‘WAG PURO KUDA SA KRISIS SA TUBIG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO HETO na naman tayo. Kapag tag-init, magkukumahog sa paghahanap ng solusyon sa krisis sa tubig. Nag-iingay ang mga mambabatas at nasa posisyon at kanya-kanyang mungkahi at panawagang magtatag ng mga ahensya bilang tugon sa problema na hindi naman mabigyan ng solusyon. Parang sirkulo lang ng panahon. Paikot-ikot, laging nagsisimula ngunit walang katapusan hanggang abutin na ng tag-ulan, na panibagong problema na aatupagin at kailangan ding bigyan ng tugon. Ayon kay Senator Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services, kung maglalagay ng tamang mga polisiya…

Read More

WATER CRISIS, ‘DI DAPAT MAULIT – QC SOLON

TARGET NI KA REX CAYANONG NAKU, magkakaroon na naman daw ng krisis ng tubig sa Pilipinas. Kung maaalala, nagkaroon na nito noong 2019. Ngayong 2023, nakaamba na naman daw ang parehong krisis, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sinasabing ito ang matinding digmaan na kahaharapin ng mga Pinoy sa hinaharap. Nakapangangamba ang babala tungkol sa krisis sa tubig. Isipin n’yo na lang, baka wala na raw tayong mainom, maipanghugas, maipangligo at maipandilig man lang ng halaman. Kaya naman, pinaghahanda na ni Quezon City Rep. Marvin Rillo ang…

Read More

DOTr OFFICIAL TINABLA NG BOC, NAGWALA?

Imbestigahan Natin NAGWALA at sinigawan ng opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kausap niya makaraang mapahiya sa isang transport group nang hindi mairehistro ang mga sasakyan nito. Sa nakuhang impormasyon ng Saksi Ngayon, nagkaroon ng komosyon sa pulong na pinangunahan ng nasabing opisyal dahil sa nabigong uploading sa Land Transport Management System (LTMS) ng imported vehicle stock report inventory mula sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. Nagpaliwanag ang isa sa mga kasama sa meeting na hindi ma-upload sa LTMS ang report dahil sa kawalan ng…

Read More

ESTUDYANTE, GURO MAGDURUSA SA KLASE TUWING SUMMER

BALYADOR ni RONALD BULA NAG-ALALA si House Deputy Minority Leader at ACT-Teachers Party-list Representative France Castro sa panganib na idudulot sa mga estudyante at guro kapag hindi ibinalik sa Abril hanggang Mayo ang summer vacation. Tinukoy ni Castro na base sa online survey na isinagawa ng ACT na nilahukan ng 11,706 pampublikong guro sa buong bansa, 87% sa mga ito ang nagsabing hindi sila makatutok nang mabuti sa pagtuturo dahil sa sobrang init ng panahon. Binanggit ni Castro na 37% naman ang nagsabi na ang summer heat ay nagdudulot sa kanila…

Read More

PAMBANSANG PABAHAY PARA SA QUEZONIANS

TARGET NI KA REX CAYANONG SUPORTADO ni Quezon Gov. Helen Tan ang Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. Katuwang ni Gov. Tan sa kanyang mga programa at proyekto ang kanyang anak na si Cong. Atorni Mike Tan. “Isinagawa ang pinakamalaking Memorandum of Understanding (MOU) sa loob ng isang araw simula nang ipinatupad ang programang “Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino” (4PH) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor [Tan] kasama ang 31 punong bayan sa lalawigan at Department of…

Read More

HIGIT SA LAHAT, SWELDO DAPAT NAKABUBUHAY

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas ang komprehensibong solusyon para matugunan ang kakulangan ng mga nurse at mapigilan ang pag-alis ng mga ito sa bansa. Ayon kay 1st District Northern Samar Rep. Paul Daza, kabilang sa komprehensibong solusyon ang reporma sa licensure system, ang isyu sa ekonomiya dahil mas mataas ang sweldo ng mga nurse sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas kaya kailangang isama ang usapin ng suweldo sa solusyong inilatag ng pamahalaan sa kakulangan ng nurse. Ang sentro naman ng problema ay ang kikitain para guminhawa ang buhay. ‘Di na dapat…

Read More

HALIMBAWA NG PAGIGING REAKSYONARYO NG GOBYERNO ANG TUBIG

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISANG halimbawa na pagiging reaksyonaryo ng gobyerno ang problema sa tubig na kapag panahon ng tag-init lang napag-uusapan at kapag lumipas na ang summer at sangkatutak na ang ulan, nakalilimutan na ang problema. Hindi lang itong gobyernong ito ang pinag-uusapan natin dito ha, kundi halos lahat ng nagdaang administrasyon at sa dami ng naging pangulo ng bansa, wala sa kanila ang nakaresolba sa kakulangan ng supply kapag summer season. Mantakin niyo, napaliligiran tayo ng tubig pero problemado tayo sa supply dahil walang tuloy-tuloy na programa ang…

Read More

BENEFITS SA BPSO MEMBER NA NAPATAY SA DUTY

PUNA ni JOEL AMONGO MARAMING katanungan ngayon ang umiikot hinggil sa nasagasaang isang Barangay Public Safety Officer (BPSO) kung may benepisyo ba siyang matatanggap mula sa barangay na kanyang pinaglilingkuran. Ang insidente ay nangyari dakong alas-2 ng madaling-araw noong nakaraang Huwebes, Marso 30, 2023, na naging dahilan ng kamatayan ni Ruel Francobit, 56-anyos, residente ng Brgy. Greater Lagro, Quezon City. Ayon sa pulisya, naganap ang insidente habang nagpapatrolya si Francobit at iba pang BPSO, na kinasangkutan ng dalawang kahina-hinalang mga sasakyan na Isuzu Traviz lightweight truck at Mitsubishi L-300 van…

Read More

ROMUALDEZ NAGPAALALA SA PNP, PCG NGAYONG HOLY WEEK

KAALAMAN Ni Mike Rosario NAGPAALALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga awtoridad na gampanang mabuti ang kanilang mga trabaho ngayong Semana Santa para maiwasan ang sakuna sa taumbayan. Partikular na pinaalalahanan ni Romualdez ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ngayong mahabang bakasyon dahil sa Holy Week. Napansin ni Romualdez na sa tuwing may mahabang bakasyon, hindi maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at sa mga karagatan. Sinabihan pa niya na magsagawa ng masusing inspeksyon ang mga pulis sa mga public transport bago umalis ng terminal…

Read More