RAPIDO NI TULFO MAGPINSAN daw itong si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at si Lt. Gen. Benjamin Santos Jr., na isa sa mga isinalang sa imbestigasyon na isinasagawa ngayon ng DILG, na may kinalaman sa 990 kgs ng shabu na nasabat last year. Ito ay ayon sa impormasyon na ibinigay sa atin ng isang mapagkakatiwalaang source. Bukod pa diyan, magka-partner din daw ang dalawa sa isang negosyo kung saan kasama rin nila ang isa pang kontrobersiyal na personalidad noong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na si Senior Supt. Eduardo…
Read MoreCategory: OPINYON
MATITINAG BA SI SARA?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO DAHIL sa COVID-19 ay nagbago ang schedule ng pagbubukas ng klase at ang panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral. Bago ang pandemya, ang klase sa luma o dating school calendar ay nagbubukas sa unang linggo ng Hunyo habang ang bakasyon ay Abril at Mayo. Ngayong hindi na mahigpit ang restriksyon at balik-normal na ang pag-aaral, may mga mungkahi at rekomendasyon na ibalik ang old school calendar. Ngunit sinabi ng DepEd na hindi maaaring kaagad ibalik ang dating school calendar dahil kailangan pa itong pag-aralan, at bumuo…
Read MoreMALASAKIT NI SEN. BONG GO AT SERBISYO NI COUN. DOK G LUMBAD
TARGET NI KA REX CAYANONG KAHIT saang dako ng bansa, basta’t nangangailangan ng tulong ay pinupuntahan ni Sen. Bong Go. Ganyan ang malasakit niya sa ating mga kababayan. Pilit nga raw siyang ginagaya pero hindi siya mapantayan. Kamakailan ay personal na binisita ni Sen. Kuya Bong Go ang mga residente ng Barangay Don Galo, Parañaque City na naging biktima ng sunog. Kung hindi ako nagkakamali, aba’y naapektuhan ng sunog ang 72 pamilya na kinabibilangan ng 196 indibidwal. Sinasabing faulty electrical wiring ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy. Mismong ang masipag…
Read MoreKAPABAYAAN O KABUHAYAN?
MATAPOS ihayag ng gobyerno ang pagtatapos ng banta ng pandemya, biglang naglabas ng datos ang mga matematiko sa likod ng OCTA Research Group. Ayon sa OCTA, nananatiling banta ang COVID-19,batay sa kanilang pagtataya. Sa pinakahuling datos ng OCTA Research Group, pumalo sa 6.5% ang COVID-19 positivity rate (antas ng mga kumpirmadong positibo mula sa hanay ng mga sumailalim sa pagsusuri) sa National Capital Region (NCR) noong nakalipas na Linggo. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakababahala ang ang naitalang positivity rate sa NCR kung saan aniya nakita ang…
Read MoreTAKOT LANG ANG CHINA
DPA ni BERNARD TAGUINOD PASINTABI sa mga kababayan natin na galit sa Balikatan exercises at karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pilipinas, pero ito lamang ang paraan para madepensahan ang ating territorial waters na buong-buong inaangkin ng China. Mula 1995 o apat na taon matapos mawala ang US Bases sa Pilipinas noong 1991, ay nagsimula nang inaangkin ng China ang Spratly Island at nang maging Presidente si Xi Jinping, lalong lumakas ang presensya ng People’s Liberation Army (PLA) sa West Philippine Sea (WPS). Walang kakayahan ang ating Sandatahang…
Read MorePRESYO NG LANGIS TAAS-BABA
PUNA Ni JOEL AMONGO TILA nagiging taas-baba na lamang ang nangyayari sa presyo ng mga produktong langis. Noong Marso 28, 2023 ay nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, Diesel P1.30/L, Gasoline P0.85/L, at Kerosene P1.90/L. Noong Abril 4, 2023 ay tumaas naman ang presyo nito, Diesel P0.50/L, Gasoline P1.40/L, at Kerosene P0.20/L. Sumunod na pagtaas noong Abril 11, 2023, Gasoline P2.60/L, Diesel P1.70/L, at Kerosene P1.90/L. Noong nakaraang Lunes, Abril 11 may magkakahiwalay na advisory ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Pilipinas…
Read MoreKUNSINTIDOR NG SUGAL SA STA. ROSA, LAGUNA SASABIT SA PNP
BALYADOR ni RONALD BULA TIYAK na “sasabit” ang ilang mataas na opisyal ng kapulisan sa Santa Rosa City of Laguna kapag mahigpit na paninindigan ng malapit nang magretirong si PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” sa naturang organisasyon. Kabilang sa posibleng sumabit dito ay itong si P/Lt. Col. Paul M. Sabulao na ginawaran kamakailan ng “Medalya ng Papuri” para sa ipinakitang huwarang kahusayan, katapatan, at dedikasyon sa tungkulin bilang Chief of Police ng Santa…
Read MoreSAKLOLO, SAKLOLO MAY PULIS
MATAPOS ang anim na buwan ng imbestigasyon, dalawang heneral at 12 iba pang opisyales ng Philippine National Police (PNP) ang tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sabit sa tinaguriang ‘pinakamalaking drug haul’ sa kasaysayan ng kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan. Ang totoo, hindi na ikinagulat ng publiko ang pagkakadawit ng mga unipormado — partikular ang mga de-ranggong opisyales ng PNP. Sa nakalipas na mga panahon, hindi na halos mabilang ang dami ng mga pulis na dinakip dahil sa pagbebenta ng mga drogang sumisira…
Read MoreCONG. ARNIE TEVES MISTULANG NAKARMA
RAPIDO NI TULFO MISTULANG tinamaan ng karma ang pamilya nitong si Cong. Arnulfo “Arnie” Teves dahil sa mga problemang kinahaharap ng mga ito ngayon. Nagsimula ang sigalot sa mga Teves nito lang nakaraang taon matapos na masangkot ang anak nitong si Kurt Matthew Teves sa pananakit sa isang security guard sa isang subdivision sa Parañaque. Ang isyu ay nag-ugat sa mahigpit na pagpapatupad ng guwardiya sa mga patakaran ng subdivision sa mga sasakyan na pumapasok doon na walang kaukulang homeowner sticker. Hindi nagustuhan ng batang Teves ang ginawa ng guwardiya…
Read More