ANG ‘DI MAIPALIWANAG NA YAMAN NI GARMA

PUNA ni JOEL O. AMONGO NALANTAD sa ika-7 hearing ng House Quad Committee ang unexplained wealth ni dating Police Colonel Royina Garma kamakailan. Si Garma ay kilalang malapit na kaibigan, kakampi at hinihinalang lover ni dating Pangulong Digong. Si Garma ay dating nagsilbing pinuno ng isang police station sa Sta. Ana sa Davao City habang mayor pa si Digong, at naging pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Davao, bago siya in-appoint ni Duterte bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2019. Ang dating police…

Read More

ANG BUHAY NG TAO AY PARANG GULONG NG SASAKYAN

At Your Service ni Ka FRANCIS “MINSAN ay nasa ilalim, minsan nasa ibabaw,” ganyan ang buhay ng tao, parang gulong ng sasakyan. Kung ngayon ay nakararanas tayo ng kahirapan sa buhay, tuloy lang tayo sa ating mga ginagawa, tiyakin lang nating nasa tamang landas tayo. Ang pinakamahalaga sa lahat ay nasa panig natin ang ating amang nasa langit. Kaya ko sinasabi ito ay dahil personal kong naranasan ang ganitong pangyayari na kapag minsang nakalilimutan ko si Lord ay humihina ang aking kita. Hindi kasi pwedeng puro hanapbuhay lang tayo, kailangan…

Read More

DOBLE KARA NASA MARIKINA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY pahabol na kalabit ang pinagmulan ng bulong sa atin tungkol sa kumalas sa isang kilalang politiko sa Lungsod ng Marikina. Una, ipinaabot ng reliable source na tumiwalag na itong misis ni Sen. Koko na si Kat Pimentel sa kampo ng mga Teodoro. Ang dahilan daw: May nasagap itong chit-chat as in tsismis tungkol sa mga Teodoro na hindi niya matanggap. Sinangkalan ang tsismis, pero ang siste, base sa impormasyong natisod ng ating source, matagal nang plano ni Pimentel na kumalas sa mga taong dahilan kaya…

Read More

PANGARAP NI GOV. OAMINAL PARA SA PANGUIL BAY BRIDGE

TARGET NI KA REX CAYANONG SA bawat pagsilip ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal sa malawak at kahanga-hangang tanawin ng Panguil Bay, hindi maiwasang balutin ang kanyang puso ng pagmamalaki habang pinagmamasdan ang Panguil Bay Bridge na matatag na nakatindig sa ibabaw ng kumikislap na tubig. Para sa kanya, ang tulay na ito ay hindi lamang binubuo ng bakal at kongkreto. Ito ay buhay na simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pag-unlad para sa mga komunidad na matagal nang pinaghiwalay ng kalikasan. Isa itong patunay na ang pangarap ng pagbabago ay maaaring…

Read More

DESERVE NG MGA GURO ANG KARAGDAGANG LEAVE CREDITS

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO  HINDI natatapos ang usapin tungkol sa sahod at benepisyo ng mga manggagawang Pilipino. Ultimo ang minimum wage sa bansa ay napakainit na usapin. Bukod naman kasi sa talagang malaki ang binabayarang tax ng mga manggagawa, ang mahal na talaga mabuhay sa Pilipinas. Anomang karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa, talaga namang malaki ang naidudulot na tulong. Kaya naman magandang balita itong desisyon ng Department of Education o DepEd na doblehin ang vacation service credits o ng mga guro sa pampublikong paaralan. Sa ilalim ng kautusan…

Read More

DUMARAMI PINOY NA RUMARAKET PARA MAKARAOS SA ARAW-ARAW

DUMARAMI ang mga Pilipino na rumaraket para may dagdag kita. Batay sa survey ng research firm Kantar, 7 sa 10 Pilipino ang nakakita ng mga paraan para sa pangangailangan ng kanilang pamilya at karamihan sa kanila ay rumaraket para kumita. Base sa pag-aaral ng Kantar, na kumapanayam sa 2,000 pamilya sa bansa, lumabas na 73 porsyento ng mga Pilipino ay nagsabing nagagawa nilang pagkasyahin ang kinikita ngunit kakailanganin nilang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan, dahilan upang isakripisyo nila ang oras at ilaan sa ibang trabaho, personal na interes at mga…

Read More

LAGLAGAN NA SA MARIKINA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAINIT na ang pulitika sa Pilipinas. Sabi nga, nakaka-excite at ngayong papalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy ay lalong iinit ang exciting part. Eto na. May balitang nagkakalaglagan at umiinit na ang pulitika sa Marikina City. Ayon sa ating insider, isa raw sa mga unang nanlaglag ay itong si Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel. Halos hindi kilala as in hindi sikat si Kat sa Marikina bago siya dumikit sa mga Teodoro. Para makilala? Bulong ng ating insider, nakiusap daw si Kat sa…

Read More

PARTNERS IN CRIME NOON, LOVE TEAM NA NGAYON?

BISTADOR ni RUDY SIM TILA nagkaroon ng libangan ang ating mga kababayan sa mahiwagang kuwento ng buhay ni dismissed Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo na patok at mas nakaka-aliw katulad ng inaabangang palabas sa Netflix, na serye ng hearings sa Kongreso kung saan ay maraming nadadawit na pangalan kabilang ang umano’y naging partners in crime ni Guo at naging bahagi ng kanyang love life. Baka naman. Ang paghalukay ng House Quad Committee ay nagresulta na pagkakabunyag ng nakagugulat na rebelasyon na kumakalat sa social media hinggil sa umano’y mayroong naging…

Read More

GINAGAGO TAYO NG MGA WANTED SA CHINA

DPA ni BERNARD TAGUINOD NABANAS ako sa Senate hearing sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), hindi dahil sa imbestigasyon kundi kinailangan pa ng interpreter sa pagtatanong sa Chinese nationals tulad ni Tony Yang na wanted sa China. Mahigit dalawa’t kalahating dekada nang naninirahan sa Pilipinas ang mokong na ito na kapatid ng dating economic adviser na si Michael Yang, pero hindi pa rin nakapagsasalita at nakaiintindi ng Tagalog? Naniniwala ako na nakaiintindi siya at nakapagsasalita ng Tagalog…bulol nga lang dahil tumatango siya kapag tinatanong siya ng mga senador, na isang…

Read More