HOPE ni GUILLER VALENCIA “FOR I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Jeremiah 29:11 (NIV) Ang Diyos ay may magandang plano sa kanyang mga mananampalataya. Ngunit minsan, dahil sa ating mga kasalanan ay nagkakaroon ng sagabal sa plano. Ang mga taga Judah ay sumuway sa maraming pagkakataon at sila ay dinisiplina ng Diyos. Kaya naman, sila ay nasakop ng Babylonian at na-exile. Sa kabila ng set-back, ang verse natin…
Read MoreCategory: OPINYON
HUSTISYA MABAGAL ‘PAG POWERFUL HINAHABOL
DPA ni BERNARD TAGUINOD MISTULANG nagkakatotoo ang kasabihan na ang “hustisya ay para lang sa mayayaman” sa kaso ng malawakang pandarambong sa flood control projects kung saan mapepera at makapangyarihan ang hinahabol. ‘Yung ordinaryong mga tao na nagnakaw para may makain ay agad na hinahanap ng mga awtoridad, kinakasuhan at ikinukulong lalo na kapag ang mga biktima nila ay maimpluwensya at may pera. Kung hindi man ay ipinababarangay ng pinagnakawan kung wala silang planong kasuhan ang mga nagnakaw sa kanila para hindi na umulit at mairekord sa barangay ang ginawang…
Read MoreCABRAL ITINURONG MASTERMIND, BBM LIGTAS NA BA SA FLOOD CONTROL SCAM?
PUNA JOEL O. AMONGO ILANG araw lang matapos matagpuan ang bangkay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina “Cathy” Cabral sa malalim na bangin sa Tuba, Benguet ay nagsagawa ng press conference si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Camp Crame, Quezon City. Sa presscon na ito, kinumpirma ng kalihim ng DILG na si Cabral nga ang nakita sa nasabing bangin at sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad ay lumalabas na walang foul play na naganap sa pagpanaw ng…
Read MoreNANG TAWAGING “HACK” ANG KARANIWANG BIYAHE
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HINDI ito tungkol sa paghusga sa isang taong sumakay ng tren. Hindi rin ito tungkol sa pagpo-post ng video sa MRT. Ang naging problema ay kung paano ikinuwento ang isang karanasang pangkaraniwan na parang bihira at espesyal. Si JV Wanderer, isang travel content creator mula sa Caloocan, ay nag-post kamakailan sa TikTok kung saan makikitang halos walang tao sa MRT na sinasakyan niya. Sa caption, tinawag niya itong “the most underrated hack to beat Manila’s traffic.” Hindi nagtagal, umulan ng puna. May nagsabing insensitive.…
Read More“MAHIYA NAMAN KAYO!”
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI UNAHIN NATIN itong narinig kay PBBM noong kanyang ika-apat na State of the Nation Address (Sona) nitong nakaraang Hulyo, 2025. Dito nagsimulang mabuyangyang ang multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nangako ang pangulo na mananagot at maparurusahan ang mga kasangkot sa panderekwat sa pondo ng gobyerno – korap na opisyales ng DPWH, kontratista, at iba pang kasabwat na mga nanunungkulan sa pamahalaan. Pagkalipas ng anim na buwan, dismayado ang taong-bayan dahil wala pang kinakasuhan…
Read MoreHUSTISYA SA WOWEE MARKET VENDORS
CLICKBAIT ni JO BARLIZO IPINOPROTESTA ng mga manininda ng Wowee Market sa Pasay City ang anila’y hindi makatarungang pagpapasara sa kanila ng lokal na pamahalaan. Nitong Lunes, sinugod nila ang Pasay City Hall upang hilingin ang muling pagbubukas ng nasabing palengke. Para sa mga vendor, ang pagpapanumbalik ng kanilang kabuhayan, at pagkilala sa kanilang karapatang mabuhay ang kanilang mga pamilya ang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob. Batay sa pahayag ng grupong Socialista, ang sinapit ng mga vendor, driver, at manggagawa ng Wowee Market ay bunga umano ng panggigipit…
Read MoreMAHIGIT 10 PANG SASAKYAN NI DATING CONG. ZALDY CO, WANTED SA HPG!
RAPIDO ni PATRICK TULFO NASA labing-apat (14) na sasakyan na ni dating Congressman Zaldy Co ang kasalukuyang hawak ngayon ng Highway Patrol Group (HPG). Sa bisa umano ng search warrant, nakuha ng HPG ang 14 na sasakyan na umano’y pag aari ng dating congressman, at mahigit sa 10 pa ang hinahanap. Ilan umano sa mga ito ay nakapangalan sa construction business ni Co na Sunwest. Pinabulaanan naman ni Atty. Rundain, abogado ni Co na pag-aari ni Co ang ibang mga sasakyan na hinahanap ng HPG, pero nagsabi itong itu-turnover nila…
Read More‘Yang mga gahaman at mapagsamantala sa pera ng bayan
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KUNG talagang seryoso ang sinomang nanunungkulan sa gobyerno sa kasalukuyan ay panahon na po marahil na magwalis-walis ang mga ito sa loob at labas ng kanilang tahanan. Iyon po ang nakikitang solusyon ng inyong abang lingkod para magkaroon ng tahimik na kalooban si Juan Dela Cruz, ang mailagay sa basurahan at maitapon at masunog ang mga basura ng pamahalaan. Graft and corruption, pandarambong, pang-aabuso sa poder, kapabayaan at kainutilan sa serbisyo publiko at marami pang iba — ang mga ito po ang mga problema.…
Read MorePALAKI NANG PALAKI BUDGET PERO MALAYO PA RIN ANG GINHAWA
TAON-TAON, lumalaki ang pambansang badyet. Laging may kasamang mga salitang “pinalakas”, “pinahusay”, at “makasaysayan.” Sa papel, mukhang maayos ang direksyon. Pero sa labas ng mga sesyon at talumpati, iba ang pakiramdam ng pang-araw-araw na buhay. Mataas pa rin ang presyo ng bilihin. Mahirap pa ring pagkasyahin ang sahod sa pagkain, upa, pamasahe, at matrikula. Hindi ramdam ng maraming pamilya ang sinasabing pagbuti ng ekonomiya. Sa halip, mas malinaw ang pagod – pagod sa mahal na presyo at paulit-ulit na pangakong giginhawa rin ang sitwasyon. Ganito rin ang pakiramdam sa mga…
Read More