EDITORIAL NAUWI sa pag-walkout ang mainitang debate nina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Nancy Binay sa pinagtatalunang pondo sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City. Bago ang walkout ay nasa good mood pa ang dalawang senador nang umupo sa komite si Binay na binigyang pugay naman ni Cayetano. Naging mainit ang usapin nang maungkat na ang presyo ng itinatayong gusali at sa kung paanong lumobo sa P23 bilyon ang halaga nito. Kinampihan ni Binay si Senior Usec Emil Udain, kinatawan ng Department of Public Works and…
Read MoreCategory: OPINYON
DAGDAG SAHOD NA 35 PESOS
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG sahod ng mga empleyado ang pangunahing pinagmumulan ng ikabubuhay, hindi lamang ng mga manggagawa kundi pati na rin ng mga miyembro ng kanilang pamilya. Inaprubahan nitong Lunes ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na 35 pesos para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), lusot na sa National Capital Region Wage Board ang naturang wage increase. Ibig sabihin, mula sa 610 pesos na minimum wage kada araw ay…
Read MoreNAWALA ANG ANGAS NI BOY DILA
DPA ni BERNARD TAGUINOD INAAMIN ko na isa ako sa mga nabanas sa viral video ni Lexter Castro na binansang “Boy Dila”, dahil hindi na nga niya pinakinggan ang pakiusap ng delivery rider na huwag siyang basain, nang-aasar pa habang nakalabas ang dila. Hindi pa tumigil ang mokong at naglabas pa ng video para asarin at murahin pa ang netizens na pumuna sa kanyang ginawa pero matapos ang ilang araw ay lumabas din siya dahil nai-stress na raw siya sa bantang natatanggap niya. Mukhang siya ang napeste. Nagmamakaawa siya sa…
Read MoreMAGPINSANG BBM, SPEAKER ROMUALDEZ KULELAT SA SURVEY
PUNA ni JOEL O. AMONGO KULELAT sa pinakahuling survey ng Pulso ng Pilipino ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) noong Hunyo 10 hanggang Hunyo 17, 2024, ang magpinsan na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at House Speaker Martin Romualdez. Si Speaker Romualdez ay nakapagtala lamang ng 42% sa NET PHL, FULLY SATISFIED na 18%, SLIGHTLY SATISFIED na 45%, NOT SATISFIED na 21% at DON’T KNOW na 16%. Pumangalawa naman sa kanya si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na may 46% para sa NET PHL, FULLY SATISFIED na 20%, SLIGHTLY…
Read MoreNILARO NG TADHANA O NAGKATAON LANG?
EDITORIAL HUNYO 22, huling nakita ang magkasintahan na sina Mutya ng Pampanga beauty pageant candidate Geneva Lopez at boyfriend Israeli Yitshak Cohen. Papuntang Tarlac ang dalawa para katagpuin ang middleman sa bibilhing 20 ektaryang lupa. Pero, hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang magkasintahan. Nadiskubre ang nagliliyab na SUV na sasakyan ng mga ito sa isang barangay sa gilid ng kalsada sa Capas, Tarlac noong madaling araw ng Hunyo 23, ayon sa task group na binuo ng Criminal Investigation and Detection, Highway Patrol Group at Anti-Cybercrime Group. Matapos ang inisyal…
Read MoreOFW SA QATAR NATULUNGAN NG AKOOFW NA MAKAUWI SA PILIPINAS
AKO OFW ni DR. Chie League Umandap KAMAKAILAN ay dumulog sa ating AKOOFW ang isang kabayani na nasa Qatar upang magpatulong na makauwi sa lalong madaling panahon dahil diumano ay minamaltrato siya ng kanyang employer. Sa sumbong ni OFW Pauline Gaudin, sinabi niya na “Sinampal po ako ng amo kong babae. Nagkulong na po ako dito sa aking room, kagabi pa hindi kumakain at tubig lang po sa CR ang aking iniinom. Hindi ko na po kaya mag-work sa kanila dahil lagi silang galit at hindi daw po ako marunong…
Read MoreBOC AT DDCAP MAGKAKAPIT-BISIG PARA SA MGA OFW
RAPIDO NI TULFO MULI na namang magsasanib-pwersa ang Bureau of Customs at Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) upang tulungan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng scam ng balikbayan boxes ng mga cargo company sa ibang bansa. Ito ay dahil sa paglala ng sitwasyon ng inaabandonang mga container na ipinadadala dito sa bansa ng ating mga OFW mula sa iba’t ibang bansa. Ayon kay Atty. Vincent Maronilla, ang Assistant Commissioner ng BOC, mas lumala ang kaso ng abandoned containers na nakatengga ngayon sa BOC. Ito ay matapos…
Read MoreMAYOR MAX ROXAS AT GOV. SUSAN YAP PAWANG LODI NG MGA TAGA-TARLAC!
TARGET NI KA REX CAYANONG WALANG tigil ang pamimigay ng masarap na bigas nina Paniqui, Tarlac Mayor Leonardo “Max” Roxas at Vice Mayor Aida “Bien” Roxas para sa ating mga kababayan mula sa Barangay San Carlos. Laging ang pagtulong sa ating mga kababayan ang prayoridad nina Mayor Max at VM Bien. Ang mga ka-barangay naman nila sa Barangay Samput ang nabigyan ng libreng bigas nitong Martes, Hulyo 2. Noon pa man, ang pagbibigay ng tulong at suporta nina Mayor Max at VM Bien Roxas sa ating mga kababayan, na walang pinipili,…
Read MoreBAKIT BINA-BLIND ITEM PA?
DPA ni BERNARD TAGUINOD INTERESADO ang taumbayan na malaman kung sino ang dating Cabinet official na pumapadrino sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na ni-raid ng mga awtoridad sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Kinumpirma kasi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairman Alejandro Tengco ang panggagapang ng dating Cabinet official para mabigyan ng lisensya ang mga POGOhang ito. Pero bakit bina-blind item pa at hindi deretsohing pangalanan para tapos na ang kuwento at panagutin kung dapat panagutin lalo na kung may ebidensya naman na pinapadrinuhan niya ang…
Read More