PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG pagbabasehan ang isinasagawang imbestigasyon, lumalabas ang pagiging malapit ni Michael Yang sa dating Duterte administration. Lumalabas din na mas nabigyan ng pansin ang mas maliliit na target, kung ikukumpara sa majors players na tulad ni Yang, na naging taliwas sa layunin at integridad ng anti-drug campaign ng dating administrasyon. Kung totoo ang alegasyon, ang relasyon ni Duterte kay Yang ay maaaring kumatawan sa isang kaso ng state-sponsored criminality na kung saan ginamit ang kagamitan ng pamahalaan sa pagprotekta at paganahin ang mga kriminal na…
Read MoreCategory: OPINYON
ISANG ARAW PARA SA IYO, ARAW-ARAW PARA SA MGA ORDINARYONG TAO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN UMANI ng sari-saring reaksyon ang deleted na ngayong post ni 4th District of Leyte Rep. Richard Gomez tungkol sa naranasan niyang traffic sa EDSA. Sa isang Facebook post, nagtanong si Gomez tungkol sa paggamit ng bus lane, sinabing iilan lamang ang mga bus na gumagamit nito. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang kongresista sa pagkakaipit sa traffic sa pangunahing lansangan ng Metro Manila. Ipinaliwanag pa niya na nalolokohan lang siya na sa sobrang traffic ay hindi gaanong nagagamit ang bus lane kapag kailangan ito tulad…
Read MorePUBLIKO BAKIT WALANG TIWALA SA MURANG GAMOT NA GENERIC?
EDITORIAL SABI nga, ‘di baleng wala kang maraming karangyaan sa buhay, basta malusog ang pangangatawan ng buong pamilya. Mahirap magkasakit. ‘Di ba nga at bawal ang magkasakit. Pero, hindi naman maiiwasan ang sakit lalo pa’t sandamakmak ang problema sa buhay. Sa harap nito, mayroon namang matatakbuhan ang mamamayan lalo na kung murang gamot ang hanap. Ilang dekada na ang nakalilipas nang maisabatas ang Cheaper Medicines Act at ang Generics Act ngunit bantulot pa rin itong gamitin ng mga maysakit nating kababayan. Iginigiit sa Kamara na ang naturang mga batas ay…
Read MoreANONG MERON SA HOA AT KAPIT-TUKO MGA OPISYAL? DHSUD MUKHANG INUTIL?
RAPIDO NI PATRICK TULFO MARAMI nang reklamo ang natanggap ng Rapido tungkol sa mga opisyal ng Homeowners Association kung saan ayaw bumaba sa pwesto. Pinakamagulong reklamo ng HOA na nahawakan namin ay itong kaso ng HOA sa Multinational Village sa Parañaque City. Lumalabas na dalawa ang paksyon ng HOA dito kung saan umabot pa sa Court of Appeals ang kanilang kaso para lang sa pwesto. Ngayon naman ay nakatanggap kaming muli ng reklamo sa HOA naman ng Amaia Scapes sa Laguna. Ayaw umanong bumaba sa pwesto ng kasalukuyang nakaupong mga…
Read MoreELEKSYON (Ritwal ng lokohan at utuan)
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari ISANG pagyurak sa buong pwersa ng Philippine National Police ang ginawang pagbansag ni Lt. Col. Jovie Espenido sa organisasyon bilang “largest organized crime group in the country.” Totoo. May mga abusado at utak-kriminal sa hanay ng PNP. Subalit ‘yung sabuyan ng putik ang buong organisasyon, isa itong malaking insulto sa bawat kasapi. Malinis man ang intensyon ni Espenido sa kanyang ginawang pagbulgar ng mga katiwalian sa madugong gera laban sa ilegal na droga ng nakaraang administrasyon, nabahiran ito ng kanyang pagdura sa mukha…
Read MoreTAGUMPAY NG POWER BLOC SA PAG-USAD NG RURAL ELECTRIFICATION
TARGET NI KA REX CAYANONG SA ika-45 PHILRECA Annual General Membership Meeting na ginanap sa Philippine International Convention Center noong Agosto 30, 2024, tampok ang mahalagang talakayan tungkol sa mga tagumpay at plano ng Power Bloc sa pagsusulong ng rural electrification. Sina Deputy Minority Leader Presley De Jesus ng PhilRECA Party-List, at Assistant Minority Leader Sergio Dagooc ng APEC Party-List, ang nanguna sa diskusyong pinamagatang “Power Talk with the Power Bloc: Empowered to Move Forward” kung saan nagsilbing moderator si PHILRECA General Manager at Executive Director Atty. Janeene Depay-Colingan. Ang naturang…
Read MoreMABUTI ANG KOMPETISYON PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita nitong nakaraang linggo ang interes ng malalaking kumpanya sa isinasagawang bidding ng Meralco. Pinaghahandaan na kasi ng kumpanya ang kakailanganing suplay simula sa susunod na taon, kaya naman para masigurong mababa ang magiging presyo, kailangang sumailalim ito sa tinatawag na Competitive Selection Process (CSP). Siguradong matindi ang kompetisyon dahil malalaking pangalan sa industriya ng enerhiya ang maglalaban-laban. Pinangalanan ng Meralco ang mga nagpahayag ng interest — ang Masinloc Power at Sual Power ng San Miguel, GNPower ng Aboitiz, First Gas at First…
Read MorePALUSOT
DPA ni BERNARD TAGUINOD PALAGAY ko, palusot lang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mababaw na mga ilog lalo na sa Metro Manila, kaya kahit napakaraming flood control projects ang ginagawa ay bumabaha pa rin. Araw-araw ay isang bilyong piso ang ginagastos ng ating gobyerno sa flood control projects pero hindi kayang gastusan ang paghuhukay sa mga ilog kasama na ang Pasig River at Laguna Lake? Kung talagang nais ng gobyerno na mawala ang baha o hindi magtagal ang baha kapag panahon ng tag-ulan, iprayoridad ang paghuhukay…
Read MoreJAIL DRUG TRADE COMPETITION NAUNGKAT SA QUAD COM HEARING
PUNA ni JOEL O. AMONGO LUMABAS sa 2nd Quad Committee Hearing ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kamakailan, na ang pagpatay sa tatlong Chinese drug lords sa Davao Penal Colony (DAPECOL), ay para mawala ang drug trade competition sa loob ng bilangguan. Sa pag-testify nina persons deprived of liberty (PDLs) Leopoldo Tan, Jr. at Fernando Magdadaro sa Quad Com Hearing, sinabi nilang inutusan sila ni SPO4 Arthur Narsolis na patayin ang tatlong Chinese drug lords. Isinagawa ang pagpatay nina Magdadaro at Tan sa tatlo sa pamamagitan ng pagsaksak na isinagawa sa…
Read More