PILIPINO, 1 SA 5 LAHI NG TAO NA MATALINO

At Your Service Ni Ka Francis BASE sa pag-aaral ng mga eksperto, isa sa lahi ng mga tao sa buong mundo ang kayumanggi o Pilipino na matalinong tao. Lumalabas na ang limang lahi ng mga tao sa buong mundo ay matatalino. Ang mga ito ay kinabibilangan ng Caucasian o lahing puti. Sila ay may maputing balat at malapad na pangangatawan at ang kanilang buhok ay malimit na kulay-ginto o kulay kayumanggi. Hugis pili ang kanilang mga mata na nagtataglay ng bughaw, luntian o abuhing kulay. Matangos ang kanilang ilong, makitid…

Read More

MEET AND GREET NG BI, NBI AGENTS KAY ALICE GUO UMANI NG BATIKOS

BISTADOR ni RUDY SIM VERY unprofessional! ‘Yan ang mariing tinuran ni Senador Joel Villanueva matapos mag-trending ang isang larawan kung saan nakita na nakikipag-group picture ang ilang miyembro ng Bureau of Immigration at isang unipormadong taga-NBI, kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, matapos na ito ay i-turnover ng Indonesian authorities. Nakunan ang larawan habang magkakasama sa isang sasakyan si Mayora habang pawang nakangiti ang kanyang mga escort na animo’y pupunta sa isang excursion. Ngek! Actually, hindi lang si Senador Villanueva ang nadismaya kundi ang maraming netizens sa inasal na…

Read More

TSINUBIBO NI GUO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SIGE na nga, Pilipinas ang selfie capital of the world kaya pwede nang magpa-picture kasama kahit ang nag-hide and seek sa batas. ‘Yan tayo e, iyong purong Pinoy posas agad, sa presinto ka magpaliwanag. Pero ‘yun peke, me handshake na, me photo ops pa. Kulang na nga lang daw ay red carpet at mistulang fan meet na ng sikat na celebrity ang ginawang pagsundo nina DILG Sec. Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil sa takas na si Alice Guo o Guo Hua Ping. Sa totoo…

Read More

INTEGRIDAD AT PROPESYONALISMO: SUPORTA KAY SECRETARY ABALOS

TARGET NI KA REX CAYANONG SA gitna ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ng puganteng si Alice Guo, mahalaga ang ipakitang tiwala at suporta sa mga opisyal ng pamahalaan na tulad ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos. Sa kanyang pamumuno, nananatiling matatag ang kagawaran sa layuning tiyakin na walang sinomang lumalabag sa batas ang makatatakas sa pananagutan. Kasama si Secretary Abalos sa mga kumikilos nang mabilis upang tiyakin ang hustisya sa kaso ni Alice Guo, isang puganteng may mga mabibigat na akusasyon ng human trafficking at money…

Read More

PATULOY NA PAGKILOS NG PAMAHALAAN, MMDA SA GITNA NG SAKUNA

TARGET NI KA REX CAYANONG TUMULAK ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) patungo sa Naga City, Camarines Sur. Ito’y upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong #EntengPH. Sa pangunguna ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, agad na tumugon ang ahensya sa panawagan ni Naga City Mayor Nelson Legacion para sa relief assistance. Magtatayo ang MMDA contingent ng solar-powered water purifiers sa mga komunidad na may kakulangan o walang suplay ng malinis na tubig. Kasama sa kanilang dala ang generator sets, chainsaws, at iba pang…

Read More

BER MONTHS NA, ‘DI PA RIN P20 BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BER months na! Siyempre, masaya ang bungad ng ber months. Kung pwede nga lang huwag gambalain ang sayang hatid nito. Kaso, sabi nga, hindi lahat ay lipos ng tuwa. Baka nag-aantay na ang ikabubuwisit natin: gaya ng kasya ang ganitong halaga para sa Noche Buena. Iwaglit muna ito. Tutok tayo sa posibleng pagbagal ng pagpasok ng mga inaangkat na bigas sa bansa ngayong “ber” months. Bukod dito, malamang na tumaas din ang presyo nito. Ayon sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), kinansela ng Vietnam –…

Read More

HOA NG AMAIA SCAPES UMALMA!

RAPIDO NI PATRICK TULFO MAY mangilan-ngilang nag-message sa amin na kinukwestyon ang aming isinulat noong nakaraang Miyerkoles sa pitak na ito. Ano raw ba ang nalalaman namin at nakikialam kami sa issue o iringan ng Homeowners Association sa Amaia Scapes sa Laguna. Mas marami raw silang alam sa nangyayari doon at mali-mali raw ang sumbong na nakarating sa amin. May isa kaming sinagot sa isa sa mga mensaheng ipinadala sa aming page na Rapido Ni Patrick Tulfo, na mukhang hindi naiintindihan ang aming isinulat dahil ang panig lang niya ang…

Read More

ALICE GUO, KAKANTA NA NGA BA NG ‘MY WAY’?

BISTADOR ni RUDY SIM NITONG nakaraang Miyerkoles ng umaga ay ginulantang tayo ng balita ng pagkakasakote kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Si Alice Guo na siyang pangunahing suspek sa isyu ng POGO na kasalukuyang iniimbestigahan ng Kamara at Senado, ay nahuli ng mga otoridad sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia. Ito ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso ng human trafficking, money laundering at torture sa Chinese nationals na mga empleyado ng POGO. Kasalukuyan din itong naghihintay ngayon ng extradition para usigin sa naturang mga kaso. Ayon sa balita…

Read More

ANYARE SA ONE BILLION TREES?

DPA ni BERNARD TAGUINOD KAPAG bumabaha at nagkaka-landslide na nagiging dahilan ng kamatayan ng mga tao at pagkasira ng mga ari-arian at kabuhayan, pumapasok sa isip ko ang one billion trees program na sinimulan noon pang panahon ni dating House Speaker Jose De Venecia Jr. Mahigit dalawang dekada na ang nakararaan mula nang ilunsad ang inisyatibang ito kung saan isang bilyong seedlings ng iba’t ibang uri ng mga puno ang itatanim sa buong bansa para ipanlaban sa baha at nakapapasong sikat ng araw. Kung naitanim lang ang mga punong ito,…

Read More