MANAOIS PAIRCARGO TEAM, LAMPAS SA TARGET, P2.3-BILYON NASUNGKIT!

On the Level ni JUNEX DORONIO SA gitna ng maraming balitang mabigat at problemang kinahaharap ng bansa, may mga kwento pa rin ng tagumpay na nagbibigay inspirasyon—tulad ng patuloy na pag-angat ng Paircargo Assessment Composite Division ng Bureau of Customs sa NAIA. Sa loob ng limang magkakasunod na buwan, nalampasan ng nasabing tanggapan ang kanilang revenue target—isang patunay na kapag may disiplina, malinaw na direksyon, at dedikasyon sa serbisyo, kayang-kaya ang anomang hamon. Nitong Mayo 2026, umabot sa P2.393 bilyon ang kanilang koleksyon, lagpas sa target ng P108.5 milyon o…

Read More

MAS MATAAS NA KOLEKSYON NG BOC, MAS MALAKAS NA KABAN NG BAYAN

TARGET ni KA REX CAYANONG PINURI ng Malacañang ang Bureau of Customs (BOC) matapos nitong malampasan ang target na koleksyon sa unang limang buwan ng 2026. Ayon sa Palasyo, ang tagumpay na ito ay patunay ng mas pinahusay na pamamahala, mahigpit na pagpapatupad ng mga reporma, at mas episyenteng operasyon ng ahensya. Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno, umabot sa P406.3 bilyon ang nakolektang kita mula Enero hanggang Mayo, lampas sa itinakdang target ng pamahalaan. Para sa Palasyo, ito ay malinaw na indikasyon na gumagana ang mga hakbang…

Read More

Ang Nagpapagulo sa Pilipinas ay ang Sobrang Pulitika

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA halip na pag-unlad ang maging pangunahing usapin ng bansa, tila pulitika na lamang ang sentro ng halos lahat ng diskusyon sa Pilipinas. Mula sa telebisyon, radyo, social media, hanggang sa mga usapan sa kanto, pulitika ang nangingibabaw. Dahil dito, maraming mahahalagang problema ng mamamayan ang natatabunan at hindi nabibigyan ng sapat na pansin. Ang tunay na layunin ng pulitika ay upang magsilbi sa taumbayan at maglatag ng mga polisiyang magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. Ngunit kapag ang pulitika ay nauuwi sa personal…

Read More

Blue Ribbon Hearing ni Erwin Tulfo Umani ng Batikos mula sa mga Pilipino?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGING sentro ng usapan-usapan ngayon ng mga Pilipino ang isinagawang Blue Ribbon Committee hearing na pinamunuan ni Senador Erwin Tulfo. Inaasahan ng marami na ito ay magiging mahalagang pagkakataon upang mailahad ng mga dating sundalo ang kanilang mga alegasyon, subalit mas ginusto nila marahil na hindi dumalo sa pagdinig dahil ang kanilang inaakusahang hinatiran ng 8 maleta at idinadawit sa human trafficking ang siya pa mismong chairman ng komite. Kapansin-pansin din na hindi dumalo sa naturang pagdinig ang grupo ng 18 dating sundalo na unang…

Read More

BDO, MAHIYA NAMAN KAYO

Syanong Detektib ni Lucio S. Papa HABANG abala ang gobyerno sa usapin ng katiwalian sa gobyerno, may isang bangko ang nagpapahirap sa mga Pilipino. Dangan naman kasi, daig pa ng naturang bangko ang mga online lending apps sa ipinapataw na tubo sa credit card na sa kanila nanggaling mismo. Kwento ng isang ginang na dumulog sa aming tanggapan, buwanan naman siyang nagbabayad ng hindi bababa sa P12,000 para sa P200,000 accumulated purchases niya gamit ang BDO credit card sa nakalipas na dalawang taon. Laking gulat ng ginang na hindi nababawasan…

Read More

SA GITNA NG GULO SA SENADO, CHIZ INUNA TRABAHO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahon ng matitinding hidwaan sa pulitika, madalas na nasasapawan ng personal na interes at kampihan kung ano ang makabubuti sa institusyon. Ito ang usaping dapat pagtuunan ng pansin sa naging desisyon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na dumalo sa plenaryo sa gitna ng tensiyon at kaguluhan sa Senado. Sa halip na tingnan ito bilang pagkampi sa isang panig o pagtalikod sa isa pa, mas mahalagang suriin kung ano ang ipinakikita nito tungkol sa pananagutan sa isang demokratikong institusyon. Napakadaling magpasya batay sa pulitikal na kalkulasyon.…

Read More

Habang gutom ang bayan MGA MAMBABATAS NAGPAPATAWA, SARILING INTERES PINAGLILINGKURAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA gitna ng mga hamon at kontrobersiyang hinarap ng Senado nitong nakaraang mga linggo, isang mahalagang mensahe ng pagkakaisa at serbisyo publiko ang ipinahatid ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian matapos siyang mahalal sa isa sa pinakamataas na posisyon sa kapulungan. Marapat lamang na batiin si Gatchalian sa bagong tungkulin. Sa panahong kailangan ng Senado ang matatag ngunit mahinahong liderato, marami ang naniniwalang siya ay isang mahusay na pagpipilian. Kilala siya bilang masipag, maingat, at nakatuon sa mga isyung direktang nakaaapekto sa mamamayan…

Read More

NAGLABASAN NA NAMAN NG BAG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PASUKAN na. Bitbit na ng mga mag-aaral ang kanilang bag, na laman ang mga gamit na gagabay sa kanila sa pagtimo sa isipan ng mga aral at karunungan. Malinaw na bag ang karga ng mga estudyante. Hindi maleta ha o malita, ayon sa mga DDS. Kasabay ng pasukan ang ikinababahalang idudulot ng tag-ulan kaya inilabas ng DepEd ang apat na lebel ng pagtugon ng mga paaralan sakaling magsuspinde ng mga klase at trabaho depende sa antas ng panganib na dulot ng mga bagyo, malalakas na pag-ulan,…

Read More

KAGULUHAN SA SENADO DAPAT TAPUSIN NA

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS DAPAT nang tapusin ang kaguluhan sa Senado upang maipagpatuloy na ang trabaho ng mga senador at maisabatas na ang nakabinbing mahalagang mga panukala na mapakikinabangan ng mamamayan at ng bansa. Ang kaguluhan sa Senado ay may malaking epekto sa ekonomiya at kalagayan ng bansa. Ayon sa mga ekonomista, ang patuloy na krisis sa pulitika ay nagdudulot ng kawalan ng katiyakan na maaaring humantong sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya. Ito ay dahil ang mga negosyante at mamumuhunan ay nagiging maingat sa pag-invest dahil sa kawalan…

Read More