KAALAMAN Ni Mike Rosario HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maresolba ang problema sa kakapusan ng motorcycle at four wheels vehicle plates. Matagal mo nang nabili ang iyong motor at four wheels vehicle ay umaabot pa ng taon bago maire-release ang mga plaka nito. Ang malaking problema, kapag may bago kang sasakyan at wala pang plaka, madalas ka pang sisitahin ng mga awtoridad sa kalsada. Pagkukulang ba ng nakabili ng sasakyan na wala pa siyang plaka? Ang usapin sa madalas na pagsita sa mga sasakyan na walang plaka ay nagpapakita…
Read MoreCategory: OPINYON
MALAWAKANG BANTA NG DEPRESYON
KUNG pagbabatayan ang datos ng Department of Health (DOH), hindi biro ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na dumaranas ng depresyon. Ayon mismo sa DOH, nasa 3.6 milyong Pinoy ang dumaranas ng depresyon dulot ng kahirapan, gutom, problema sa pamilya, domestic violence, diskriminasyon at iba pa. Ang masaklap, walang sapat na pasilidad ang pamahalaan para matugunan ang lumalalang suliranin ng lipunan, kaya naman marami sa mga Pinoy, pinili na lang wakasan ang problema sa pinakamadaling paraan – ang pagpapatiwakal. Pag-amin ng kagawaran, posibleng higit pa sa 3.6 milyon ang…
Read MoreKAPANA-PANABIK NA TAON PARA SA MGA ATLETA AT MAMAMAYANG PILIPINO
SA GANANG AKIN NAPAKALAKI ng ginagampanang papel ng isports sa kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas. Hatid nito ang inspirasyon, pag-asa, at pagkakataon para sa mamamayan lalo na para sa mga kabataan at mga atletang Pilipino. Maraming mga estudyante ang nakapagtatapos ng pag-aaral sa tulong ng mga scholarship grant na ibinibigay sa mga atleta ng mga kolehiyo, unibersidad, at ng pamahalaan. Sa pamamagitan din ng isports, mas nakikilala ang Pilipinas, hindi lang bilang bansang hitik sa likas na yaman kundi bansang may mahuhusay na atleta. Kitang kita naman ang kahandaan at…
Read MoreMAY RIGODON BA SA GABINETE SA SUSUNOD NA BUWAN?
MY POINT OF BREW MALAPIT nang magtapos ang buwan ng Mayo. Abangan natin na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo, maaaring magkakaroon ng anunsyo ang Malakanyang sa mga bagong mukha sa gabinete. Karamihan na maaaring bagong miyembro ng gabinete ay mga politikong natalo noong nakaraang eleksyon. Matatapos na kasi ang tinatawag na one-year appointment ban ng Comelec kung saan ipinagbabawal na pumasok muli sa serbisyo publiko ang mga kandidato na hindi nagwagi noong May 2022 elections. Ito ay pinagtibay kahapon nang sinabi ni PBBM na magkakaroon ng reorganization ang kanyang…
Read MorePAANO KUNG SI TEVES ANG NAPATAY?
BISTADOR NAIWASAN sana ang madugong Pamplona massacre na ikinasawi ng sampu katao kabilang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4 taong kasalukuyan habang ito ay nagbibigay ng tulong sa mga benipersaryo ng conditional cash transfer program, kung binigyang pansin ang panawagan ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa banta sa kanyang buhay. Matatandaang humarap sa mga miyembro ng media si Teves noong nakaraang January 12 sa isang press conference kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio upang ipanawagan sa pamahalaan at sa…
Read MorePAGKAKATALAGA KAY VP SARA BILANG NTF-ELCAC CO-VICE CHAIR IDINEPENSA
TARGET NI KA REX CAYANONG IDINEPENSA ng National Security Council (NSC) ang pagkakatalaga kay Vice President Sara Duterte bilang co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sabi nga ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, wala itong epekto sa academic freedom. Well, wala nga namang kinalaman ang NTF-ELCAC sa curriculum ng eskwelahan. Sa usapin naman ng confidential o intelligence fund, nasa poder ito ng kalihim ng Department of Education (DepEd). Tama nga si Malaya dahil nang ibigay ng Kongreso ang pondo sa DepEd ay may…
Read MoreIMPORTASYON PA RIN ANG TUGON
SIBUYAS, hirap ka nang mahalin. Tumataas ang presyo sa pamilihan, napipintong mawalan ng sapat na suplay sa merkado. Paulit-ulit, bumabalik ang problema kaya sa halip na kalugdan ang putahe ay nagiging dahilan ito upang mawalan ng gana ang mga Pilipino sa tunay na lasa. Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), aabutin na lamang ng hanggang Nobyembre ang suplay ng pulang sibuyas habang ang puting sibuyas ay sapat lamang hanggang Setyembre. Ganito rin ang inihayag ng Department of Agriculture, sa gitna ng pagdoble ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan…
Read MoreSABLAY NA PANUKALA
CLICKBAIT MARAMI ang nayamot sa halip matuwa sa pag-apruba ng Kamara sa panukalang bigyan ng P1 milyon cash gift ang mga Pinoy na aabot sa 101 taong gulang. Sa ngayon swertehan na lang kung umabot ng edad 90, ‘yun 101 pa kaya? Ang sabi ay dalawa lang sa bawat 100,000 ang umaabot sa 100-anyos sa panahon ngayon. Pinag-aralan bang mabuti ang panukalang ‘yan o gusto lang nilang masabing may ginagawa sila sa Kongreso? Tanong nga ng mga netizen, si Manong Johnny Enrile kaya ang inspirasyon ng magagaling na kongresistang nakaisip…
Read MoreANYARE SA COMELEC?
BISTADOR ni Rudy Sim MATAPANG na humarap sa publiko at sa mga miyembro ng media si Legazpi City Mayor Geraldine “Gie” Rosal kasama ang kanyang mister na si Albay Governor Noel Ebriega Rosal na buong suporta sa kanya sa paniniwalang sila’y biktima ng magulong ikot ng buhay sa pulitika. Naging kaduda-duda ang naging hakbang ng Commission on Elections sa pagdisqualify kay elected Mayor Rosal, kung saan humugot ang mga ito ng dahilan upang gawin ang isang hakbang na tila naging labag sa karapatan ng pinili mismo ng mga botante sa…
Read More