BABABA PA BA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN BAGO MAGPASKO?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANANATILING mataas pa rin ang presyo ng mga sangkap sa pagluluto batay sa pinakahuli nating pagkakaalam. Ang kada kilo ng luya ay nagkakahalaga ng P250, samantala nasa P150 naman ang per kilo ng kamatis. Noong nakaraang mga buwan ay umabot ng P300 ang kada ng kilo ng luya, kamakalawa bumaba lamang ito ng P50 na umabot ng P250 ang kada kilo sa ilang mga pamilihan. Kamakailan, nakatanggap ang PUNA ng mga ulat na kaya umano tumaas ang presyo ng luya na umabot ng P300 kada…

Read More

PHIL. NAVY MEMBERS NA NAKAHARAP NG CCG DAPAT PAPURIHAN

At Your Service Ni Ka Francis DAPAT lang bigyan ng papuri ang 80 sundalo na nakibahagi sa misyon ng RORE noong nakaraang Hunyo 17, kung saan isang service member ng Philippine Navy na nakilalang si Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo, ang malubhang nasugatan at anim na iba pang Navy men ang nasaktan dahil sa kagagawan ng mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea kamakailan. Si Facundo, kasama ng 79 iba pang mga sundalo ng Phil. Navy ay nakibahagi sa misyon ng RORE para sa…

Read More

PAGRESPETO SA KARAPATAN AT PAGPAPAHALAGA SA KAPAKANAN NG LAHAT

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAKATAPOS lang nitong Hunyo ng napakakulay na pagdiriwang ng tinatawag nating Pride Month — isang napakahalagang kaganapan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community at mga taga-suporta nito. Ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ako sa pagdiriwang nito ng pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng komunidad ay noong nagkaroon ng Pride Parade sa Taipei. Marami kaming kaibigan na miyembro ng komunidad kaya minabuti naming sumali at maki-martsa, kaya talagang damang-dama ko noon ang nag-uumapaw na saya ng napakaraming sumama sa pagdiriwang, at pati na rin ang…

Read More

USAPIN NA NG SEGURIDAD SA PAGDAGSA NG TSINO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGHIGPIT ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-iisyu ng visa sa mga Chinese na pumapasok sa Pilipinas. Paliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may mga nang-aabuso sa paggamit ng visa kaya naghigpit ang gobyerno. Ayon sa Pangulo, walang pinipili ang paghihigpit ng gobyerno, ngunit tila ipinupunto ni PBBM ay ang mga Tsinong nasasangkot sa ilegal na gawain. Ang isa pa sa pinansin ni Marcos Jr. kamakailan ay ang student visa ng mga Chinese, na target din ng isang senador na talupan. Dahil sa pagdagsa ng…

Read More

BRONZE AWARD AT KADIWA NG PANGULO NG PASAY LGU

TARGET NI KA REX CAYANONG NAGANAP noong Miyerkoles, Hunyo 26, 2024, ang isang mahalagang araw para sa Lungsod ng Pasay matapos igawad ang “Bronze Award” sa kanila sa Regional Human Resource Management Practitioners (HRMP) Congress na pinangasiwaan ng Civil Service Commission (CSC). Ang pagkilalang ito, na ipinagkaloob sa pamamagitan ng CSC-National Capital Region (NCR) Resolution No. 2300870, ay isang patunay sa mataas na pamantayan ng kanilang human resource management system na alinsunod sa mahusay na sistema ng dokumentasyon sa ilalim ng Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource…

Read More

BATANGAS INDUSTRIYALISADO KUNG MAY SAPAT NA KURYENTE

BISTADOR ni RUDY SIM MALAKI ang tsansa na maging susunod na sentro ng logistics na sektor ang lalawigan ng Batangas, bukod pa sa pagkakaroon ng umuusbong na turismo, komersyal na pangingisda at information and communications Technology (ICT). Ayon kay Hermilando Mandanas, gobernador ng lalawigan, ang kasalukuyang magandang lokasyon ng Batangas ay pabor sa mga korporasyon na nais magtayo ng kanilang opisina sa probinsiya, at angkop na angkop para maging sentro ng lohistikong kalakalan, para suportahan ang masisikip na mga pantalan sa Maynila, Subic-Clark at Cebu. Para makamit ng Batangas ang…

Read More

BRIGADA AYUDA NG MGA MAAGANG UMEEPAL

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMALINGAWNGAW at naging usap-usapan sa social media ang larawang nagpakita ng pamamahagi ng bigas na may tatak na “Romualdez Rice” ng ilang mambabatas sa Tagum City, Davao del Norte. Inulan ito ng batikos – may maanghang na patutsada, merong pang-aasar at pagkainis. Sabagay, may happy naman at pabor, pero ilang butil lang sila kumpara sa kilo-kilong asar. Mabango sa iba ang Romualdez Rice, pero masarap ba ang lasa? Baka ibang klase ‘yun ng bigas o malamang na bagong uri ng pang-eengganyo o diretsahang propagandang pulitikal. May…

Read More

BAGONG PAG-ASA SA MGA PASYENTE: MEGA HEMODIALYSIS LEGACY BUILDING

TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI maitatanggi na ang kalusugan ay isang pangunahing karapatan ng bawat mamamayang Pilipino, at isang malaking hakbang ang ginagawa ng ating pamahalaan upang matugunan ito. Nitong Miyerkoles, pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang groundbreaking para sa Mega Hemodialysis Legacy Building, isang 13-palapag na pasilidad na itatayo sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City. Ang bagong pasilidad na ito ay inaasahang makatutulong sa libo-libong pasyenteng nangangailangan ng dialysis. Ayon kay Romualdez, “Hindi lang gusali ang ating itinatayo. Naghahanda tayo ng pundasyon para…

Read More

NAG-UUSAP BA KAYO SA WPS ISSUE?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMING Pinoy ang dismayado kay Executive Secretary Lucas Bersamin nang sabihin nito na misunderstanding at aksidente lang ang insidente sa Ayungin Shoal nang sugurin ng mga piratang Tsekwa ang tropa ng Philippine Navy (PN) na naging dahilan ng pagkaputol ng hinlalaki ng isa sa 8 na labis na nasaktan. Siguro naman ay napanood ni Bersamin ang insidente nang palibutan ng mga Chinese Coast Guard na armado ng itak at palakol ang tropa ng Pilipinas kaya hindi ko alam kung bakit ang isang dating Associate Justice ng…

Read More