PUNA ni JOEL O. AMONGO NITONG nakaraang 4th quarter ng 2025 bumulusok sa -3% ang net trust rating ni Pangulong Junjun Marcos na maliwanag pa sa sikat ng araw na patunay na wala nang tiwala sa kanya ang mga Pilipino. Sa kasaysayan ng panguluhan sa bansa, si Junjun Marcos lang ang nakapagtala ng ganitong kababang resulta ng survey. Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Nobyembre 24 hanggang 30, 2025 ay nakapagtala si Junjun Marcos ng -3% trust rating, habang nakakuha naman si Vice President…
Read MoreCategory: OPINYON
2026… DEKWATAN PA MORE
KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI SA PAGTATAPOS ng 2025, iisa ang tampok na iiwang marka nito sa kukote ng maraming Pilipino – ang malawak na korupsyon sa ating gobyerno. Maging ang kolumnistang ito na halos manhid na sa dekwatan sa pondo ng pamahalaan, ay nagulantang din matapos na mabuyangyang ang nakasusuka at nakagagalit na sabwatan ng maraming mga opisyales ng pamahalaan, mga kontratista partikular ang mag-asawang Discaya, at mga magnanakaw sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Multi-bilyong piso ang pinagpapartehan nila sa mga napabilad na maanomalyang…
Read MoreBATA NI REMULLA SA BI, MATIBAY KAHIT NATAKASAN NA NAMAN
BISTADOR ni RUDY SIM KAMALASAN ang sumalubong sa bagong taon sa Bureau of Immigration, makaraang patakasin este… makatakas pala ang dalawang South Korean national inmates na pawang nakakulong sa BI detention unit sa Muntinlupa City. Tila inunahan na ng ahensya na maghugas ng kamay at magpalabas ng Praise Release itong obob na tagapagsalita ng BI, na nagsasagawa na raw sila kuno ng manhunt operation upang matunton at muling madakip ang dalawang pugante na sina Lee Jingyu, 32, at Yang Heejun, 44, pawang nahaharap kuno sa deportation. Ayon sa source, sinamantala…
Read MoreTAPANG NI SEN. ROBINHOOD NA MAY BABALA, SIGAW NA KAILANGANG TIMBANGIN
TARGET ni KA REX CAYANONG TALAGANG hindi matatawaran ang tapang ni Sen. Robin Padilla. Sa panahong marami ang maingat magsalita, umiwas sa isyu, o nagkukubli sa teknikalidad, pinili niyang ihagis sa gitna ng pambansang diskurso ang isang panawagang yayanig sa sistema: “Isarado niyo na po ang Kamara at Senado.” Isa itong sigaw ng pagkadismaya—diretso, walang paligoy-ligoy, at malinaw na sumasalamin sa pagod ng taumbayan sa paulit-ulit na imbestigasyong nauuwi sa wala. May punto ang senador. PDAF, DAP, flood control scam—magkakaibang administrasyon, magkakaibang pangalan, pero iisang hulma ng kuwento: may ingay,…
Read MoreMERRY ANG CHRISTMAS NG MGA CORRUPT
DPA ni BERNARD TAGUINOD TULAD ng inaasahan, naging Merry ang Christmas ng mga corrupt officials lalo na ‘yung sangkot sa flood control at iba pang infrastructure projects na pinagkakitaan nila sa mahabang panahon na naging dahilan kaya marangya ang pamumuhay ng kanilang pamilya. Malamang ay naging masagana ang hapag-kainan ng powerful politicians noong Pasko at marami sa kanila ang lumabas ng bansa para magdiwang sa malalamig na mga lugar gamit ang ninakaw nila sa sambayanang Pilipino. Ang tanging hindi Merry ang Christmas ay ‘yung mga contractor at engineers ng Department…
Read MoreBAGONG TAON, MAY BAGONG PAG-ASA KAYA ANG MGA PILIPINO?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAY maaasahan ba tayong pagbabago sa pagpasok ng taong 2026? Sa ganang akin, tila wala akong nakikitang pagbabago na ikabubuti ng mga Pilipino. Mukhang lalo pang lalala ang pamumulitikang gagawin ng BBM admin, partikular ang pag-atake nila sa mga Duterte. Sinimulan na ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ng nagpapanggap na mga anti-corruption advocate daw sila, pero ang kanilang kinasuhan ay kasama sa budget insertions ng kasalukuyang administrasyon. Sinasabi nilang dapat managot si VP Sara sa Confidential Funds nito, pero ang naglustay…
Read MorePANGAKONG NAPAKO!
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI natupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na sisiguruhing may magpa-Pasko at may maghihimas ng malamig na rehas sa kulungan mula sa malalaking mga isda na nasasangkot sa maanomalyang mga proyekto. Maraming Pilipino ang naghintay sa pagtupad sa pangako nina BBM at DPWH Secretary Vince Dizon na bago sumapit ang Pasko (Dec. 25) ay siguradong may makukulong na mga mambabatas. Nauna namang sinabi ng Kalihim ng DPWH na sa Dec. 15 ay may makukulong na malalaking mga isda. Isang araw na…
Read MoreYORME ISKO: TAYO’Y MAGBIGAYAN, MAGMAHALAN
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon ng Kapaskuhan, iwinaksi muna nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza ang alitang politika at naghatid ng mainit, masarap na pagbati sa lahat ng mamamayang Pilipino, lalo na sa kapwa nila Manilenyo. Sa isang maikling mensahe, kapwa humiling sina Yorme at Chi ng isang maligayang kapaskuhan sa lahat. “Kami po ay bumabati ng isang Maligayang Pasko!” sabi nina Yorme Isko at Vice Chi. “Together we will make Manila great again,” ay marubdob na isinapuso nina Yorme at Chi. Sa…
Read MoreREGALONG HINDI NABIBILI
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAGANDANG mensahe ang ibinahagi ni Pope Leo XIV bago sumapit ang Kapaskuhan. Simple pero may kurot, at tumatagos. Sa panahon na ang Pasko ay sinusukat sa dami ng handa at laki ng gastos, binaligtad ng Santo Papa ang pamantayan. Aniya, kapayapaan ang tunay na regalo. “Before the holy night of #Christmas, find one person with whom to make peace.” Post ng Santo Papa sa social media. Isang pangungusap, isang hamon. Hindi ito paanyaya sa engrandeng ritwal, kundi sa isang tahimik ngunit matapang na hakbang—ang makipagkasundo. Sa…
Read More