PUNA ni JOEL O. AMONGO ISANG dating makapangyarihang Speaker ng Kamara ang ngayo’y nasa kustodiya ng mga awtoridad. Si dating Speaker Martin Romualdez ay inaresto matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman. Ang dating lider ng Kamara ay sinilbihan ng warrant habang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Hindi maliit ang halagang nakapaloob sa kaso. Umabot sa P7.4 bilyon ang plunder complaint laban kay Romualdez at tatlong iba pa kaugnay ng umano’y kickback scheme sa…
Read MoreCategory: OPINYON
LUMALALA KRISIS SA HAPAG NG PAMILYANG PINOY
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI simpleng pagbabago ng mga porsyento ang nakaraang survey tungkol sa kahirapan kundi kwento ng milyun-milyong sikmura na kumakalam at mga pamilyang patuloy na iginagapang ang araw-araw na pamumuhay. Sa huling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Hulyo 4 hanggang Hulyo 11, lumabas na tumaas sa 39% ang self-rated poverty sa bansa mula sa 35% noong Marso 2026. Ang apat na porsyentong itinaas na ito ay nangangahulugan ng mahigit isang milyong pamilyang Pilipino ang nadagdag sa hanay ng mga itinuturing ang sarili…
Read MoreDAPAT BANG MAHARLIKA IPALIT NA PANGALAN SA PILIPINAS?
On the Level ni JUNEX DORONIO PAANO kung isang araw ay hindi na “Pilipinas” ang nakasulat sa ating pasaporte? Paano kung sa halip na Republic of the Philippines, ang mababasa natin ay Republic of Maharlika? O kaya’y Republika ng Malaya? Hindi ito simpleng pagpapalit ng pangalan sa isang dokumento. Ang pagpapalit ng pangalan ng isang bansa ay parang pagtatangkang palitan ang pangalan ng isang taong ilang siglo nang kilala ng buong mundo. May kasaysayan, emosyon, identidad at napakalaking gastusin itong kaakibat. Pero hindi masamang pag-usapan. Ang pangalang “Pilipinas” ay nagmula…
Read MoreEBIDENSYA, HINDI PARATANG ANG DAPAT MANAIG – ALBAY GOVERNOR NOEL ROSAL
TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng kumakalat na mga alegasyon tungkol sa umano’y pagkakasangkot ni Albay Governor Noel Rosal sa jueteng at iba pang ilegal na pagsusugal, isang bagay ang dapat maging malinaw: ang paratang ay hindi katumbas ng pagkakasala. Mariing itinanggi ni Rosal ang anomang pagkakasangkot, partisipasyon, kaalaman o koneksyon sa illegal gambling sa Albay o saan mang lugar. Mahalagang pakinggan ang kanyang panig, lalo na’t ang isang pampublikong opisyal ay hindi dapat basta husgahan batay lamang sa mga pahayag na wala pang napatutunayang katotohanan. Hindi rin…
Read MoreKinatatakutang Rebolusyon sa Gitna ng Panggigipit kay VP Sara Duterte
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng patuloy na tensiyon sa pulitika, muling umalingawngaw ang pangambang maaaring lumala ang galit ng publiko kapag hindi umano natigil ang tinatawag na panggigipit kay Vice President Inday Sara Duterte. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, may posibilidad na umabot sa puntong magkaroon ng rebolusyon sa bansa kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon. Hindi na bago sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga nasa kapangyarihan at ng kanilang mga kritiko. Ngunit kapag ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan…
Read MoreDISIPLINA AT PAGTUTULUNGAN LABAN SA BAHA
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS TUWING tag-ulan, mamamayan ang unang tinatamaan ng baha. Ngunit hindi dapat iasa na lamang sa gobyerno ang pagresolba sa suliraning ito. May magagawa tayo bilang mamamayan na makatutulong sa paglutas sa matagal nang problemang ito. Ang baha ay hindi lamang kasalanan ng gobyerno o ng ulan. Sinasabing ang 70% ng baha sa Metro Manila at mga siyudad ay dahil sa mga basura at baradong kanal. Kaya malaki talaga ang bahagi natin sa nasabing problema sa baha. Ano ang maaari nating gawin bilang mamamayan? Pangunahin dito…
Read MoreP62 KADA DOLYAR: DAGDAG PAHIRAP SA KARANIWANG PILIPINO
At Your Service ni KA FRANCIS KAPAG umabot sa P62 ang palitan ng piso sa isang dolyar, maaaring isa lamang itong numero sa mga financial market. Ngunit para sa karaniwang Pilipino, hindi lamang ito usapin ng foreign exchange. Sa likod ng bawat pagtaas ng dolyar ay maaaring may dagdag na gastos sa pagkain, kuryente, pamasahe, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa panahong marami nang pamilya ang pilit pinagkakasya ang sahod hanggang sa susunod na payday, bawat pagtaas ng presyo ay may tunay na epekto sa hapag-kainan. Hindi naman lingid…
Read MoreBAGONG PLOT TWIST SA WAREHOUSE RAID SA BULACAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO PARANG nalalaos na teleserye na ang nangyari sa kontrobersyal na raid ng PNP-HPG sa isang warehouse sa Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang buwan. Medyo lumamlam na kasi ang balita tungkol dito, pero wait lang, biglang may humihirit na papunta na tayo sa exciting part?! Base sa isang lumabas na memo na ipinadala kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ni SP/LT Erwin Kristoffer Gomez, investigator on case, na naglalaman ng investigation report sa insidente, mukhang mismong mga tauhan ng Customs Police-Enforcement Security Service ang may reklamo hindi lamang…
Read MorePRO-6 NUMERO UNO SA BUONG BANSA SA KAMPANYA KONTRA WANTED PERSONS
Kurdapyo ni TOTO NABAJA NANGUNGUNA ang Police Regional Office (PRO) 6 sa lahat ng Police Regional Office sa buong bansa sa kampanya nito laban sa mga wanted person. Ay abaw ah! Walang duda na mag-Rank 1 ang (Western Visayas) dahil ramdam na ramdam sa limang probinsya ng Aklan, Antiques, Capiz, Guimaras at Iloilo ang paghahabol nito sa mga nagtatago sa batas. Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, nakakuha ng 29.56 percent overall performance ang PRO-6 simula nitong Agosto 01 hanggang 31 nitong kasalukuyang taon. Mabuhay ka! PBGen. Randulf Tuaño Sir, ang…
Read More