HUWAG ISANGKALAN FREEDOM OF EXPRESSION SA PANGUNGUTYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI dapat gawing puhunan sa katatawanan ang kapansanan ng isang tao para lamang makakuha ng views, likes at shares. Sa panahong mabilis kumalat ang mga content sa social media, mahalagang suriin kung ang isang biro ay nakaaaliw o nakadaragdag lamang sa pangungutya at diskriminasyong nararanasan ng mga taong may kapansanan. Mainit ngayon ang publiko sa mga host ng kontrobersyal na Machong Chismisan podcast dahil sa mga birong tumukoy sa mga taong nasa autism spectrum, kabilang ang anak ni Kris Aquino na si Josh. Nagbabala ang Department…

Read More

Paano nga ba mawawala ang padrino system sa Customs?

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA PAANO raw ba mawawala ang padrino system sa Bureau of Customs (BoC)? One way is to file a bill that aims to stop the padrino system. Another way, na ginawa noong 2013 ni Sen. Escudero, ay imbestigahan ang mga padrino ng mga korap na opisyal ng Aduana. Senate President Sherwin “Win” Gatchalian, Sen. Panfilo “Ping” Lacson, Sen. Erwin Tulfo, Sen. Chiz Escudero, Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo your honors please, baka nais n’yo pong umpisahan ulit ang imbestigasyon laban sa mga padrino…

Read More

SERBISYONG MAY KONKRETONG RESULTA, EDUKASYON AT KABUHAYAN ANG ISINUSULONG NI CONG. ODIE TARRIELA

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lamang sa pangako nasusukat ang isang lingkod-bayan, kundi sa mga programang naipatutupad at pagbabagong nararamdaman ng mamamayan. Sa Occidental Mindoro, kapansin-pansin ang mga inisyatibong isinusulong ni Cong. Odie Tarriela para sa edukasyon at kabuhayan. Isa sa mga ito ang Cash-for-Work program na nakinabang ang 2,781 indibidwal mula sa Mamburao, Abra de Ilog, Paluan, Sta. Cruz at Sablayan o MAPSSA. Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga katutubong Mangyan. Mahalaga ring kilalanin ang pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at mga lokal…

Read More

PALIWANAG NI REP. LUISTRO SA MGA NAGING KAGANAPAN SA IMPEACHMENT TRIAL

RAPIDO ni PATRICK TULFO PINALAGAN ng depensa ang ginawang pagbasura ng prosecution panel sa tatlo sa apat na articles of impeachment na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte at nagdesisyon na tutukan na lang ang Article 2 o ang unexplained wealth. Ayon sa depensa, ang hakbang na ginawa ng prosekusyon ay maikukumpara sa “mistrial” dahil hindi na sila mabibigyan ng pagkakataon upang sagutin ang mga nauna nang articles of impeachment ng prosekusyon. Samantala, iginiit naman ng prosekusyon na sa pagsisimula pa lang ng impeachment ay hindi kinontra ng depensa…

Read More

ISKO MAY AYUDA NA, MAY PAMANA PANG P76-B SA MANILEÑO!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DALAWANG mahalagang hakbang ang inilatag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na kapwa nakasentro sa kapakanan ng mga Manileño—ang agarang pagtulong sa mamamayan sa pamamagitan ng daan-daang milyong pisong ayuda at ang pagsusulong ng isang dambuhalang proyektong inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa susunod na henerasyon. Sa unang tingin, magkaibang usapin ang pagpapalabas ng P696.7 milyong financial assistance at ang planong P76 bilyong Manila Waterfront City reclamation project. Ngunit kung susuriin, iisa ang layunin ng dalawang hakbang: ang palawakin ang oportunidad…

Read More

PANSAMANTALANG SOLUSYON SA PERMANENTENG PASANIN

CLICKBAIT ni jO BARLIZO NOONG Abril, inalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang excise tax sa LPG at kerosene, ngunit binawi ang suspensyon nitong Hulyo. Kamakailan, muling ipinatupad ang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene matapos ilabas ang Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 100-2026, alinsunod sa Executive Order (EO) No. 125 na nilagdaan ng Pangulo. Pansamantalang suspensyon nga, pero tila balewala rin dahil tumaas ang presyo ng LPG at posibleng sumirit din ang presyo ng kerosene, kasama ng gasolina, ngayong linggo. Tatlong beses daw magtataas ng presyo…

Read More

Betrayal

HOPE ni GUILLER VALENCIA NOW the betrayer had arranged a signal with them: “The One I kiss is the man, arrest Him”. Ang salitang betrayal ay madalas mabanggit sa balita, kongreso at pahayagan. Marahil dahil sa pag-akusa kay VP Sara Duterte ng betrayal of public trust. Ang betrayal na ang ibig sabihin ay pagtataksil, pagtalikod sa napagkasunduan o paniniwala. Ito’y nagaganap sa friends, family, politics, public trusts, faith, ideologies, principles, treaties, pacts and works. It happened noon at ngayon. Betrayal is good, kung ibuko ang mga katiwalian. Definitely, betrayal is…

Read More

PAG-URONG NG PROSEKUSYON: PANANAGUTAN SA KATOTOHANAN AT PERA NG BAYAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO ANG pag-atras ng prosekusyon sa tatlo sa apat na artikulo ng impeachment laban kay Bise Presidente Inday Sara Duterte ay nagbukas ng panibagong tanong sa isipan ng publiko: Kung sapat ang mga alegasyon upang isulong ang isang makasaysayang paglilitis, bakit piniling huwag nang ituloy ang ilan sa mga ito? Noong Oktubre 13, 2026, tinanggap ng Senate Impeachment Court ang kahilingan ng prosekusyon na bawiin ang Articles I, III, at IV, habang ipinagpapatuloy ang Article II tungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman. Hindi ito basta…

Read More

Ang Pambansang Emergency Kit: Balde at Bahala Na

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN KUNG may kailangan tayong idagdag sa ating emergency kit para sa Super El Niño, mukhang balde na iyon. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat mangolekta ng tubig-ulan ang publiko bilang paghahanda sa posibleng epekto ng matinding tagtuyot. May plano rin ang pamahalaan na turuan ang mga tao kung paano lilinisin ang naipong tubig at magsagawa ng cloud seeding. Sa unang tingin, praktikal naman ang mga mungkahi. Pero habang iniisip ko ang mga pamilyang posibleng mawalan ng sapat na tubig sa mga susunod na…

Read More