LTMS NG LTO DAGDAG PASAKIT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HINDI raw nakagiginhawa sa halip ay dagdag pasakit pa sa mga tsuper at operator ang Land Transportation Management System (LTMS), ang online portal ng Land Transportation Office (LTO). Kaya naman plano raw maghain ng kaso sa korte ng mga organisadong transport group sa bansa para pigilan ang operasyon ng LTMS. Ang reklamo, dagdag pasakit lang sa mga stakeholder at magdudulot lamang umano ng korapsyon ang hakbang na ito ng LTO sa halip na pagluluwag sa sistema ng vehicle registration at renewal ng driver’s license. Sinabi mismo…

Read More

DA NAGIGING DI

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG tama ang mga kritiko ng administrasyon na ang Department of Agriculture (DA) ay nagiging DI, hindi dance instructor kundi Department of Importation dahil ang laging solusyon nila sa problema sa supply ng pagkain ay importasyon. Matapos ang importasyon ng sibuyas at asukal ay bigas naman ang planong angkatin ng DA sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA), dahil kulang daw ang buffer stock gayung panahon ng anihan. Ang hindi na lang yata natin inaangkat ay itlog dahil maiksi ang buhay kumpara sa ibang agricultural products…

Read More

‘MASSIVE ATTEMPT TO COVER-UP’ SA P6.7-B, 990 KG SHABU

PUNA Ni JOEL AMONGO ISANG malaking hamon ngayon kay Department of The Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kung paano niya reresolbahin ang pagkakahuli kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo na nag-imbak ng 990 kg ng shabuy na P6.7 billion ang halaga. Matatandaan noong Oktubre 8, 2022, nahuli si Mayo sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Tondo, Maynila na naging dahilan ng pagkakakumpiska ng 990 kg ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion. Noong nakaraan ay nanggaling mismo kay Abalos ang pahayag na may “massive attempt to…

Read More

PROBLEMA NI DUTERTE NOON, PROBLEMA NI PBBM NGAYON

KAALAMAN ni Mike Rosario ISA-ISAHIN po natin kung anu-anong mga problema ang iniwan ng nakaraang mga administrasyon na inani ni ex-Pres. Rodrigo Duterte at ngayon ay na inaani rin ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Una ay ang problema sa mataas na presyo ng agri-products tulad ng bigas, asukal, asin, karne, isda at marami pang iba. Bakit nagtaasan ang mga presyo nito? Dahilan nila ay ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Mataas daw ang kada litro ng mga produktong petrolyo dahil sa hindi pa matapos-tapos na labanan ng dalawang bansa.…

Read More

KUNG TOTOONG SAPAT BAKIT PA AANGKAT?

AYON kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., walang dapat ikabahala ang publiko sa usapin ng supply ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino – ang bigas. Pero iba ang paniniwala ng National Food Authority (NFA) na agresibong nagtutulak para sa pag-angkat ng hindi bababa sa 330,000 metriko toneladang bigas bilang paghahanda sa nakaambang kakulangan ng supply pagsapit ng buwan ng Hulyo. Bagama’t sumipa na ang presyo ng bigas sa mga pamilihang bayan sa kabisera, inaasahan ng NFA na madarama ng mga konsyumer ang kapos na supply sa merkado pagsapit pa ng buwan…

Read More

MABABANG SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO, MALAKING TULONG SA MGA CUSTOMER

SA GANANG AKIN HINDI maitatangging panahon na talaga ng tag-init dahil sa taas ng temperatura. Kaugnay nito, inaasahang tataas din hindi lang ang demand sa kuryente kundi pati ang konsumo ng mga konsyumer dahil sa mas matagal na paggamit ng mga cooling device gaya ng aircon. Sa kabila ng panahon ng tag-init, pampalamig ng ulo naman ang balitang hatid ng Meralco para sa 7.6 milyong customer nito. Kamakailan ay inanunsyo ng Meralco ang pababang paggalaw ng presyo ng kuryente ngayong buwan ng Abril. Mula sa kabuuang presyong P11.4348 kada kilowatthour…

Read More

MAY ‘RAT CZAR’ ANG NEW YORK CITY?

MY POINT OF BREW UMMM…Teka, marahil ay nagulat kayo sa paksa ng aking kolum. Pero totoo. Ang New York City ay nagtalaga na ng isang eksperto upang puksain ang lumalalang populasyon ng mga pesteng daga sa kanilang lugar. Kung titingnan natin ang imahe ng New York City, karamihan na nailalarawan natin sa ating isipan ay ang mga modernong naggagandahan at nagtataasang mga gusali. Kasama na rin dito ang iba’t ibang makasaysayang mga lugar na naging simbolo ng pagsisimula ng pag-unlad ng Estados Unidos. Ang mga ganitong larawan ay nakikita at…

Read More

ANO ANG PLANO NI BOYING SA BI?

BISTADOR RUDY SIM MATAPOS ang kontrobersyang kinasangkutan ni dating BuCor Chief Gerald Bantag sa kaso ng pagpatay kay Percy Lapid na siyang naging ugat ng pagkakasibak nito bilang Director General ng pambansang piitan ng bansa, ay umugong ang balita at akusasyon laban kay Department Of Justice Secretary Boying Remulla na nais lamang nito hawakan ang mga ilegal na aktibidad sa Bilibid na itinanggi naman agad ni Remulla. Maraming sangay ng ahensya ng pamahalaan ang nasa ilalim ng kapangyarihan ng DOJ, nariyan ang NBI, BuCor, LRA at ang BI kaya’t kung magiging…

Read More

PANSAMANTALANG GINHAWA

MAKAKAHINGA nang maluwag ang mga parokyano ng tren. Pansamantala nga lang. Nag-aalala sa epekto sa ekonomiya ng dagdag pasahe sa LRT-1 at LRT-2, kaya inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang planong pagtaas. Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pag-aaral nang mabuti ang magiging epekto nito sa mga pasahero. Pag-aaralan pa lang ang magiging epekto nito sa ekonomiya gayong nasa bukana na ng implementasyon? May mga konsultasyon, deliberasyon at pag-aaral na siguradong naisagawa kaya humantong na sa planong implementasyon. Ang pagpapaliban ay…

Read More