HUWAG KANG PUMILI, MAHALIN MO LANG LAHAT

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA isang makabagbag-damdaming pagpapakita ng pagkiling, ang mga aspin o asong Pinoy, ang minamahal na katutubong strays ng sambayanang Pilipino, ay nahaharap sa sistematikong diskriminasyon, na nagbibigay-diin sa isang mas malawak na isyu ng pagtatangi laban sa matatag na lahi na ito. Ang Tagaytay-based Filipino restaurant na Balay Dako ay nahaharap ngayon sa isang issue dahil sa diumano’y diskriminasyon matapos magreklamo ang isang customer ng hindi patas na pagtrato sa kanilang aspin. Sa isang Facebook post, inilarawan ni Lara Antonio ang kanilang karanasan sa…

Read More

STAYCATION SA DECA TONDO HIGPITAN

BISTADOR ni RUDY SIM ISANG grupo ng ilang mga kalalakihan ang patuloy hanggang sa kasalukuyan, na nambibiktima ng mga inosenteng kababaihan upang ang mga ito ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Dahil sa maaaring kakulangan ng paghihigpit ng ilang condo owners sa mga condotel lalo’t kapag sa sentro ng Maynila kung saan naroon ang abot kayang presyo ng staycation o panandaliang pamamalagi sa isang condo unit. Ayon sa ating nakuhang impormasyon, mas pinili umano ng grupo ng kalalakihan na kumuha at magbayad ng isang staycation unit sa Deca Homes kaysa…

Read More

DIGONG NADIDIIN SA POGO’T DROGA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO BUNSOD ng kontrobersyal na Pharmally scandal noong 2021, ay nailantad ang umano’y pagkakasangkot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-award ng multibillion contracts sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para sa supply ng medical supplies sa gobyerno sa tugon nito sa COVID-19 pandemic. Sa imbestigasyon, lumutang ang mga tanong kung paanong ang isang hindi kilalang kumpanya ay nakakuha ng mga kontrata ng gobyerno na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso at nalantad ang iba pang mga isyu, tulad ng sobrang taas ng presyo at substandard na kalidad ng mga…

Read More

BAYANIHAN SA BRIGADA ESKWELA

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TAUN-TAON, nagsasagawa ang Kagawaran ng Edukasyon ng Brigada Eskwela para paghandaan ang pagsisimula ng klase. Nagbibigay ang programang ito ng napakaraming pagkakataon para sa mga guro, magulang, estudyante, at iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pag-aayos at paghahanda ng mga paaralan. Pero hindi lang ito basta simpleng paglilinis at pagpipintura ng mga gagamiting silid-aralan ng mga pampublikong paaralan. Sinasalamin ng Brigada Eskwela ang malasakit at bayanihan ng ating komunidad. Sa panahong maraming hamon ang sistema ng edukasyon, mahalagang bigyang-diin ang kahalagahan ng programang…

Read More

‘DIRTY POLITICS’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari PANAHON na naman ng eleksyon sa bansa ni Juan de la Cruz. Ngayong buwan ng Setyembre, magdadaos ng political conventions ang mga partido upang pumili o pormal na basbasan ang matagal nang hinirang na kandidato opisyal na isasalpok sa ibang kandidato. At sa likod ng telon ay nagaganap na rin ang mga pagbabalak kung paano tatalunin ang kalaban. Kasama na rito ang “dirty politics” o ilegal na mga estratehiya at pag-iipon ng mga putik na ibabato sa mukha ng sinomang makatutunggali. ########## Sa…

Read More

PASTOR QUIBOLOY, SPECIAL!

RAPIDO NI TULFO HINDI na mahalaga kung inaresto man o sumuko si Pastor Apollo Quiboloy sa mga otoridad na nagbitbit sa kanya sa Metro Manila nitong nakaraang Linggo (Sept. 08, 2024).  Iginiit ng abogado ni Quiboloy na sumuko raw at hindi inaresto ng Special Task Force ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang lider ng KOJC o Kingdom of Jesus Christ, taliwas sa sinabi umano ni SILG Benhur Abalos.  Kahit paano pa siya nakuha, ang mahalaga ay hawak na siya ng mga otoridad.  Pero napansin nating tila may special…

Read More

SAN LEONARDO HOSPITAL SUPORTADO NI MAYOR ELAN NAGAÑO

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA mga panahong ang ating lipunan ay nangangailangan ng higit na suporta at malasakit, isang liwanag ang sumilip upang magbigay ng pag-asa at pagbabago sa San Leonardo Hospital. Ang pasasalamat ng buong ospital sa pinuno ng bayan na si Mayor Elan Nagaño ay hindi matutumbasan, sapagka’t ang kanyang tapat na suporta at malasakit ay nagbigay-daan sa isang makabuluhang medical mission na nagdulot ng pag-asa at kaginhawaan sa komunidad. Kamakailan, ang San Leonardo Hospital ay nakatanggap ng napakahalagang tulong mula kay Mayor Nagaño na siyang…

Read More

MAGKAIBA TALAGA TRATO SA MGA SUSPEK

DPA ni BERNARD TAGUINOD IBA talaga ang trato ng Philippine National Police (PNP) sa mayayaman at maimpluwensyang mga suspek kaysa mga anakpawis o mga mahihirap na pinaghihinalaang lumabag o nakagawa ng krimen. Bilang mamamahayag, ang unang assignment ko ay police beat dahil doon mo raw mahahasa ang iyong propesyon kaya halos lahat ng mga bagong reporter na ina-assign ay nagsimula sa police stations. Doon ko nakita kung papaano itrato ang mga suspek pa lamang. Sa pag-aresto pa lamang ay nasasaktan na sila ng mga tiwaling pulis dahil pinadadapa agad sila…

Read More

ONG NAGPABEBE AT PA-CUTE LANG SA QUAD COM HEARING?

PUNA ni JOEL O. AMONGO Na-PUNA ng mga kongresistang kasama sa ikaapat (4) na Quad Committee hearing noong Setyembre 4, 2024, sa majority shareholder ng Whirlwind Corporation na imbes sagutin nito ang mga katanungan sa kanya ng mga mambabatas ay nagpabebe at pa-cute lang ito. Si Cassandra Ong ay ginisa ng mga mambabatas kaugnay sa kinasasangkutan nito sa Porac, Pampanga POGO operations. Kung pagbabasehan ang mga sagot ni Ong sa mga kongresista ay nagkukunwari itong inosente at maang-maangan sa usapin ng POGO. Hindi naniniwala ang mga miyembro ng Quad Com…

Read More