RAPIDO ni PATRICK TULFO HABANG abala ang ating mga politiko sa pamumulitika at pagbabantay sa kani-kanilang personal na interes dito sa Kamaynilaan, sumisigaw naman sa paghingi ng tulong ang mga residenteng biktima ng lindol noong nakaraang linggo. Sa huling bilang ng NDRRMC, umabot na sa halos 70 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing lindol, habang daan-daan ang apektado pa rin ang kabuhayan. Nakarating naman agad ang tulong ng DSWD sa Mindanao at personal na pinuntahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga biktima pero sana ay madagdagan pa ang…
Read MoreCategory: OPINYON
MGA WALANG KONSENSYA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA bawat trahedyang gumigising sa damdamin ng sambayanan, may mga taong mas mabilis pang magbigay ng komento kaysa maglaan ng panalangin. Muling ipinakita ng social media ang madilim nitong mukha sa pagpanaw ng dalawang estudyanteng atleta ng Ateneo de Manila University. Habang nagluluksa ang mga pamilya, kaibigan at kapwa estudyante nina Rene Baterbonia at Divine Adili, may mga indibidwal namang nagmamadaling gumawa ng content, magbigay ng opinyon at maglatag ng sari-sariling teorya na para bang sila mismo ang saksi sa nangyari. Ang mas nakalulungkot, may ilan…
Read MoreULAN, BIYAYANG DAPAT PANGALAGAAN AT PAKINABANGAN – 4K PARTY-LIST REP. IRIS MONTES
TARGET ni KA REX CAYANONG SA tuwing dumarating ang tag-ulan, karaniwan nang nababalot ng pangamba ang maraming Pilipino. Baha sa mga lansangan, pagkasira ng mga tahanan, at abala sa pang-araw-araw na buhay ang madalas na naiuugnay sa malalakas na pag-ulan. Ngunit sa likod ng mga hamong ito ay isang mahalagang katotohanan: ang ulan ay isa sa pinakamalaking likas na yaman ng ating bansa na matagal nang hindi lubos na napakikinabangan. Kaya naman nararapat lamang na bigyang-pansin ang House Bill No. 6034 na inihain ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list…
Read MoreTatak BDO: Singilan mabilis, sa reklamo mintis
Siyanong Detektib Ni Lucio S. Papa MATAPOS natin ibulgar ang sukdulang kagulangan ng isang sikat na banko, muli kong binalikan ang ginang na nagrereklamo. Pag-amin ng ginang na tawagin na lang natin sa pangalang Salome, wala pa ring aksyon ang Banco De Oro (BDO) sa kanyang hiling na “balance card conversion” na naglalayong tapusin ang pagpapataw ng patong-patong na interes sa sinasabing utang gamit ang BDO platinum credit card. Saan ka ba naman kasi nakakita ng P200,000 lang ang utang pero ang pilit sinisingil ng BDO tumataginting na P600,000. Talo…
Read MoreBLUE RIBBON HEARING NGAYON: PANIBAGONG YUGTO SA PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN
At Your Service Ni Ka Francis NGAYONG araw, dakong alas-10 ng umaga, Hunyo 16, 2026, muling matututok ang atensyon ng publiko sa isasagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pamumunuan ni Senador Rodante Marcoleta na gaganapin sa DOUBLEGEM EDSA GARDEN EVENTS PLACE sa Mandaluyong City. Sa gitna ng mga kontrobersiyang bumabalot sa mga proyekto ng pamahalaan, marami ang umaasang may mahahalagang impormasyon na muling ilalantad sa pagdinig. Hindi maikakaila na naging sentro ng usapan nitong mga nakaraang buwan ang mga alegasyon ng iregularidad sa paggamit ng pondo ng bayan. Dahil…
Read MoreSPECIAL SESSION: PARA SA BAYAN O PARA SA PULITIKA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING naging sentro ng pambansang usapan ang planong pagpapatawag ng Special Session ng Senado base na rin sa kahilingan ng Palasyo. Bagama’t ipinaliliwanag ng ilang opisyal na ito ay para tugunan ang mga agarang pangangailangan ng bansa tulad ng nangyaring lindol sa Mindanao, may mga sektor na nagtatanong kung mayroon pa bang ibang layunin sa likod ng hakbang na ito. Isa sa mga pinagdududahan ng ilang kritiko ay ang posibilidad na magamit ang Special Session bilang daan upang magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado.…
Read MoreNALUNOD NA PANGARAP
EDITORIAL SA isang iglap, maaaring magbago ang takbo ng buhay. Ang mga pangarap na matagal na binuo, pinaghirapan, at pinanghawakan ay maaaring maglaho sa isang trahedyang hindi inaasahan. Ganito ang sinapit ng batang atleta na si Rene Baterbonia, na puno ng pag-asa nang lisanin niya ang kanilang tahanan upang habulin ang kanyang pangarap na makapaglaro ng basketball sa isa sa mga pinakakilalang pamantasan sa bansa. Ngunit sa halip na tagumpay at bagong yugto ng kanyang buhay, isang malagim na pangyayari ang sumalubong sa kanya at sa kapwa atletang si Divine…
Read MoreMAY NAPIPISIL NANG PRESIDING OFFICER SA IMPEACHMENT TRIAL
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SENTRO na ngayon ng talakayan hindi lang sa social media, ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Syempre kasama na riyan kung sino ang dapat mamuno sa proseso. Dahil nakatutok ang publiko at tiyak na bawat hakbang ng Senado ay susuriin, kailangan ng isang presiding officer na may sapat na kaalaman, karanasan, at kakayahang panatilihing maayos ang takbo ng paglilitis. Giit ng iba, dapat ay abogado ang manguna dahil hindi biro ang trabaho sa impeachment. May ilang pangalan na ang pinalulutang pero mukhang…
Read MoreKATOTOHANAN VS INSULTO: ANO ANG PINIPILI NG BAYAN?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HABANG patuloy na umiinit ang pulitika sa bansa, tila nagiging bahagi na ng araw-araw na aliwan ng publiko ang mga pagdinig sa Senado, mga debate sa telebisyon, at walang katapusang bangayan sa social media. Para sa marami, mistulang teleserye ang mga ito—may kontrabida, may bida, may sigawan, may iyakan, at kung minsan ay may mga eksenang mas kapana-panabik pa kaysa mga palabas sa telebisyon. Ngunit sa likod ng lahat ng ingay na ito ay isang mahalagang tanong: Ano ba talaga ang layunin ng pampublikong…
Read More