ANYARE SA MGA PINUTOL NA PUNONGKAHOY SA QUIRINO?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY gusto akong kumustahin pero hindi iyong pinaiyak ng hindi nangumusta ha. Ang dapat kumustahin ngayon ay ang mga pinutol na puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila para bigyang-daan ang Southern Access Link Expressway (SALEX), ang proyektong magdudugtong ng Skyway to Roxas Boulevard. Itinuring ng Caritas Philippines, na “act of ecological violence” ang ginawang pagpuputol sa mga punong nagsisilbing “silent protectors” at “lungs of the community.” Mahigit 225 na puno na ang pinutol bago natigil ang operasyon. Sa permit na inisyu ng DENR sa…

Read More

KAILANGAN NA TALAGANG REPASUHIN ANG JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAINIT na usapin pa rin ang nangyaring pamamaril sa Tacloban City sa Leyte na ikinasawi ng tatlong mag-aaral at ikinasugat ng labing-lima pa. Marami ngayon ang nanawagan na rebisahin na ang Juvenile Justice and Welfare Act na isinulat ni Sen. Kiko Pangilinan. Isa sa pinupuntiryang baguhin ay ang edad ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen at katulad nga ng panukala ni Sen. Robin Padilla, nais nitong ibaba sa sampung taon ang edad na pwedeng papanagutin sa mga nagkasala sa batas. Maaaring marami sa atin ay…

Read More

SALAMIN NG NAKATATANDA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA tuwing may kabataang nasasangkot sa karahasan, ito madalas nating marinig: “Ano na ba ang nangyayari sa kabataan ngayon?” Kadalasan, pagkamuhi ang ibinabalik sa batang nagkasala. Ipreso, bitayin, at kung ano-ano pang mabigat na parusa ang agad naiisip. Hindi ko inaabswelto ang mga gumagawa ng hindi tama pero siguro kailangan din natin tingnan sa mas malawak na perspektibo bakit ganito na ang mga kabataan ngayon. Marahil panahon na rin upang itanong natin: “Ano ba ang nakikita ng mga kabataan sa atin?” Totoo, nakagugulat at nakalulungkot ang…

Read More

Don’t give up

HOPE ni Guiller Valencia ANG text natin ngayon ay mula sa aklat ng Kawikaan o Proverbs. “For a righteous man may fall seven times and rise again, but the wicked shall fall by calamity” (Proverbs 24:16). Sa bibliya ay maraming bayani, subalit si Jesus lang ang perpekto. Lahat ng mga santo in the biblical records made mistakes, failed, and sinned. Moses lost his temper. Noah got drunk. Abraham lied about Sarah. David created a scandal. Jonah ran away. Peter denied Christ. Elijah fell into depression. Paul did what he hated…

Read More

ALIAS ‘HAIDEE’ UNTOUCHABLE SA BI?

BISTADOR ni RUDY SIM TILA takot na ang karamihan sa travel agencies na tumanggap ng kliyente at magproseso ng mga kaukulang visa ng mga dayuhang nasa bansa matapos ang tila panggigipit at paghuhugas-kamay ng ilang tiwaling tauhan at opisyales ng Bureau of Immigration na may kaugnayan umano sa paggamit ng mga dayuhan sa pangalan ng isang kompanya para lamang makakuha ng working visa. Matatandaang isang kompanya na Comm Sec ang lumiham sa BI noong nakaraang taon upang ipaalam at ikinagulat ng naturang construction company na may higit isang libong foreign…

Read More

HINDI KAILANGANG MAGUSTUHAN NG LAHAT ANG PRESIDING OFFICER

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HABANG papalapit ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, usap-usapan ang posibilidad na si dating Senate President Francis “Chiz” Escudero ang magsilbing Presiding Officer. May ilan na agad na nagdududa sa kanyang pagiging patas dahil sa mga kontrobersyang kinasangkutan ng Senado sa ilalim ng kanyang pamumuno noon. Ngunit kung pagbabatayan ang paliwanag ni UP College of Law Associate Dean at Assistant Professor Paolo Tamase, tila mas komplikado ang usapin kaysa ipinakikita ng ilan. Halimbawa, madalas sabihin na si Escudero ang dahilan kung bakit hindi agad…

Read More

Kapag Ang Takot ay Kasama sa Pagpasok sa Paaralan

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISA sa mga bagay na hindi ko kailanman inasahang mababasa sa balita ay ang salitang “school shooting.” Madalas natin itong marinig sa ibang bansa. Madalas din natin itong makita sa mga pelikula. Pero ngayon nangyari ang trahedya sa Tacloban City na ikinasawi ng ilang estudyante at ikinasugat pa ng iba, hindi lang lungkot ang naramdaman ko. Mas nangingibabaw ang pangamba. Parang may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Bakit tila mas dumarami ang ganitong mga insidente? Noon, kapag may gulo sa…

Read More

Uusad Pa Ba ang mga Kaso?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SA mabilis na pagbabago ng balanse ng kapangyarihan sa Senado, hindi maiiwasang itanong ng publiko kung uusad pa ba ang mga kasong may kaugnayan sa umano’y flood control scandal laban kina Senators Francis “Chiz” Escudero at Joel Villanueva. Lalong lumakas ang tanong matapos silang lumipat sa panig ni Senate President Win Gatchalian, sa gitna ng mainit na bangayan sa Mataas na Kapulungan. Tinawag ni Senator Alan Peter Cayetano ang kasalukuyang liderato bilang “Senate of Malacañang,” isang pahayag na nagpapahiwatig ng kanyang paniniwalang malakas ang impluwensiya…

Read More

PAG-AMYENDA SA JUVENILE JUSTICE LAW SA BANSA, DAPAT IPRAYORIDAD!

RAPIDO ni PATRICK TULFO ANG barilang nangyari noong Lunes sa isang paaralan sa Tacloban ay pangatlo nang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan, kung saan pawang mga menor de edad ang mga suspek. Tatlo ang patay sa walang habas na pamamaril ng dalawang estudyante sa Tacloban (edad 14 at 16) noong Lunes (June 22, 2026). Noong June 16, 2026 nangyari naman ang pananaksak sa pitong grade 5 students sa isang private school sa Gen. Trias, Cavite kung saan isang Grade 8 na estudyante ang suspek. Isang insidente rin ng…

Read More