jinggoy na nag-utos…

Read More